What's new

Lalaki ba o Babae ang Diyos?

Gentleman007

Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,098
Reaction
5,531
Kung paanong ang paglalarawan sa Diyos na waring may anyo at mga katangian ng tao ay hindi dapat unawain nang literal, ang paggamit ng kasariang panlalaki para ilarawan ang Diyos ay hindi rin dapat unawain nang literal. Ang mga terminong ginagamit sa pag-uuri ng kasarian ay para lamang sa pisikal na mga nilalang at nagpapakita na limitado ang wika ng tao, anupat hindi nito lubusang mailalarawan ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat, si Jehova.

Ang pagtukoy ng Bibliya sa Diyos bilang “Ama” ay tumutulong sa atin na maunawaan na ang ating Maylalang ay katulad ng isang maibigin, mapagsanggalang, at mapagmalasakit na taong ama. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Hindi ito nangangahulugan na maaari nating sabihing lalaki o babae ang Diyos, pati na ang iba pang espiritung mga nilalang sa langit. Wala silang kasarian. Kapansin-pansin, ipinahihiwatig ng Bibliya na ang mga tinawag upang maging mga kasamang tagapagmana ni Kristo sa kaniyang makalangit na Kaharian ay wala nang kasarian kapag niluwalhati na sila bilang mga espiritung anak ng Diyos. Ipinaalaala sa kanila ni apostol Pablo na “walang lalaki ni babae man” sa kanila kapag niluwalhati na sila bilang espiritung mga anak ng Diyos. Makasagisag din silang inilalarawan bilang “kasintahang babae” ng Kordero, si Jesu-Kristo. Ipinakikita ng lahat ng ito na ang paglalarawan sa Diyos—pati na sa kaniyang bugtong na Anak, si Jesus, at sa iba pang mga espiritung nilalang—na waring mayroon silang anyo at mga katangian ng tao, ay hindi dapat unawain nang literal.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Palibhasa’y nauunawaan ang papel ng lalaki, kasariang panlalaki ang ginamit ng mga manunulat ng Bibliya sa pagtukoy sa Diyos. Alam nila na ang isang lalaking sumusunod sa mga simulain ng Diyos ay angkop na paglalarawan sa maibigin at makaamang pagmamalasakit ni Jehova sa kaniyang mga anak sa lupa.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
 

Asherah Goddess

Established
Oo nga. Based on my experience, bago ako umalis ay iyon ang sinagot sa akin. Tanong ako ng tanong. Walang katapusan tanong hanggang na gets ko na at nang na gets ko na ay nag disisyon na ako umalis.

Ang sabi sa akin, walang gender ang God. Wala. But ang qualities ay traditionally associated sa mga lalake pero walang gender. Characteristic o ang mismong quality is masculine pero walang gender.

Ang akala nila na ang itinutukoy ko ay literal gender. Hindi. Yung characteristic, qualities at ambiance is masculine.

Ika nga, kung ano ang ideology o concept of God ay ganoon din ang mga tao na nasasakupan nito which is ganoon talaga katulad ng majority ng leaders ay mga lalake sa church, karamihan na nag me make up in politics ay mga lalake, sa women sexuality ay kailangan hawak ng mga lalake. Homosexual is forbidden at maraming iba pa. General speaking. Pangkalahatan though depen-depende pa rin sa specific beliefs ng God ng bawat tao.

Let me see. Bukod bawal ang homosexual, malakas ang kutob ko na ipinagbabawal niyo ata ang babae na magtrabaho noh? Sa religion niyo? E correct na lang ako kung mali ang hilala ko.


 
Last edited:
Top