What's new

Laguna Area MECQ

Paglilinaw lamang po para sa mga guidelines. Nagkaroon po tayo ng kalituhan base sa ilang mga lumang guidelines na nailabas, ngunit narito po ang pinakahuli at ating susundin. Maraming salamat. (Updated August 2, 2021, 7:35 am)

Narito ang mga guidelines o alituntunin na dapat tandaan at sundin ngayon na nasa MECQ ang ating lalawigan mula Agosto 1 hanggang 15, 2021.

1.) Stay at home. Ang paggalaw ng lahat ng mamamayan ay limitado sa pag-access sa mga essential goods and services, at para sa trabaho sa mga pinahihintulutang tanggapan o mga establisimiyento lamang.

2.) Ang mga kabataang wala pang 18 taong gulang, mga nasa edad 65 pataas, mga buntis, may immunodeficiency, comorbidity, at iba pang health risk ay dapat manatili lamang sa loob ng tahanan.

3.) Magpapatupad ng curfew mula 8:00 pm hanggang 5:00 am. Hindi kabilang sa curfew ang mga APOR, workers, cargo at delivery vehicles, at public transportation.

4.) Magsasagawa ng checkpoint sa mga Quarantine Control Points sa mga border ng mga lugar sa loob ng NCR Plus kabilang na ang Laguna. Tanging mga APOR ang papayagan na makadaan. Kailangan magpakita ng katunayan at identification gaya ng IATF I.D. mula sa mga regulatory agency, o valid I.D. at anumang dokumentong nagpapatunay sa inyong trabaho na kabilang sa mga industriyang pinapayagang mag-operate.

5.) Mananatiling operational ang public transportation sa kasalukuyang kapasidad at protocols na ipinapatupad ng Department of Transportation.

6.) Pinapayagan ang individual outdoor exercise (walking, jogging, running, biking) sa area of residence o barangay.

7.) Ipinagbabawal ang mga pagtitipon sa labas ng tahanan. Ang mga religious gathering ay limitado sa 10% capacity ng venue.

8.) Full operational capacity ang mga ospital; health, emergency, at frontline services; manufacturers ng gamot, medical supplies, devices at equipment; agriculture at fishery sector; delivery and courier services para sa mga pagkain, gamot, at essential goods; mga tanggapan at ahensya ng gobyerno; at lahat ng iba pang mga private establishments and industries na pinayagang mag-skeleton workforce o 50% operational capacity noong ECQ.

9.) Tanging mga DOT accredited hotel o accommodation establishments lamang ang maaaring mag-operate at tumanggap ng guests na may lehitimong layuning pangkalusugan gaya ng accommodation para sa mga frontline health workers at gagamitin ito bilang isang isolation and quarantine facility.

10.) Bukas ang mga mall para sa essential stores and services lamang (grocery, drugstore, hardware, pet supplies, bank, service providers, etc).

11.) Ang mga restaurant ay limitado sa outdoor o al fresco dining (50% capacity), take-out, at delivery lamang.

12.) 50% operational capacity ang lahat ng iba pang mga private establishments and industries na hindi pinayagang mag-operate noong ECQ, maliban sa mga nasa entertainment, leisure, tourism, sports, at personal care services.

13.) Hindi pinapayagan mag-operate ang mga entertainment venues, recreational venues, amusement parks, indoor and outdoor tourist destinations, indoor and outdoor sports venues, ****** at iba pang betting at gaming shops, at personal care services (spa, salon, etc.).

Ang akin pong walang sawang paalala na mag-ingat at pangalagaan po natin ang ating mga sarili at pamilya sa pamamagitan ng pagsunod sa minimum health standards.

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 

Similar threads

Back
Top