What's new

Laptop Storage? Pasok guys. Hehe

Juro_Alfonso

Eternal Poster
Joined
Apr 15, 2018
Posts
1,220
Solutions
79
Reaction
336
Points
487
Nagbabalak po kase ako bumili ng laptop na affordable, nakapagtanong nako dito at may magagaling at mababait naman na nagreply, tanong ko naman po ngayon kung anong mas maganda ba pagdating sa storage? 120SSD or 320HDD? Diko den kase alam pinagkaiba e. Gusto ko din sana kasing bumili ng maayos na since first time ko palang bibili. Tas same 4GB ram po siya . Tas in terms of upgrading ram? di rin ako familiar about don hehe. Paano po ba kung sakaling bibili nako? Salamat po ng madami!🥰
 
hmmmmm for me siguro go for HDD na lang since malaki-laki storage, okay naman speed ng old laptop ko with HDD, mabilis naman mag start, yung ram niya 3Gb lang kaya masyadong limitado sa multitask,
 
mas maganda sana kung dalawa yung storage, isang SSD for OS and app installation storage at isang HDD na pang data storage,

and much better kung nasa 8gb na ang ram para mas ok yung takbo ng lappy mo ;)
 
I'll go with SSD. Mas mabilis kasi yung SSD compared sa HDD eh. Yung old Mac ko almost 1min yung startup time niya since HDD lang yun. Compare mo yan sa m1 mac ko ngayon na 12sec startup time niya.

Pwede ka naman bumili ng external hard drive if kulang sayo yung 120GB. Which yes, I'm pretty sure kulang yan.
 
kung kaya ng budget ts, 8gb ram minimum na kasi dapat ngayon much better syempre kung mas mataas (depending sa kakayahan or maximum na kaya ng laptop/pc mo), then at least 250gb or more na ssd :D then you're goods na kahit papaano hehe, HDD, purely for storage of files

SSD, pwede rin for storage pero mas applicable kung puro applications at OS mo lang ang nandon para snappy and responsive, no feeling of lagness kumbaga
 
katulad ng mga sinabi ng iba, SSD na para sa os. tapos sa storage HDD. Paps TS, tanggalin mo na lang din yung DVD drive tapos bili ka ng HDD caddy para malagyan mo parehas yung SSD at HDD sa laptop mo. siyempre yung HDD sa HDD caddy at dun mo lang lalagyan ng mga files. Ang OS / WINDOWS naman sa SSD.

Balak ko nga lagyan ito ng SSD. minsan naiinis ako sa kabagalan ng HDD. ahahha sa sobrang galit ko rin noon, nasira ko nga isang hdd ng laptop ko dahil sa....kabagalan. ahahahah
 
[XX='the_flash, c: 1103568, m: 1007754'][/XX] pero yung desktop ko naka ssd na kaso walang pambili para ipassd ko na itong laptop ko. hayss.
 
Ayun nice. Hahahaha maraming salamat so far sa pinakamalinaw na paliwanag ng differences between ssd and hhd. Thank you lodii🥰
 
Salamat ng madami lodi. Hahaha ngayon ko langs nakita to. Laking tulong. Hahaha anlinaw na paliwanag. Siguro bilhin ko muna yung lappy sabay explore ko muna about dyan sa mga sinasabi niyo🥰 Tas tanong nalang ulet ako pag nexplore kuna. Hahaha salamat lodii.
 
Tama po yung mga sinabi ng mga lodi natin na nagcomment. Para sakin kung pipili ka HDD or SDD, dapat magdepend yun ginagawa mo sa laptop, kung more on documents and saving files pwede mo ipush yung HDD kasi mas marami kang masasave na files e. Pero kung may specific ka na gagawin sa laptop mo, specifically yung application na medyo malakas gumagamit ng read and write sa storage example is editing, then go for SSD. Dipende talaga TS kung anong purpose talaga ng laptop mo. Sakin kasi hindi ko tinitignan yung fast boot ng SSD, tinitignan ko kung gano kabilis mag perform sa lahat ng aspect sa computer.

Try mo rin yung sinabi ni sir arsenal, kung may cd/dvd na drive yung laptop mo pwede mong palitan ng storage yun para makapagpakabit ka ng dalawang drives.
 

Similar threads

Back
Top