What's new

Kwentong PHC ko [1 yr anniversary post]

SecretHulaanMo69

Grasshopper
Joined
May 31, 2021
Posts
5
Reaction
3
Points
15
-NOT MY MAIN ACCOUNT-

Last year, sumali ako dito sa PHC para maghanap nang pwedeng pagkakitaan dahil wala akong ipon at kakagraduate ko palang at hindi pa ako makapaghanap ng trabaho kasi kailangan ko pa mag board exam. Dito ko nadiskubre yung mga survey, referral, brave browser, crypto doublers at iba pa. Kumita naman ako at naka ipon kahit papaano.

Pag dating ng December, may taga PHC na mag papagiveaway daw ng 1 BTC na pag hahatian ng mga sumali, kaya sumali ako. May nabuo pang telegram gc para sa giveaway na'yon at para nadin mag turo siya tungkol sa crypto trading. Ilang linggo ang lumipas pero walang nakatanggap ng BTC airdrop. Marami dito sa PHC ang umasa, pati ako haha. Hindi narin nag paramdam sa TG group yung mag papagiveaway sana, marami nading nag leave sa TG group na yon pero may iilan na hindi nag leave, mga sampu yata kami na nagstay at dun nabuo yung TG group namin na "Payamindset". Naging goal namin ang magkaroon kami ng tig Iisang Milyon bago matapos ang December 2021.

Nitong February, napadpad kami sa pagsusugal sa shitcoins. Maraming scam at loss ang pinagdaanan namin bago kami natuto at swertehin sa pagshishitcoins, at habang tumatagal, mas dumami din ang nakilala at nagiging kasama at kaibigan namin sa pag shishitcoins. Sa apat na buwan naming pag susugal sa shitcoins, madami na samin ang naging milyonaryo na, kasama na ako don hehe. Malayo pa ang December 2021 pero marami na samin ang naka achieve nung goal namin na 1 million.

Nag papasalamat ako sa Diyos dahil sobra sobra pa sa pagiveaway yung natanggap naming blessings. Nag papasalamat din ako sa PHC at kay boss BTC giveaway kasi kundi dahil sakanya, hindi mabubuo yung tg group namin hahaha.

Yun lang, SALAMAT !!!!!!
 
wow sana all paps. mukhang madami nga talaga yumayaman sa crypto ahaha. goodluck sayo paps
 
Back
Top