What's new

Help Legit Globe data offer

Mga master, ano ba sulit na data na pwede iregister sa globe? nasa quarantine kasi gf ko sa manila, mabagal daw internet sa hotel.
yung pwede din iregister agad once na maubos na yung data.
 
Pinakamura na yung GO50 (5 GB) good for 3 days. Kapag kinulang, patong na lang ulit nang patong ng GO50. Mas mura yun kumpara sa ibang mas mataas na promo kung hindi naman niya kailangan ng pang-text at pangtawag.

Kung hindi naman siya heavy user at hindi niya naubos yung data niya, use GOSURFBE34 (34 Pesos) an hour before mag-expire ang promo para ma-extend yung data for 15 days. Halimbawa, kung ang GO50 ay good for 3 days kapag ni-register niya ang GOSURFBE34 sa last day ng promo niya magiging parang halos 18 days na lahat since extended.

Kung kulangin naman ng data habang naka-register siya sa GOSURFBE34 ayos lang namang mag-register ulit ng GO50 para magdagdag ng data. Basta kung anong mas mahabang validity yun ang masusunod na expiry date. :)
 
Aw, data lang ba yun? Wala ng ibang freebies? Kung oo, sayang nga kasi limang patong lang sana ng GO50 yun plus GOSURFBE34 so nasa 284 lang lahat. Pero hayaan mo na, Sir. At least next time alam mo na po gagawin. :)
 
[XX='ledin, c: 1008368, m: 1688694'][/XX] oo 25gb lang haha. gagalit kasi gf ko bagal daw net dun sa hotel. eh dito sa flat namin sa uae 270mbps kami. di na nasanay sa mabagal na net hahaha.
 
Hanggang ngayon pala scammer pa din ang globe. Di nag uupdate yung remaining data sa app nila. Halos wala pang bawas pero na nag text na ubos na daw lahat ng data. Hayp na yan.
Screenshot_20210330-132021_GlobeOne.jpg
 

Attachments

[XX='papsikel stik, c: 1012750, m: 412313'][/XX] send DATA BAL to 8080 na lang po lagi pagawin mo sa girlfriend mo kapag mag-checheck ng data balance. Marami po talagang umaangal sa app(s) ng Globe kasi ma-bug daw. May times na ang bagal mag-reflect. Mas reliable pong mag-check ng balance through text. Yun po kasi yung parang "real time" ba yun. Haha. Btw, heavy user po pala talaga girlfriend mo. Halos ubos agad, Sir. Hahaha.
 
Oo hahaha kakanood ng movie yun. Imagine yung hotel, bagal ng net, walang cable tv, walang balcony at bawal lumabas. Naging libangan ang kape at movie haha. Ubos ang data agad. Kako ibaba nya nalang reso kapag manonood. Pagtyagaan nalang kahit malabo hahaha.

Salamat sa tips master
 

Similar threads

Back
Top