What's new

Closed mabolo

Status
Not open for further replies.
J

Jeanh

Guest
12745862_954648561293859_6535565678430970510_n.jpg

Ang mabolo ay isang kilalang halaman na karaniwang nakikita sa Pilipinas. Ang puno nito ay may katamtamang taas, may makapal at makinis na dahon, at bulaklak na kulay puti. Ang bunga nito na maaaring kainin ay bilugan ang hugis at nababalot ng maliliit na buhok. Karaniwan itong nakikita sa mabababang lugar at mga kagubatan.
ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA MABOLO?
Ang iba’t ibang bahagi ng mabolo ay maaaring makuhanan ng ilang uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
Ang dahon ay makukuhanan ng alkaloids, reducing sugar, gum, flavonoids, at tannins
Ang bunga ay mayaman sa tannin
Makukuhanan din ng rosmarinic acid, luteolin at hispidulin
Ang bunga ay may taglay din na mahahalagang sustansya kabilang ang carbohydrates, fiber, fat, calcium, protein, phosphorus, iron, vitamin A, thiamine, riboflavin, niacin, at vitamin C
ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
Balat ng kahoy. Ang balat ng kahoy mula sa puno ng mabolo ay mabisang panggamot ilang uri ng sakit. Karaniwan itong nilalaga at iniinom.
Dahon. Ang dahon ay karaniwan ding nilalaga at hinahalo pa sa balat ng kahoy upang ipanggamot.
ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG MABOLO?
1. Pangangati ng balat. Maaaring ipanghugas sa apektadong balat ang pinaglagaan ng balat ng kahoy at dahon ng mabolo upang maibsan ang pangangati.
2. Ubo. Mabisang panlunas sa ubo ang pag-inom sa pinaglagaan ng balat ng kahoy ng mabolo.
3. Lagnat. Makatutulong naman na pababain ang lagnat kung iinom din ng pinaglagaan ng balat ng kahoy.
4. Sugat. Maaaring ipanghugas naman sa sugat ang katas ng bunga para madali itong maghilom.
5. Pagtatae. Ang pag-inom sa pinaglagaan ng balat ng kahoy ay mabisa ring panlunas sa kondisyon ng pagtatae.
6. Hika. Pinaniniwalaan din na makatutulong para sa sintomas ng hika ang pag-inom sa pinaglagaan ng balat ng kahoy ng mabolo.
7. Free radical. Taglay ng pinaglagaan ng dahon at balat ng kahoy ang malalakas na uri ng antioxidant na kayang labanan ang free radical sa katawan.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top