What's new

Help Lazada or Shoppe [Safe ba bibili?]

W

WizKhalifaX_

Elite

MAGANDANG GABI MGA KUYS​

Safe po ba bibili ng SSD sa Lazada or Shoppe? at lalo na yung bibilhin is pocket friendly?

Nag overthink kasi ako baka kasi matulad nung bumili ako sd card 1 week lng corrupt agad sd card tas di na magamit sayang files at mga photos wala panaman ako backup copy nun​
 
P

PHC_LaCe12

Elite
safe ang online basta original store ka like kingston samsung crucial

kung kahit saan may chance na peke na bili mo

ilan taon nako nag shopee no probs na bili ko na item basta branded
 
W

WizKhalifaX_

Elite
oh okay ts. meron sana ngayon promo yung paymaya sa amazon 20% off kaso parang ang hirap pagreturn kapag may aberya. mas mura ata mga ssd doon kesa sa shopee and lazada
ayus ah pero ano try ko muna siguro yung mga kinda cheap haha
 
D

Da RC

Elite
check mo na lang mabuti ung mga reviews
ako lazada ko nabili phone ko rmx.3161 for P10200
natapos na ung 1yr warranty walang issue
 
Y

Yannix

Leecher
May nabili ako m.2 nvme gigabyte around 1,XXX sa shopee. okay naman walang issue almost 8 months palang muna
 
N

nightfu

Established
safe as long as sa mga laz/shopee malls and sa mga kilalang stores ka bibili
hindi rin talaga maiiwasan kung defect ang mapunta sayo
hassle lang mag balik
 
S

sasame9821

Addict
safe ang online
kung di ka lang patatas sa pag pili ng shop
tayong pinoy kase kung ano mura dun tayo
kung mura pero nasa shop na either mall or known retailer like easypc then 100% safe ka
pero if yung shop is jumbled yung pagalan or maski marami pang buyer yan pero yung
reviews ay ganto "di ko pa natest pero 5 star kase naka bubble wrap at bilis ng shipping"
then expect mo na na 50/50 yung makukuha mo 50% na tatagal or 50% patay agad
 
D

dhandee19

Elite
oh okay ts. meron sana ngayon promo yung paymaya sa amazon 20% off kaso parang ang hirap pagreturn kapag may aberya. mas mura ata mga ssd doon kesa sa shopee and lazada
Ang alam ko may minimum order si amazon before madeliver dito sa pinas. . Kung di aabot sa minimum order mo auto cancel yun.
 
V

visiccitude

Grasshopper
Safe yan, piliin mo ung sa LazMall o kaya ay ShopeeMall na shop. Legit yan may kasama pang resibo. Wag bibili sa mga pucho pucho na shop na bagong gawa at konti ang rating. Been shopping sa lazada since 2013, lahat ng computer components ko online din nabili.
 
A

alucard_

Elite
safe naman basta dun ka sa mga may lazmall/shopeemall na badge at official shop ng brand para sure. yung nabili mong sdcard malamang fake yun kaya bilis nasira/corrupt at baka yun yung mga mumurahin na price
 

Similar threads

Top