What's new

Trivia LUXE ORGANIX SOOTHING GEL REVIEW

NINJA64

Addict
Joined
Sep 2, 2020
Posts
114
Reaction
60
Points
95
Busy ako ngayon sa midterms kaya product review nalang tayo tungkol dito

LUXE ORGANIX ALOE VERA & SNAIL SOOTHING GEL

Sa simula, medyo iffy ako dahil sa kanyang price range . Ang mura niya kung ihalintulad natin sa ibang moisturizer at ang presyo nito ay 107 PHP= 100ML, 300PHP= 300ML. Kaya bumili ako nito para malaman ko kung tunay ba yung hype na ibinigay nito sa internet.

Kung tingnan natin ang ingredients list, may fragrance siya kaya madaling nakakairita ito sa balat ngunit sa aking sitwasyon ay hindi ito nangyari so it's a plus for me. Base sa ingredients ay may aloe vera, snail, collagen, centella asiatica at hyaluronate kaya pwede ko ito ma irerekomenda para sa mga nagtitipid sa skin care. Oily skin ako at medyo lightweight naman yung feeling pero hindi ito pwede sa aking sa umaga dahil mahahalata sa akin na may nilalagay ako sa mukha. Nagagamit ko na ito sa isang buwan at may konting tigyawat lalabas sa akin pa minsan-minsan sapagkat 4am na ako matutulog.

100ML ay nagtatagal sa akin ng 2-3 months at sa tuwing gabi pagkatapos maghilamos ko lang ginamit to. Para sa akin, pwede mag tagal ng 6-7 months ang 300ml na tube

Soon, mag try din ako yung moisturizer nila na may niacinamide sa luxe organix at sana nagustuhan niyo ito at GODBLESS!
 

Similar threads

Back
Top