What's new

Closed Lingon Sa Kahapon

Status
Not open for further replies.

RMLMLNYN

Honorary Poster
Joined
Jul 31, 2018
Posts
447
Reaction
165
Points
166
Sumabay sa dilim at bukang liwayway
Anino mo sa diwa'y nagliliwanag
Pikit mata na ikaw ay tinatanaw
Kahit malayo ika'y nababanaag

Kasalukuya'y sa kahapon lumingon
Takbo ng oras ay gumapang pabalik
Sa alaala mo ang laya'y nakulong
Damdaming sayo'y 'di nagsawang
masabik

Sulyap sa titig mo'y kahalihalina
Kalungkutan sa ngiti ko'y napapawi
Mga yakap mo sa hirap ko ay ginahawa
Sa ati'y walang paglisang nanatili

Hangaring walang katapusang simula
Para sa atin ay akuing ibigay
Sa'ting pusong hiwalay na naging isa
Wagas na pag-ibig bayaang gumabay

Ngunit numero ng orasan ay bilang
Perpektong tagpo ay sadyang limitado
Lawak ng oras natin ay may hangganan
Larawan ay malinaw na lumalabo

Diwa ay nagbalik na sa reyalidad
Itong kamalayang sarado'y nagbukas
Ngayo'y umingay tahimik na daigdig
Ang balik tanaw sa kahapo'y nag wakas
 
ok naman sir kaso
hindi ko po alam kung ano kahulugan nan
malito kasi tapos bitin sa dulo ng bawat pangungusap
 
ok naman sir kaso
hindi ko po alam kung ano kahulugan nan
malito kasi tapos bitin sa dulo ng bawat pangungusap
Karanasan lang naman 'to kung saan nauna ka nagising bago tumunog alarm clock mo pero nagmuni-muni kapa hanggang sa ayun, tumunog na nga yung alarm clock mo😄😄😄
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top