What's new

Help Magandang phone repair shop

arsenal1205

Intel® Xeon® Gold
Contributor
Joined
Mar 13, 2018
Posts
35,126
Solutions
330
Reaction
129,086
Points
22,139
saan kaya magandang bumili ng replacement parts pati na rin magpainstall ng lcd/amoled screen para sa samsung a71?

out of warranty na yung unit then after 2 years ng ownership ko lumabas na yung defect ng amoled screen may white line sa gitna ng screen.

useable pa naman yung phone, walang problema sa touch/digitizer at yung fingerprint sensor nagana parin. pero ang pangit tingnan na may puting linya sa gitna ng screen.

now im worried na sa daming mabibili o maipagawang shops baka maloko or maiscam naman ako sa binayaran ko. like pangit ang gawa o piyesa etc.

kung may alam kayo na magandang pag bilhan ng lcd/amoled panel drop nyo lang yung store name (pati sa shoppee/lazada) para malaman ko. puede rin yung magandang shop na recommend nyo kung saan kayo nagpagawa na especially lcd/amoled screen.
 
Para sa replacement parts at installation ng LCD/AMOLED screen ng Samsung A71, maaaring mag-check sa mga authorized service centers ng Samsung sa inyong lugar. Sa ganitong paraan, mas sigurado kayo na ang mga bibilhin at ipapalit sa inyong device ay mga orihinal na produkto mula sa Samsung.

Kung nais ninyo ng mga alternatibong pagpipilian, maaari rin kayong maghanap ng mga reputable third-party repair shops. Narito ang ilang mga guidelines na maaari ninyong sundin:

1. Maghanap ng mga review at feedback mula sa ibang mga customer na nakapagpagawa na sa kanila. Maaaring maghanap ng mga reviews online sa mga social media platforms o sa mga e-commerce websites tulad ng Shopee o Lazada.

2. Siguraduhin na ang shop ay may mga sertipikasyon at lisensya upang mag-operate. Maaaring magtanong sa kanila kung may mga sertipikasyon sila mula sa mga kilalang industry organizations tulad ng CTIA o ng Mobile Electronics Certified Professional (MECP).

3. Tiyaking ang mga replacement parts ay mga high-quality at orihinal na produkto. Ito ay upang maiwasan ang mga problema sa kalidad sa hinaharap.

4. Magtatanong tungkol sa mga warranty at after-sales support na ibinibigay nila. Siguraduhin na mayroon silang mga warranty sa kanilang mga serbisyo at replacement parts na kanilang ipinapalit.

Narito ang ilang mga online stores na pwede ninyong subukan upang bumili ng replacement parts:

1. Kimstore - You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
2. Widget City - You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
3. Gadget Hunter - You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Sa pagpili ng repair shop, maaari rin kayong magtanong sa mga kaibigan o kakilala kung mayroon silang maire-rekomenda.
 
same here. update po ng unit niyo?
ok na pero may kaunting problema parin sa bagong screen ko.

-sa lock screen parang hindi maganda yung pag kakulay ng nasa lock screen ko, pero kapag nakaunlock na yung phone, balik sa normal.

-hindi masyadong sensitive yung fingerprint sensor. nagagamit naman in some times na hindi tinotopak yung sensitivity.

-kapag naka on yung always on display, hindi siya nag didilim. lalo na kapag naka charge.

pinagawa ko yung phone ko sa cellboy sa sm bicutan. maganda naman yung pag ka gawa pero yung parts siguro hindi masyadong maganda yung sinusupply nila. quotation nila sakin is 4,800 amoled screen na siya.

Samantala bago ako nag pagawa sa cellboy may natanugan ako na isang kiosk or stall na nag aayos ng laptop at phone lcd sa tapat ng popeyes ground floor ng sm bicutan ang quotation nila sakin is 6,700 or 6,800. medyo nang hihinayang sa presyo pero sabi ng tech sakin is talagang original yung ikakabit nila sakin. siguradong class a yung kinabit ng cellboy technician sakin. may kaunting problema eh...

balak ko palitan ulit yung screen sa unang pingtanungan ko kung talagang original yung isasalpak nila sa phone ko. or siguro ibenta ko na lang ito baka bili na lang ako ng mas mataas na unit. :unsure:
 
Ako lods aantayin ko nalang yung bagong machine na nag aayos nyan na mag karoon satin dito sa pinas, sa Strange Parts po sa YT nila meron na pong fix sa ganyan pero di ko pa alam if meron na dito sa pinas. Either Flex Cable lang po kasi yan or if oled naman yung prob e ni laser lang nila. Nag hahanap din po ako ng mag rerepair nung last nung sinabi ko if pwede ko bang kunin ung damaged/replaced screen after nilang pinalitan sabi nila aanhin ko pa daw e damaged na din naman. Nung nakita ko yung vid ng strange parts parang napaisip ako kung bakit ayaw nilang ibigay.
 

Similar threads

Back
Top