What's new

Closed Magugunaw Ba ang Mundo?

Status
Not open for further replies.

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,552
Reaction
7,215
Points
2,569
Ang ating planetang Lupa ay hindi mawawasak ng anumang kapaha-pahamak na pangyayari. Bakit tayo nakatitiyak? Dahil nangangako ang Diyos na ang lupa ay “hindi . . . makikilos hanggang sa panahong walang takda, o magpakailanman.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) “Ang mga lahi ay umaalis at dumarating,” ang sabi ng Bibliya, “ngunit ang daigdig ay mananatili magpakailanman.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., Ang Biblia—Bagong Salin sa Pilipino.


Ayon sa orihinal na tekstong Hebreo ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., may dalawang salita na ginamit dito upang idiin na patuloy na iiral ang lupa—ʽoh·lamʹ para sa “panahong walang takda” at ʽadh para sa “magpakailanman.” Ang ʽoh·lamʹ ay maaaring isaling “maraming taon” o “walang hanggan.” Ayon sa Students’ Hebrew and Chaldee Dictionary ni Harkavy, ang ʽadh ay nangangahulugang “mahabang panahon, walang hanggan, magpakailanman.” Yamang ginamit ang dalawang salitang Hebreo na ito sa teksto, ipinapakita nito na tiyak na patuloy na iiral ang lupa. Isaalang-alang ang tatlo pang dahilan mula sa Bibliya na nagpapatunay na ang lupa ay mananatili magpakailanman.


Una, nilalang ng Diyos ang lupa upang maging tahanan ng mga tao—isang sagana, pandaigdig, at nakalulugod na paraiso, at hindi para maging tiwangwang lamang. Inilalarawan sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. si Jehova bilang ang “Maylalang ng langit, Siya na tunay na Diyos, na Tagapag-anyo ng lupa at Maylikha nito, Siya na nagtatag nito nang matibay, na hindi niya nilalang na walang kabuluhan, na nag-anyo nito upang tahanan.”


Ikalawa, noon pa ma’y ipinangako na ng Diyos na ang mga taong susunod sa kaniya ay maninirahan magpakailanman sa mapayapang lupa. Nangangako ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.: “Uupo sila, ang bawat isa sa ilalim ng kaniyang punong ubas at sa ilalim ng kaniyang puno ng igos, at walang sinumang magpapanginig sa kanila; sapagkat ang mismong bibig ni Jehova ng mga hukbo ang nagsalita nito.” Kaya ayon sa layunin ng Diyos, tiyak na mananatili ang lupa magpakailanman upang maging tahanan ng sangkatauhan, dahil kung hindi, mawawalan ng saysay ang kaniyang mga pangako.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..


Ikatlo, iniatas ng Diyos sa tao ang pangangalaga sa lupa. “Kung tungkol sa langit, ang langit ay kay Jehova, ngunit ang lupa ay ibinigay niya sa mga anak ng mga tao,” ang sabi ng Salita ng Diyos. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Magagawa ba ng isang maibiging ama na magbigay ng isang napakagandang regalo sa kaniyang anak at pagkatapos ay babawiin ito at sisirain lamang? Siyempre hindi! Sa katulad na paraan, hindi gugunawin ni Jehova ang lupa ni lilipulin ang lahat ng naninirahan dito, sapagkat “ang Diyos ay pag-ibig.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..


Tiniyak ni Jesu-Kristo na matutupad ang mga pangako ng kaniyang Ama, nang sabihin niya: “Ang iyong salita ay katotohanan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) At ang Diyos, na hindi makapagsisinungaling, ay nangangako: “Ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa, at tatahan sila roon magpakailanman.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
 
Lol. Daming talata sa Biblia na nagsasabing magugunaw ang mundo.

2 Pedro 3:10
Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog.

2 Pedro 3:7
Nguni't ang sangkalangitan ngayon, at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay iningatang talaga sa apoy, na itinataan sa araw ng paghuhukom at ng paglipol sa mga taong masama.

Zefanias 1:18
Kahit ang kanilang pilak o ang kanilang ginto man ay hindi makapagliligtas sa kanila sa kaarawan ng kapootan ng Panginoon; kundi ang buong lupain ay masusupok sa pamamagitan ng apoy ng kaniyang paninibugho: sapagka't wawakasan niya, oo, isang kakilakilabot na wakas, nilang lahat na nagsisitahan sa lupain.

Apocalipsis 21:1
At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa: sapagka't ang unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang dagat ay wala na.
 
Last edited:
Oo nakatala at nakatakda yan hindi lahat ilang prsyentong lupa lang matitira at 5 milyong maswswerteng tao ang matitira lamang kaya ngayon pa lang maging maawain matulungin mapagmahal sa kapwa mababang loob at maunawain sa lahat
 
Through natural causes? Nope. Not for a million or so years.
Through the actions of man? Pwede.
 
Tama ka, bro. Kasi maghahari muna si Cristo sa loob ng isang libong taon. Pagkatapos non, darating ang poot ng Panginoong Dios na Makapangyarihan sa lahat. Magkakaroon ng mga salot na hindi pa nararanasan kailanman at kung anu-ano pa mang pahirap dahil sa kasamaan ng tao.
 
Kung di mga flat earthers mga illusionary friend naman andito, anong patunay na may diyos? Sagot nila BiBlIa. Palunukin kita ng biblia dyan eh naniniwala kayo sa gumawa ng biblia sa panahong di pa nagiisip mga tao. Eh baka nga comics yang bilia sa panahon nila.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top