What's new

Laptop charging/power issue

oculus

Grasshopper
Joined
Apr 11, 2021
Posts
3
Reaction
0
Points
13
Good evening po mga master Tanong ko lang po, baka may idea po kayo kung ano problema sa laptop ko? HP Folio 9470m po laptop ko. Di po sya nagchacharge minsan. Kapag lowbatt kahit nakasaksak hindi nag-oon tapos nagblink yung light indicator. Kahit tanggalin ko battery ganun pa din.

Yung original charger kasi nya 45 watts. Meron ako isa pa HP laptop na may 65 watts charger. Di ko dati napansin, same lang kasi size ng connector, nagamit ko yung 65 watts na charger dun sa Folio 9470m. Ok naman sya. After few days ko na narealize na mali yung charger na nagamit ko.

Then recently lang, napansin ko nga na yung problem sa charging. Sobrang rare lang na mapagana ko yung pagcharge nya. Naisipan ko na try yung 65 watts na charger. Kapag yun gamit ko, wala naman problem, nagchacharge agad.

Yung laptop ko po ba may defect? If ever, nakacontribute po ba kaya nagkaproblem yung 65w na charger nagamit ko? Or yung original charger na 45w ang may problema?

Thank you po
 
kung madalas mong gamitin yan na laging nakasaksak, magdedegrade talaga yung battery niyan pagtagal at baka ngayon ay need na ng battery replacement.
 
Pero sir medyo ok pa naman battery life nya. around 60-70% from original siguro. Dati kasi tinatanggal ko battery. Ginagamit ko lang kapag umaalis ako. Kapag yung 65w na charger gumagana kahit walang battery. Kapag yung original na 45w gamit ko walang power. Nagblink lang mabilis na orange light dun sa charging indicator light. Nabasa ko sa forum ng HP na pwede pala yung 18.5v-3.5A 65 watts na charger gamit ko. Yung 45w na charger kaya problema nito?
 
Subukan nyo po tester yung charger nyo po bka di na sapat ung output nya.. Minsan may konti sira lng yan sa wire.. pra malaman nyo check nyo po yung voltage ng Laptop charger nyo using Watt Tester.
 
Pero sir medyo ok pa naman battery life nya. around 60-70% from original siguro. Dati kasi tinatanggal ko battery. Ginagamit ko lang kapag umaalis ako. Kapag yung 65w na charger gumagana kahit walang battery. Kapag yung original na 45w gamit ko walang power. Nagblink lang mabilis na orange light dun sa charging indicator light. Nabasa ko sa forum ng HP na pwede pala yung 18.5v-3.5A 65 watts na charger gamit ko. Yung 45w na charger kaya problema nito?
gaya ng sinabi ni arsenal1205, bumubukas ba ang laptop kung yung 45w charger lang ang nakakabit at wala yung battery, kapag hindi bumubukas, may problema na sa charger.
 

Similar threads

Back
Top