LDR TRUST ISSUE

Joined
Nov 7, 2018
Posts
469
Reaction
215
Age
32
Magandang umaga mga ka Phc. gusto ko lang mag labas ng sama ng loob ko di ko na kasi talaga kinakaya, wala din kasi akong mapaglabasan ng problema ko. ganito nasa isang relasyon ako ngayon LDR to be exact. nagkakilala kami last 2022 at 3 times kami nag kita bago sya bumalik ng state. up til now ldr na kami ilang beses ko syang nahuli na may ka chat na iba. nung kinumpronta ko sya ang sabi mya lang chat lang naman daw un at wala naman physical contact kasi nasa malayo sya at nasa pinas din ung ka chat nya. by the way bisexual kami pareho at tago sa pamilya. 32 ako at sya naman 57 separated at may isang anak. ung ka chat nya mas bata saken siguro kasi nakita ko sa facebook ung itsura. ngayon di ko magawang iwanan sya kasi bukod sa mahal na mahal ko sya sya din ung nag susuporta saken dahil wala akong trabaho ngayon. di naman kami nawalan ng komunikasyon di naman sya nawawalan ng oras saken. lahat ng pangangailangan ko sya nag po provide. ang sakit lang na dati sa messenger nya kinakausap ung tao na un lumipat sila sa viber para lang di ko malaman. hindi nya alam na alam ko na naguusap pa rin sila. lately lang nag away kami kasi sabi ko ung viber nya tunog ng tunog palagi ko raw sya binabantayan. nasasakal na daw sya. parang ang lumalabas kasalanan ko pa na nawalan ako ng tiwala sa kanya. palagi ko sinasabi sa kanya na kung di na sya masaya saken sabihin na lang nya para di na kami nag sstay sa ganitong set up. sobrang hirap araw araw akong na da-drain kaka isip sa ginagawa nya. may mga kinuha sya sa home credit na saken nakapangalan at sya nagbabayad isa rin un sa iniisip ko kung sakaling ayoko na pano na lng un eh wala naman akong ibabayad sa mga un. sana matulungan nyo ko mga ka phc. sinusubukan ko naman wag pansinin ung actions nya kasi lalo lang ako nasasaktan pag nakikita ko na gumagawa talaga sya ng paraan para makausap ung tao na un. sana mapayuhan nyo ako maraming salamat mga ka phc.
 

patapon2

Eternal Poster
Magmeet pa lang pala kayo next year 😁✌️

másáráp at mahirap paglove pinag-uusapan. Di mo alam what will happen in the future, no one can tell. If andyan pa ang love, be happy and enjoy lang. Hanap ka work para di ka umaasa sa kanya, para na din malibang ka. Hirap ng wala pinagkakaabalahan kung anu-ano tumtakbo sa isip mo. Try mo lang.
 

Mackits

Contributor
if panaginip ng future ito next year. wag na ituloy, prevention is better than cure, ahahaha.. parang sakit lang boss.
 

PHC-Dek

Elite
Iwasan mo nlang po siya sa 2022,
nasa future siya lods. tas bumalik sa past . pero with respect kay ts sa nararamdaman niya.

Ts kausapin mo ng maayos . huwag idaan sa init ng ulo kase kayo lang din naman ang mahihirapan, explain mo yung plano ninyo pag uwi niya ng pinas. ganun tas sabayan na rin ninyo ng videakol mas masaya hahahha
 
Last edited:
Pag di mo na talaga kaya pre, kausapin mo masinsinan then pag wala talagang pagbabago IWAN mo na kahit sobrang mahal na mahal mo siya at sinusustentuhan ka. Kung takot ka talaga dahil sa home credit eh di pabayaran mo lang sa kanya kung di naman sayo yung gamit diba? "nade drain na ako kakaisip" huwag mong hayaan na lalo ka pang kainin ng lungkot at selos, mag bago ka pre. Find a work, love yourself and gawing mong mas better pa ang sarili mo kesa sa ikaw na ngayon. Malay mo mas ok mahanap mong new rel. Ito'y paalala lamang sayo sa darating na 2022 dejk lang. ;)
 
Magmeet pa lang pala kayo next year 😁✌️

másáráp at mahirap paglove pinag-uusapan. Di mo alam what will happen in the future, no one can tell. If andyan pa ang love, be happy and enjoy lang. Hanap ka work para di ka umaasa sa kanya, para na din malibang ka. Hirap ng wala pinagkakaabalahan kung anu-ano tumtakbo sa isip mo. Try mo lang.
nagkita na kami last year pa 3x

Pag di mo na talaga kaya pre, kausapin mo masinsinan then pag wala talagang pagbabago IWAN mo na kahit sobrang mahal na mahal mo siya at sinusustentuhan ka. Kung takot ka talaga dahil sa home credit eh di pabayaran mo lang sa kanya kung di naman sayo yung gamit diba? "nade drain na ako kakaisip" huwag mong hayaan na lalo ka pang kainin ng lungkot at selos, mag bago ka pre. Find a work, love yourself and gawing mong mas better pa ang sarili mo kesa sa ikaw na ngayon. Malay mo mas ok mahanap mong new rel. Ito'y paalala lamang sayo sa darating na 2022 dejk lang. ;)
maraming salamat brad naiyak ako sa comment mo

Iwasan mo nlang po siya sa
 
Last edited:

Virgo25

Elite
Pag deads na deads kana talaga sa isang tao mahirap ng iwan.. Pero ganyan talaga ang Love minsan di mo na alam mas mahal mo na yung tao kesa sa sarili mo, yung tipong alam mo naman mali na yung nangyayari di ka naman bulag pero di mo to magawang iwan.

Masakit man pero be strong ts...
 

phc-clyron

Honorary Poster
At this point 57 na yung partner mo tapos hnd pa xa makontento sayo so feeling ko wla siya sa stage ng pagseseryoso better siguro sayo na humanap ka ng partner na malapit lang na hnd ldr,, ighost mo mga 1 week
 

mahalkoeyes

Established
Pag deads na deads kana talaga sa isang tao mahirap ng iwan.. Pero ganyan talaga ang Love minsan di mo na alam mas mahal mo na yung tao kesa sa sarili mo, yung tipong alam mo naman mali na yung nangyayari di ka naman bulag pero di mo to magawang iwan.

Masakit man pero be strong ts...
tama tama but matuto tayo na may limitasyon mas masasaktan ka lamg if ipagpapatuloy mo
 

Virgo25

Elite
tama tama but matuto tayo na may limitasyon mas masasaktan ka lamg if ipagpapatuloy mo
Yep.. Mahirap kalagayan ni ts. Kung kelan kasi mahal na mahal na nya saka naman may nangyayaring ganun. Parang ginapos nya lang sarili nya mismo sa taong alam naman nyang walang kasiguraduhan sa kanya at mas lalong masakit na alam nyang walang kasiguradohan future nya dun.
 
Isipin mong mabuti kung mahal mo ba talaga sya or hndi mo lang maiwan yung pinoprovide nya sayo..
In any case pag wala ka na tiwala sa isang tao then its time to let go kse toxic na nangyayare sayo.

Good luck ts.
 
Top