What's new

Madali lang ba matutong magmotor?

Kapag nasa city ka sis..mag automatic ka na..dami traffic..pero kung nasa probinsya ka lang naman kung bet mo ang may clutch ok lang naman..choice mo parin sis..pero mas less hassle ang automatic..ingat lang sa pag drive sis
 
Automatic na kung bibili ka ng motor uso naman yang ngayon tsaka may advantage kapag matic motor mo di mo na kailangan tumapak ng kambyo at preno kasi kapag matic hawak mo na yung silinyador at preno. Mas iwas disgrasya o semplang lalo na't baguhan ka pa lang. Basta hinay hinay sa pag higit ng silinyador baka humarurot ka at bumangga sa pader hahaha. About naman sa lisensya maghanda ka ng 6k para sa Student permit to Non pro. Kuha ka muna student tapos after 1 month ipa non pro mo na agad para iwas huli sa mga checkpoint ng LTO. Goodluck sa pag momotor.
 
Kung manual po TS, 4 strokes po yun. Primera, segunda, tertiera, quarta. Pag nagsisimula ka pa lang matuto, iwasan mo gamitin ang primera, segunda muna. Para malaman kung nakasegunda ka na, from Neutral po apakan mo dalawa beses yung selinyador, Neutral yung kahit anong rebolusyon hindi po aandar, makikita naman yun sa gauge mo TS letter "N" color green. Yung kasabihan about sa bike, tama naman sya kasi it refers to balancing sabi nga ng ibang lodi natin dito. Basta dahan dahan pihit ng kambyo pagka-apak sa selinyador para di ka humarurot. Pasensya na kung naulit man ang tips ko, baka may iba ng nagcomment about dito. Salamat
 
Ang madadagdag ko lang sa mga payo na binigay sayo is. Una dapat naka jacket at pantalon at sapatos ka. Unnecessary man pero dagdag protection mo yun sa possible na manyari anyway kung batang labas ka nung bata ka at oks lang sayo yung comfortable ka na lang. At yung hihiramin mo motor make sure na all stock or kahit papaano eh hindi mataas ang menor. At nasa condition. May mga tao kasi na kargado na kaya sila lang gamay nun.
 
yung kambyada ang tinutukoy mo. pag XRM125 motor mo, baba baba baba lng yan ganon ang kambyada ng xrm125.
 
Yung silinyador nga ata ang dapat ko praktisin boss. Nung natry ko kasidati pag nalilito ako napipihit ko sya ng diretso hahaha praktis lang naman ata. Anw, salamat boss. Ill keep that in mind.
 
Nosebleed ako ser. Hahaha Pero di na siguro ako mag manual. Dun muna ko automatic since mas okay daw yun sa beginner. Pero pag natuto na siguro ako pag aaralan ko na rin ang manual since mas safe daw yun.
 
Ano po yung menor? 😅 Keep in mind ko po yung get up na sinasabi niyo. Salamat. Kung matuto na siguro ako mag motor di nako makakapagdress papasok ng office. Hahaha
 
If nalilito ka po sa kambyo, I suggest using automatic scooters. Tutal nakakapag balance naman po kayo ng bikes and such. Mas madali po sya matutunan. 😊 More on throttle and brakes nalang. Make sure na kapag nag aaral mag drive or gumamit ng motor yung walang aberyang maaaring mangyari. Better check muna surroundings like mga gutter etc. And open space din. 😊
 
Base din sa mga nabasa ko dito na comments mo and ng iba. Mukhang kelangan mo nga throttle control. Hehehe. For beginners I suggest na kapag nag dadrive ka na ng motor and kabahan, let go of the throttle, not the handle bars, okay? Then konti konting piga sa preno. 😊 Wag biglain at baka tumaob or kung ano pa po mangyari sayo. 😊 Make sure din po na may gears na suot. Then about sa automatic motorcycle. Scooters po like mio etc. Sa semi automatic naman eto yung mga motor na may gear shift parin but walang clutch. 😊
 
Hahaha. Pasensya na po TS, jargon po ba yung terms. Basta kaya mo yan TS, keep safe.
 
Opo boss yun nga yung nalilito ako. Pag kinakabahan ako nasasagad ko yung throttle hahaha Pero feeling ko naman practice lang yun. Excited nko mag aral hahaha hanap nlang ako ng school na maganda. By february pa po kasi ako makakapag enrol/
 
Connect tado siya sa throttler control. (yun yung sa may kanan na kamay mo pag piga mo is aandar) dapat pag piga mo ng dahan dahan is tamang speed or lakas lang binibigay kaya. Yung iba kasi kunting piga hatak agad eh. Kung papasok ka man sa office bring extra clothes na lang maganda kung malaking compartment ng motor mo. Payo ko rin sayo FI na kunin na motor mo in the future para tipid gas. Ride safe madam
 
Pwede ka naman na mag aral on your own. Basta throttle control lang. Konting pihit lang po hanggang sa maging cinfident konti konti dagdagan. 😊
 
Madali lang naman yan. Ako nga isang araw lang natuto eh. 2 stroke pa pinag-aralan ko. Sa una malilito ka lalo na kung di clutch ang motor at siyempre wala kang gaanong alam sa mga parte ng motor na kailangan mong kontrolin. Tulad ng paghawak ng clutch kapag magchachange gear ka. Dahan-dahan papihit ng salonyador kapag aandar ka. Depende din kasi yan sa klase ng motor. Sa balanse madali na kasi yan lalo na kapag naandar na motor dahil feel mo magaan na yan. Once na nakaneutral na motor then start mo engine, hold the clutch then change gear tapos dahan-dahan mong pihitin yung gas lever kasabay ng paunti-unting release ng clutch. Once na maayos na takbo, pakiramdaman mo makina kung kailan ka magchachange-gear. Repeat steps lang.
 
kung marunong kang mag bike kayang kaya mo na yan, at may experience ka na pala sa manual so kung hirap ka go for automatic para pihit ng selenyador go na at wala ka ng iisipin pang gear shift
 
Back
Top