What's new
Status
Not open for further replies.

madpro

Forum Guru
Joined
Apr 1, 2016
Posts
2,463
Reaction
1,834
Points
1,146
0cbc426c5-1.jpg


"Kung paano kita minahal higit pa sa buhay ko"



Lahat ng pagtatagpo ay may simula
Simula ng bawat pag-uumpisa
Pag-uumpisang magmahal ng di sinasadya
Sa di sinasadyang muling pagsaya

Madalas ang nangyayari sa buhay ko
Mga bagay na hindi ko naman napagtatanto
Biglaang pagsaya ng bawat tibok ng pusong ito
Biglaang din masasaktan sa di inaasahang pagkabigo

Noong nakilala ko ang isang katulad mo
Ikaw ang naging sanhi ng ngiting langit ko
Dahilan para maisip kong masaya ako
Dahilan din ngayon ng pagkalungkot kong ito

Ako'y naging sawi sa piling mo
Subalit muling bumangon bilang ako
Ako na umibig at nabigo sa iyo
Ikaw na sumayang sa wagas na pag-ibig ko

Noong panahon pa nating dalawa
Wala akong inisip kundi ika'y sumaya
Pinasaya mo ako't pinasaya kita
Subalit nagkalungkot nang di na tayong dalawa

Hindi mo ako inabisuhan sa pag-alis mo
Salitang paglisan ang sumira sa mundo ko
Ang delubyo ng pagkabigong dulot mo
Ang siyang nagbunga nang pagiging makata ko

Maraming dahilan na pwede mong gamitin
Subalit bakit ang pag-iwan ginamit mo sa akin?
Hindi ba sapat ang pananatili ko sayo?
Kung kaya't naisipan mong iwan pa ako

Hindi ko na kailangang magpaliwanag pa
Kung paano kita minahal noong tayo pa
Wala namang mas hihigit sa nais ko sayo
Ang maging masaya ka higit pa sa buhay kong ito



mad | pro

 

Attachments

Ako ba?
Ako nagsisimula palang malungkot, pero ikaw matagal na,
so dapat ngayong taon masaya ka na,
dahil ang paghihirap mo, sobra sobra na.

alam mo pala eh?
bakit mo pa kasi ako pinapahirapan pa?


OO lang naman eh.. kahit di na matamis
Wag lang maging HINDI ^_^
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top