What's new

Closed Mag ingat sa scam

Status
Not open for further replies.

XZYLion

Addict
Joined
Jan 21, 2017
Posts
49
Reaction
13
Points
85
Gusto ko lang kayo paalalahanan na mag-ingat at wag basta basta sumali sa mga networking na magbibigay daw ng pera kapag nakapag invite ka ng ibang tao. Scam ang mga ito kahit na legit na may pay out. Halimbawa 1k ang entry money na kailangan para makasali. Madalas may minimun amount to cash out, sa example na to sabihin na natin na 3500. Sa account mo may 1k ka kaso kailangan mo pa ng 2500 para makapag cash out. Para kumita kailangan mo magrecruit ng tao. Sabihin na natin na 100 kada isa ang kikitain mo per invite. Need mo ng 25 pa na katao para kumita ka at mabawi yung 1k mo. Bawat isa sa 25 na kailangan mo maglalabas din ng 1k for initial. Nakapagpasok ka ng 26k sa network kasama yung 1k mo tapos 3500 lang nakuha mo. Yung remaining 22500 ay paghahati-hatian yan ng mga nasa itaas mo, yung nagrecruit sayo at yung recruiter nya and so on. Ang yumayaman lang dito ay ang mga nagpasimuno at kawawa kayong mga sasali pa lang kasi mauubusan kayo ng tao na maiinvite. Walang EZ money kaya mahalin niyo pera niyo. Thanks sa pagbasa sana namulat kayo para maubos na mga scammer sa Pinas.

PS. Hindi po ako na-scam, naaawa lang talaga ako sa mga nauuto.

608482
 
Attachments

Tama ka jan... kaya mas mabuti wag ng sumali sa mga ganyan networking... nakabuo ka nga ng group pero yun pinaghirapan na pera mababalewala lang lahat dahil lang jan.. yun iba nag nangungutang pa para makasali lang jan!!
 
Napaka walang konsensiya ng ganyang sistema
Sino pa pasimuno nian kundi mga mataas ang pinag-aralan.
Money analyst kuno.
Dapat talaga pinapatay mga yan
 
Tama ka jan... kaya mas mabuti wag ng sumali sa mga ganyan networking... nakabuo ka nga ng group pero yun pinaghirapan na pera mababalewala lang lahat dahil lang jan.. yun iba nag nangungutang pa para makasali lang jan!!

Talaga. Ang mindset kasi ng karamihan, magkapera lang ako bahala na kayo which is why the Philippines struggles sa kabila ng yaman nito.
 
Oo... ganiyan yun nababalita sa tv e.. binase ko lang..hahahaha!! Yun iba umabot na sa kalahating million ang ginastos para lang jan para makapag invest meron namang tinakbuhan yun kanila pera !! Kaya sana yun iba gusto sumali pag isipan muna bago sumali...
 
Kung gagastos lang din ng malaking pera, mag stock market na lang. Mas may chance pa kumita.
 
Tama... or magtayo na lang ng sariling business sila pa yun amo/boss/ manager.. madali naman kumita ng pera.. kung magaling ka lang magnegotiate or magsalestalk ng mga product!! Or mag tayo ng sariling resto kahit maliit lang or madami naman pwede pagkitaan e diba!!
 
Ang mahalaga, gumamit ng utak at wag basta basta maniwala sa mga nagsasabi na magkakapera kaagad. Parang love yan, kung ayaw mo masaktan, wag laging puso.
 
Yes na yes yan... kailangan bago gumawa ng hakbang sigaruduhin muna kung ang pinagkakatiwalaan ay hindi gagawa ng masama lalo na kung malaking pera ang pinag uusapan...
 
Kung di nasubukan, wag mag sabi na na scam ka..

Lalo na sa unlishop..
Bago pa lang..
Panong scam?
Eh 2days pa lang nala cashout nko 3500

1k puhunan

8 katao napasok ko tas may mga napasok din sila..

So panong scam?
 
Tama... or magtayo na lang ng sariling business sila pa yun amo/boss/ manager.. madali naman kumita ng pera.. kung magaling ka lang magnegotiate or magsalestalk ng mga product!! Or mag tayo ng sariling resto kahit maliit lang or madami naman pwede pagkitaan e diba!!
magbenta na lng ng balut. kahit pahinay hinay, bsta kanunay..🤣🤣🤣
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top