What's new

Kung si Moises ang Sumulat ng Unang Limang Aklat ng Bibliya (mas kilala bilang Pentateuch), Bakit May Ulat Doon na Namatay Siya?

Status
Not open for further replies.

Mind Palace

Eternal Poster
Joined
Sep 11, 2020
Posts
1,135
Reaction
327
Points
310
Responding to Bible Contradictions | Article 2 |
Kung si Moises ang Sumulat ng Unang Limang Aklat ng Bibliya (mas kilala bilang Pentateuch), Bakit May Ulat Doon na Namatay Siya? Sino ang Sumulat No'n? Siya Din Ba?

Sa pambungad na mga pangungusap ng aklat ng Deuteronomio ay makikitang si Moises ang sumulat ng aklat pero sa mga huling bahagi ng aklat, mapapansin kung ano ang nangyari matapos niyang isulat ang Kautusan.

Deuteronomio 31:24-26
Nang matapos isulat ni Moises sa aklat ang lahat ng salita sa Kautusang ito, inutusan ni Moises ang mga Levita, na tagapagdala ng kaban ng tipan ni Jehova: “Kunin ninyo ang aklat na ito ng Kautusan at ilagay sa tabi ng kaban ng tipan ng Diyos ninyong si Jehova, at doon ay magsisilbi itong saksi laban sa inyo.
Deuteronomio 32:44
Kaya humarap si Moises sa bayan at binigkas ang lahat ng salita sa awit na ito, siya at si Hosea (isang pangalan ni Josue) na anak ni Nun.

Nang matapos ni Moises ang pagsulat sa Kautusan, ibinigay niya ito sa mga Levita, gayundin naman, ang kaniyang huling mga kapahayagan ay narinig mismo ni Josue. Kaya tungkol sa bagay na iyan, hindi tuwirang isiniwalat ng Bibliya kung paano naiulat ang tungkol sa kamatayan ni Moises, pero gaya ng ipinahihiwatig ng Kasulatan, malamang na ang ulat ay idinagdag na lamang ng mataas na saserdote nang panahong iyon o ni Josue na pumalit sa kaniya bilang pinuno ng bansang Israel. Iyan ang dahilan kung bakit may mababasa tayong ulat tungkol sa kamatayan ni Moises sa aklat ng Deuteronomio.


- End of Article -

[Hindi layunin ng thread na ito na siraan ang paniniwala ng ibang relihiyon o siraan ang ibang relihiyon, o ang ibang mga tao. Ang layunin lamang ng thread na ito ay upang ipaliwanag ang itinuturo ng Bibliya. Kung ang turong ito ng Bibliya ay sumasalungat sa inyong paniniwala at sa turo ng inyong relihiyon, puwede ninyong suriin ang thread na ito at ikumpara ito sa inyong pinaniniwalaan. Hindi namin layunin na baguhin ang inyong paniniwala o kumbertihin kayo sa relihiyon namin. Ang aming layunin ay ang mangaral at magturo, at magpatotoo tungkol sa Kaharian ng Diyos, gaya ng maliwanag na sinabi ni Jesu-Kristo na gagawin ng kaniyang mga tagasunod bago dumating ang wakas. (Mateo 24:14)]

Ang inyong pag-unawa at pagrespeto sa mga Thread Starter, sa mga nagkokomento at sa mga nagtatanong ay lubos na pinahahalagahan.

"Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo." (Mateo 7:12)

Maraming salamat sa pagbabasa ng thread na ito!
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top