What's new

Trivia LITERAL BA ANG IBIG IPAHIWATIG NI JESUS TUNGKOL SA KUWENTO NG MAYAMAN AT SI LAZARUS SA LUCAS 16:19-31?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,545
Reaction
7,212
Points
2,568
Maraming sekta o relihiyon ang nagtuturo ng literal na maapoy na impiyerno na kung saan doon umano dinadala ang mga makasalanan upang pahirapan sila at parusahan sa isang totoong apoy na naglalagablab matapos silang mamatay dito sa lupa. Tinatawag nila itong "hellfire". Sa dakong iyon di-umano'y "tinoturtore" ng Diyos ang mga nagkasala niyang nilikha at sinusunog sila sa totoong apoy ng walang hanggan.

Ayon pa sa mga relihiyong nagtuturo ng nakakatakot na aral na ito, totoo umanong nakadarama pa ng kirot, hapis at sentido ang mga patay na nasa "literal na impiyernong may apoy"! Totoo nga ba ang aral na ito? Ito ba ay katanggap-tanggap sa Panginoon? Kaya bang sunugin ng isang "mapagmahal na Diyos" ang kaniyang mga nilikha sa totoong nagniningas na apoy?
1f914.png


Upang masagot iyan, atin munang alamin kung ang mga sinasalita ni Jesus ay nagsasabi ng aktuwal na pangyayari o literal o kaya'y gumagamit siya ng makasagisag (symbolic interpretation).

ANG SABI NG MGA NAG-AARAL SA BIBLIA

Ayon sa isang reference book:

"The Lord Jesus Christ did not necessarily mean everything he said literally. That is he spoke of in parables and figures of speech." — God, Cosmology, and Nothingness: Theory and Theology In a Scientific Era, Garrison Clifford Gibson, Luke Press Inc., (2016), pp. 08.
Ayon sa mga Bible scholars gaya ni Gibson (2016) si Jesus ay nangungusap sa ebanghelyo ng mga "matalingahang salita" (parables, figurative speech).
Ang kuwento niya sa Luke 16:19-31 tungkol sa "Parable of Lazarus and the Rich Man" ay bunga ng isang "parabola" o hindi literal na kuwento. Ito ay isang ilustrasyon o paglalarawan. Gumagamit si Jesus ng halimbawa ng "fictional story" para ihambing ang kaniyang mga salita.
Gaya ng mababanggit sa paatras na talata:
1f447.png
1f447.png


"Dahil dito, sinabi sa kanila ni Jesus ang talinghagang ito." — Lucas 15:3, MBB

Lahat ba ng kuwentong ginamit ni Jesus ay aktuwal na pangyayari o literal?
Sagot ng Biblia:
1f447.png
1f447.png


"Lahat ng mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus sa mga pulutong sa pamamagitan ng mga ilustrasyon. Sa katunayan, kung walang ilustrasyon ay hindi siya nagsasalita sa kanila." — Mateo 13:34, NWT

"Ang lahat ng ito ay sinabi ni Jesus sa mga tao sa pamamagitan ng mga talinghaga, at wala siyang itinuro sa kanila nang hindi sa pamamagitan ng talinghaga." — Mateo 13:34, MBB

"All these things spake Jesus unto the multitude in parables; and without a parable spake he not unto them." — Matthew 13:34, KJV

"Jesus spoke all these things to the crowd in parables; he did not say anything to them without using a parable." — Matthew 13:34, NIV

Lahat ng Bible versions nagsasabi na SYMBOLICAL ang mga kuwento ni Jesus, hindi literal.

Kaya ang "apoy", "si Lazarus", ang "mayaman" at si "Abraham" sa Luke 16:19-31 ay bahagi lamang ng isang illustration o parabola at hindi naglalayon ng literal na unawa.

ANG KAHULUGAN NG PARABOLA NI LAZARUS AT NG MAYAMAN

Dahil gumamit si Kristo ng "patalinhagang salita" (figure of speech gaya ng hyperbole, simile, irony, personification, etc), ang "apoy", " si Lazarus na pulubi" at "ang mayaman" sa Lucas 16:19-31 ay tumutukoy sa isang ilustrasyon o paghahambing.
Isa-isahin natin:
1f447.png


1. "Apoy" — ayon sa Jeremiah 23:29, (KJV), "Is not my word like as a fire? saith the LORD; and like a hammer that breaketh the rock in pieces?" [ Kung kaya't ang "apoy" ay inihalintulad ng Biblia sa "salita ng Diyos" na tumutupok sa mga masasama. Nangangahulugan lamang ito ng matinding pagsaway ng Diyos sa mga ayaw tumalima sa kaniya at ayaw siyang paglingkuran ng tapat. Kaya nakatikim ng nagniningas na pagsaway ang mayamang nasa impiyerno dahil sa kaniyang pagpapakasasa sa materyal na bagay noong nabubuhay pa siya.]

2. "Si Lazaruz" — siya ang pulubing hindi man lang nakaranas ng kaginhawaan noong nabubuhay pa siya. Sa kuwentong parabola, inihatid siya sa "sinapupunan ni Abraham" — na nangangahulugang nasa estado ng grasya ng Diyos — habang ang mayaman naman ay naghihirap at wala sa estado ng grasya ng Diyos. Si Lazarus ay nagrerepresenta sa mga mabubuting lingkod ng Diyos na dumanas ng pighati at kahirapan sa mundo.

3. "Ang Mayaman" — siya ang nakatikim ng masaganang buhay (prosperity) sa mundong ito at nagpapakasasa sa materyal na bagay. Subalit nang mamatay siya, napunta siya sa "impiyerno" (Hades/Sheol) at doo'y makasagisag na naghihirap dahil hindi niya naabot ang pagpapala ng Diyos. Natikman niya ang naglalagablab na pagsaway ng Diyos sa kaniya. Ang "Mayaman" ay nagrerepresenta sa mga Pariseo at Saduceo o mga religious leaders ng Judaism noong panahon ni Jesus na nagpabaya sa mga tao na turuan sila ng aral ng Diyos. Nagrerepresenta din ito sa mga "huwad na propeta" at hindi tapat sa Diyos.
Gayunpaman, ang Biblia ay hindi nagtuturo ng "literal hellfire". Ang "Hell" ay nangangahulugang "Libingan" ng mga patay.
Gaya ng sinasabi ng authoritative reference:
1f447.png


"Sheol [Eng, 'Hell'] in the Hebrew Bible is a place of still darkness which lies after death. Although not well defined in the Tanakh, Sheol in this view was a subterranean underworld where the souls of the dead went after the body died." — Wikipedia/ Britannica Encyclopedia
Iba naman ito sa tinatawag na "Gehenna" (Mat. 5:22) at sa "lake of fire and brimstone" (Apo. 20:14; 21:8) Karagdagan pa, kapwa ang "Gehenna" at "lawa ng apoy" ay hindi rin tumutukoy sa literal na mga dako ng pagpapahirap ayon sa konteksto ng Biblia.
Kaya, wag kayo magpapaloko sa mga taong nagtuturo na literal place ang hellfire! Hindi po ganun. — James 1:16
 

Attachments

In revelation it will be real..God will use fire to purge sin.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Hindi isang literal na lawa​

Ipinakikita ng limang teksto sa Bibliya na bumabanggit sa “lawa ng apoy” na ito’y isang simbolo o sagisag imbes na literal na lawa. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang sumusunod ang inihahagis sa lawa ng apoy:

  • Ang Diyablo. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Bilang isang espiritung nilalang, ang Diyablo ay hindi maaaring masunog sa literal na apoy.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
  • Kamatayan. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Hindi ito isang persona kundi lumalarawan sa isang kalagayan ng kawalang-ginagawa, You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Hindi maaaring literal na sunugin sa apoy ang kamatayan.
  • Ang “mabangis na hayop” at ang “bulaang propeta.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Palibhasa’y simbolo ang mga ito, makatuwirang isipin na ang lawang paghahagisan sa mga ito ay isa ring simbolo.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
 
Sa totoo lang, maraming bagay sa bibiya ang hindi nmn literal. At mas ililigaw ka pa nito pag literal mo tinanggap.

Gaya lang ng walang kabuluhang pagtatalo tungkol sa creationism vs evolution, kung saan wala nmn siyang value na maibibigay satin either way paniwalaan kundi kayabangan. Sa obsesyon nating maging tama, hindi na natin naiintindihan o pinagtutuunan manlang ng pansin ang mga sinisimbolo ng mga bagay-bagay sa kwento na ito.
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top