What's new

Kwentong sayang

yosirist

Enthusiast
Joined
Apr 16, 2022
Posts
144
Reaction
80
Points
58
may nakilala akong babae nuong 2016.

kasama ko sya sa training sa TP. maganda sya maputi siga kumilos pero lagi naka dress may mga tattoo at mahaba buhok. unang beses ko palang sya nakita gandang ganda na ako sakanya. pero maraming nag kakagusto sa kanya at torpe pa ako nun. lagi kami nag aasaran at nagkukulitan lagi nya ako tinatawag pag nakikita nya ako. pag naglalakad kaming makakatropa kahit lagi ako sa huli sumasabay sya sakin pero hinahatak sya ng iba kong tropa papunta sa harap para makipag kwentuhan. lagi lang ako nakatingin sakanila at nakikitawa pero hindi ako nakikisali sa kwentuhan kasi hindi ako makarelate.

madalas kami mag inuman sa ortigas. hindi ko sya nakakatabi kasi lagi syang tinatabihan nung may gusto sakanyang lalaki. pero lagi kami nag sesenyasan at nag aasaran parin kahit hindi magkatabi.

isang araw umiinom kami sa cubao. marami na akming nainom lahat. bigla syang tumabi sakin at nag kewkwentuhan kami. syempre maingay kaya nag bubulungan kami. nakikita ko yung lalaking may gusto sa kanya na masama tingin samin. kaya natakot ako. nagulat ako biglang nyang sinabi na crush nya daw ako. nagulat ako syempre, pero pangit na pangit ako sa sarili ko tsaka feeling ko sobrang ganda nya para sakin. iniisip ko rin na baka lasing lang sya kaya nasabi nya yun.

kaya ang sinabi ko sakanya dun na nalng sya sa lalaking may gusto sa kanya.

so after inuman hinatid sya nung lalaki. may nangyari sakanila at naging sila. pero after isang linggo nalaman namin na meron palang jowa yung lalaki. hindi ko alam na may jowa pala yung lalaki. nagkagulo sila. inaway sya ng jowa nung lalaki.

after ilang araw lumapit sya sakin kwinento nya yung nangyrai at nagalit sya sakin. bakit daw nireto kopa sya dun. lagi ko daw kasama yung guy pano ko daw nasabing hindi ko alam na walang jowa yun. bakit daw ba hindi ko nalang sya sinalo bat kailangan kopa sya itulak sa iba.

ayun after nun hindi na nya ako kinausap

hanggang ngayon iniisip ko parin na sayang.
 
Sa totoo TS sayang talaga sobra haha kung gusto mo rin naman pala siya dapat sinabi mo na rin sakaniya.

Plus baka kaya siya uminom para lumakas loob niya na masabi niya rin yun sayo.

Sa mga ganiyang sitwasyon, pagkakataon na iyan.

Kaso yung nangyari biggest WTF moments. Saklap niyan TS. Nakakabadtrip basahin parang nasira araw ko.

Tira lang hanap nung lalaking naka score sakaniya. Nakakainis isipin nakakabadtrip sobra.

Ang masaklap kasi jan yung nangyari sakanila di na mababalik yun. Natulak pa kasi sa maling tao, awit.
 
sayang nasa huli tlga ang pagsisisi😥
kaya nga eh
supersayang ts dapat sumugal ka nalang
kung may lakas lang ako ng loob dati sana nga sumugal ako
Sa totoo TS sayang talaga sobra haha kung gusto mo rin naman pala siya dapat sinabi mo na rin sakaniya.

Plus baka kaya siya uminom para lumakas loob niya na masabi niya rin yun sayo.

Sa mga ganiyang sitwasyon, pagkakataon na iyan.

Kaso yung nangyari biggest WTF moments. Saklap niyan TS. Nakakabadtrip basahin parang nasira araw ko.

Tira lang hanap nung lalaking naka score sakaniya. Nakakainis isipin nakakabadtrip sobra.

Ang masaklap kasi jan yung nangyari sakanila di na mababalik yun. Natulak pa kasi sa maling tao, awit.
sorry kung ang torpe ko dati kung ngayon sana nangyari hindi magiging ganun hahaha
 
totga tawag dyan ts..... the one that got away....


pwede mo naman suyuin yun at humingi ka ng tawad at chance na patunayan mo na ikaw ang hinahanap nya
 
may time kasi na matatakot ka tlaga( rejection) kahit sino namang lalaki ganyan din ts kahit ako.. pero sa bandang huli masasabi mo nalang sa sarili mo na "Sana sinubukan ko hindi ako natakot sumubok"
 

Similar threads

Back
Top