Magandang Umaga mga ka-PHC! Tatanong ko lang sana kung anong range o magkano ang magpareformat ng laptop? Kasi since NCII Passer ako (pero di ko pa nakukuha yung certificate dahil sa pandemic), naisipan ng teacher ko na magpareformat sya ng dalawang laptop nya sa akin. Eh ako naman ay go lang sa mga ganon haha pero ang problema ay di ko alam ang pag-presyo xD Kaya pahelp naman po ang magkano ang pag-pricing ng reformat ng laptop hahaha. At kung magkano kapag tropa discount xD Maraming salamat!