What's new

Poll Magkano baon mo ng Elementary ka? 😂

Elementary 3,5,6,10 hanggang makagraduate high school 25,30 to 50
Kaso hindi na ako naka graduate ng high school financial problem
Year 1997 to 2003 elemantary
Year 2003 to 2009 high school
 
Piso nung grade 1
Dos nung grade 2
Tres nung grade 3
Kwatro nung grade 4
Singko nung grade 5
Singko parin nung grade 6
Hahaha iba trip ng magulang ko.
 
P1 lang baon hangang nag high school ako pambili lang ng tubig sa pananghalian. 3km lalakarin papuntang school
 
2001 grade 1 ako nun ng bata pa madalas 10pesos at minsan 5pesos kaya lagi lng sa recess ko sopas nasa cup 2pesos lng. tas ung iba puto eto ung panahong pati classmate ko ninanakawan ko ng baon pag di pagkain pera..ganun kasama dati that was 7years old palang yata ko nun
 
₱20 tapos na upgrade ng ₱40-₱50 siguro nung mga grade4 or 5. Nung naging highschool naman ₱50 pa rin pero minsan ₱100 pag nasa mood ang parents. May malawakang paluwagan sa classroom namin kaya tuwing friday may mayaman samin. XD
 
15 sa umaga 10 sa hapon, then dinadalhan nalang ng miryenda sa school na zesto at kung ano anong snack
 
sakin 20php. tapos pag uwi ko bente pdin dala ko hahaha ang alam kse nila sumasakay ako kahit nilalakad ko lng. tapos ipon pambili ng laruan haha
 
Back
Top