What's new

Poems M.U?. What It Feels To Be

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,940
Solutions
6
Reaction
66,367
Points
16,625
Para sa mga walang label kumbaga M.U na tawagan.

Yung tipong di naman talaga sayo ,
pero naging kayo?
Yung natapos na bigla kahit
di pa nagsisimula,
ang sakit diba? damang dama,
masakit talaga isipin kasi
may namamagitan na sa inyo
pero mababaliwala lang lahat ng ito,
Yung akala mo na magiging kayo,
pero ni isa sa inyong dalawa
hindi pa sigurado
at ikaw nama'y hindi pa handa,
mahirap talaga kapag
wala kayong label
dahil sa buhay nya
di mo alam ang totoo mong papel,
Minsan din kasi isa sa inyo
ang pabebe,
kaya kailangan mo din gumalaw syimpre,
wag ka masyadong umasa
na one day magiging kayo officially,
unless that feelings are equated mutually,
Madalas tinitinis mo nalang ang pagseselos
kasi nga takot ka na relasyon nyo ay
magtatapos,
Umaasa ka na balang araw ganun din
sya sayo,
Bakit kasi di nyo pa maamin sa isa't isa?
kung ano ba talaga ang status nyong dalawa?
mas maigi magawa mo sabihin hangga't maaga pa
dahil kapag huli na wala ka ng magagawa
Sa una pa lang dapat mo kasing pag isipan,
pumasok ka lang ba sa walang label na relasyon for just fun? o talagang trip mo lang.
Paano pag nahulog ka sa kinalaunan?
nawala na ang fun? eh tila ikaw tong nasaktan,
Pumasok ka dahil hindi pa kayo habda sa isa't isa?
hanggang kailan pa talaga ikay handa na?
paabutin mo pa ba sa kung saan nakahanap na sya?
Pwedi namang sumubok diba?
Ipaalam nyo sa isa't isa ang tunay na pakay at nadarama,
Pero choice nyo pa rin naman yan talaga,
ok lang hangga't intensyon nyo ay tapat,
wag lang gawing panakip butas ,
Wala naman masama pumasok sa relasyong
walang label,
kung handa ka din sa maaring kahihinatnan nito,.
kasi nga lahat ng tao nagbabago ,
baka yung ipinadama nya sayo bigla na lang din maglaho.






❤️~Professora Akira~❤️
 
ahaha sadyang gumagana lang minsan pagka emotera 🤣 kaya napatula na naman eh....
kaso mukang absent ma'm yung ka MU mo po..hhaha! de joke lang.. 🤣

Iba epekto ng "special" sakanya... hahhaa habol na kasi prof sa 14
oo nga ehh,, hahha! yung special ni ma'm, mas special pa sa special.. hahh! { Ano daw?! yaan mo na 🤣 di ko rin gets}

anong meaning ng M U sa tagalog mga lods
malanding ugnayan.. hahha! joke lang
 
wala talaga ako masabi minsan kasi sa labis na nasaktan ang puso na kanyang iniwan, pinalala pa ito ng mabasa ko ang tulang ito

ma'm Professora Akira ano po ba ang dpat gawin, kung minsan ang taong gusto mong kapiling iba pala ang gustong mahalin🥲😔
wah!! akala ko , chill chill ka lang, may pinagdaanan ka din pala na ganyan..
ma'm Professora Akira , ano pong mapapayo nyo kay FluffyKitty
 
wala talaga ako masabi minsan kasi sa labis na nasaktan ang puso na kanyang iniwan, pinalala pa ito ng mabasa ko ang tulang ito

ma'm Professora Akira ano po ba ang dpat gawin, kung minsan ang taong gusto mong kapiling iba pala ang gustong mahalin🥲😔
minsan may mga taong dumadating sa ating buhay,magbibigay ng kulay at tingkad nito.
magiging parte sa ating buhay,
but for some reasons they couldn't stay,
just be glad na nag crossed ang landas nyo at minsan sa buhay mo
napasaya ka nya ng husto 😉
 

Similar threads

Back
Top