What's new

Maganda po ba magwork sa manila? Can you please give an advice.

Hi everyone sana may makapagbigay ng tips or advice sakin if pano ba diskarti as a working class hero sa manila.

Ang hirap po kasi maghanap ng magandang work sa province kahit 4 years graduate ka naman ang hirap makapasok. qualified ka naman sana kaso kung wala kang backer wala rin pinaghirapan mo. 😔

gusto ko kasi makabawi sa parents ko kahit konti nahihiya na ako maging palamunin sa bahay. 😢

Sana may makapagbigay ng advice makikipag sapalaran po ako for the sake of my family and of course for my future na rin.

Salamat.
 
halos lang din dito sa metro manila.
swertihan lang sa mag hihire sayo kung trip ka.

english ay advantage (hindi ko to matatanggi dahil halos lahat ng interview english)
Hahaha true, kahit dito nga sa Visayas eh. If I remember correctly, sa huli lang kami nagspeak ng Tagalog.
 
Mataas ang cost of living dito ss metro manila
Minimum wage earner ka
8k ang bills and rent mo
Puwera pa ang food allowance
Travel allowance
Load allowance
May matitira sayo nasa 3 to 4k a month dipa kasama ipon mo at emergency fund.
Remember nataas ang cost of living dito sa metro manila kaya walang silbi ang sasahidi mo puwera nalang kung sumasahod ka ng 35k up.
 
Thank you po!
 
Kagaya ng nasabi na ng iba, mataas ang cost of living sa Metro Manila at andiyan pa yung mas mataas na criminality rate kumpara sa probinsiya. At base sa experience ko, may tendency na maging monotonous lang ang takbo ng buhay mo at marami kang masasayang na oras dahil sa traffic. Nasayo yan ts, wala namang masama kung itry mo, baka sakaling maging mas sakto lang ang para sayo kumpara sa buhay sa probinsiya. Sa probinsiya kasi puwede ka lang magtanim sa bakuran at medyo mas kampante ka pa rin na kokonti lang ang mandurukot base sa experience ko dito sa probinsiya namin. Kahit gabihin ka sa kalsada ay okay lang, walang hoholdap o mandurukot sayo.
 
Nagbabalak din ako kaso yung cost of living talaga sa manila eh mahal, unlike dito samin sa probinsya kaso nga lang, ang baba ng sweldo dito. pinakamataas na siguro is 300 a day.
 
yes mataas ang cost living sa manila, ngayon nga ay wala akong trabaho so by nov 19. uuwi muna ako sa parents ko dahil hindi ko na kayang bayaran yung monthly rent ko na 6k, masayang mamumuhay sa manila if you know how to interact and fight, unlike me (inaway lang ng katrabaho nagresign na) haha thats life anyway
 
yun lang dapat sinapak mo
 
Back
Top