What's new

Closed Love??? or boredom? ano ba to? haha

Status
Not open for further replies.

PHC - Jinx

𝔻𝕠𝕜𝕥𝕠𝕣 ℙ𝕒𝕣𝕒 𝕤𝕒 𝔹𝕒𝕪𝕒𝕟
Elite
Joined
Nov 22, 2017
Posts
1,822
Reaction
2,590
Points
828
Mga ka-phc ako nga'y tulungan ninyo at ako'y litong lito na ba ga (that batangueño tone tho) hahaha may babae. Katropa ko. Magkaklase kami for 4 years na, nag oojt na kami ngayon. Magkalayo kami, dito lang ako sa province namin, nag manila sya. Nung una, todo chat kami araw araw. Tapos biglang nawawala. Paconvo kill kase yun eh wala na din naman akong masabi hahaha ang malupet pa dyan, may iba syang gusto. Di man nya aminin saming mga katropa nya na gusto nya yung guy, alam namin na may gusto talaga sya. Halata naman e, todo habol sya dun haha ngayon, nasa point na ko ng pagmomove on (naks) kase alam ko namang wala akong chance. Kaso hanep naman, tuwing medyo okay na ko at sanay na ko na di sya nakakausap araw araw, bigla naman syang magchachat uli. And the cycle continues. Magchachat tas mawawala. Laging ganoon hahaha :(( alam nyang may gusto ako sa kanya. Ano bang ibigsabihin nun mga ka-phc? May feelings din ba sya sakin? Or paasa lang to? Wala lang ba syang magawa? Bored lang? Haha salamat sa magrereply at magbibigay ng payo
 
Kausapin mo siya muna about kung anong kung sino ka para sa kaniya, sympre di mo malalaman kung di ka magtatanong ka sa ka niya, nasayo na kung susugal ka po, kasi di mo naman namin hawak ang kinabukasan mo. Lakas lang ng loob ang kailangan mo. Be positive but not too much kasi naman kung anong sobra nakakasakit po. Pray and Tiwala lang kay God ka muna, Hingi ka ng guide sa ka niya, pero kapag ikaw ay na busted, okay lang yan kasi siguro di pa siya yung taong nakatakda sayo. God has his perfect time for you. Good luck sayo and God bless you with your decision.
 
move on hindi naman naging kayo :)
ikaw lang nagbibigay ng meaning dyan -- assuming ka lang
di ba magkaibigan kayo? di ba natural na magchat kayo?
 
Last edited by a moderator:
Gusto niya yung guy. Ang tanong, gusto rin ba siya? hehe.
Di naman siguro sila so ba't di mo diskartehan? Di mo malalaman kung di mo susubukan. Huwag ka na lang muna masyado mag expect. Pakita mo lang na mahalaga siya sayo.
Sabay kantahan mo nang

Nandiyan ka na naman
Tinutukso-tukso ang aking puso
Ilang ulit na bang iniiwasan ka
Di na natuto
Sulyap ng iyong mata
Aking nadarama kahit malayo
Nahihirapan na lalapit-lapit pa
Di na natuto
Hahaha

Salamat paps. Sya talaga ang source ng sakit ng ulo ko e hahahahaha
 
move on hindi naman naging kayo :)
ikaw lang nagbibigay ng meaning dyan -- assuming ka lang
di ba magkaibigan kayo? di ba natural na magchat kayo?
Hindi paps kase di naman machat yun. Di din naman ako mag aassume kung alam ko na normal na sa kanya ang makipagchat e haha
 
Last edited by a moderator:
Gusto niya yung guy. Ang tanong, gusto rin ba siya? hehe.
Di naman siguro sila so ba't di mo diskartehan? Di mo malalaman kung di mo susubukan. Huwag ka na lang muna masyado mag expect. Pakita mo lang na mahalaga siya sayo.
Sabay kantahan mo nang

Nandiyan ka na naman
Tinutukso-tukso ang aking puso
Ilang ulit na bang iniiwasan ka
Di na natuto
Sulyap ng iyong mata
Aking nadarama kahit malayo
Nahihirapan na lalapit-lapit pa
Di na natuto
Hahaha

May gustong iba yung guy e. Pero ganoon pa man, di rin nya matiis. Lagi nyang sinasabi na wala na syang pake dun sa guy pero pag nagchat naman sa kanya, matic reply sya hahahaha it's a fckd up world
 
Obviously kaibigan lang ang turing nya sayo, kasi kung may gusto rin yan sayo eh di sana mas madalas kayong magcha-chat lalo na't alam nya naman pala na gusto mo sya.
 
Best advice ts, grumaduate ka muna. Susme! malapit ka na grumaduate nagoojt ka na nga eh. Yun muna baka mawalan ka ng focus kakaisip jan. One goal at a time lang muna.
 
Mga ka-phc ako nga'y tulungan ninyo at ako'y litong lito na ba ga (that batangueño tone tho) hahaha may babae. Katropa ko. Magkaklase kami for 4 years na, nag oojt na kami ngayon. Magkalayo kami, dito lang ako sa province namin, nag manila sya. Nung una, todo chat kami araw araw. Tapos biglang nawawala. Paconvo kill kase yun eh wala na din naman akong masabi hahaha ang malupet pa dyan, may iba syang gusto. Di man nya aminin saming mga katropa nya na gusto nya yung guy, alam namin na may gusto talaga sya. Halata naman e, todo habol sya dun haha ngayon, nasa point na ko ng pagmomove on (naks) kase alam ko namang wala akong chance. Kaso hanep naman, tuwing medyo okay na ko at sanay na ko na di sya nakakausap araw araw, bigla naman syang magchachat uli. And the cycle continues. Magchachat tas mawawala. Laging ganoon hahaha :(( alam nyang may gusto ako sa kanya. Ano bang ibigsabihin nun mga ka-phc? May feelings din ba sya sakin? Or paasa lang to? Wala lang ba syang magawa? Bored lang? Haha salamat sa magrereply at magbibigay ng payo
Update: kaka1 year anniversary lang nila nung guy nung March 31 hahahahahays olats talaga
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top