What's new

Trivia Magandang Kinabukasan!

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,537
Reaction
7,198
Points
2,914
"Anak, mag-aral kang mabuti para magkaroon ka ng magandang kinabukasan" 👩‍🎓👨‍🎓

Tiyak na maraming beses mo nang narinig ang ganyang paalala ng mga maibiging magulang sa kanilang mga anak.

Syempre, sino ba naman ang ayaw ng Magandang Kinabukasan? 😊

Pero ano ba ang ibig sabihin ng mga tao sa "Magandang Kinabukasan?"

👩‍🏫 May magandang posisyon sa trabaho?
🏡 May magandang bahay?
🚗 May magandang kotse?

Oo, yan ang sukatan ng iba - Isang komportable o maalwang buhay!

Ito narinig mo na?
"Mag-aral ka ng Bible at isabuhay ito para magkaroon ka ng Magandang Kinabukasan"📖
(Juan 17:3)

Talaga ba na mangyayari ito? Anong uri ng Kinabukasan ang tinutukoy dito?

Tingnan ang ilang preview nang Bible sa isang Tunay na Magandang Kinabukasan :

🌴K-rimen at masasamang tao, mawawala na (Awit 37:10-11)

🌴I-pinangako na mawawala ang kamatayan (Apocalipsis 21:4)

🌴N-angako ang Diyos ng Magandang Kinabukasan (Jeremias 29:11)

🌴A-ng Kahirapan ay mawawala na
(Awit 9:18)

🌴B-ubuhayin muli ang mga namatay nating mahal sa buhay (Gawa 24:15)

🌴U-masa na mawawala na ang lahat ng uri ng sakit(Isaias 33:24)

🌴K-aharian ng Diyos na Jehova ang maglalaan nito (Mateo 6:9)

🌴A-aalisin maging ang pagtanda
(Job 33:25)

🌴S-anlibutan ni Satanas ay mawawala na ( Juan 12:31)

🌴A-alisin na rin ang gutom
(Awit 72:16)

🌴N-apakalapit na nitong dumating! (2Timoteo 3:1)

Gusto mo ba ng ganyang kinabukasan? Higit na mas maganda ito kesa sa magandang kinabukasan na iniisip ng ibang mga tao hindi ba?

Isang napakagandang kinabukasan na naghihintay sa mga MATUWID at MAAMONG TAO dito mismo sa LUPA.

Pero paano tayo maaring makasama sa magandang Kinabukasan na ito? Alamin ang sagot ng Bible 😊

FB_IMG_1632733691008.jpg
 

Attachments

Similar threads

Back
Top