What's new

Kung kaya nang iba.. ipagawa mo sa kanila.!

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,556
Reaction
7,216
Points
2,570
Kung kaya nang iba.. ipagawa mo sa kanila.!
Narinig nyo na ba Yan??
How about this bible verse:

1f449.png
2 Tesalonica 3:10
"Sa katunayan, noong kasama pa ninyo kami, ibinigay namin ang utos na ito: “Kung ayaw magtrabaho ng isang tao, huwag siyang pakainin.”
Yan narinig niyo na Yan??
Isa yang principle para ipakitang ayaw ng Diyos sa mga taong tamad na bagaman may kakayahan, lakas o abilidad naman na tumulong o gumawa eh piniling iasa na lang sa iba yung mga gawain. Piniling umiwas sa mga obligation. Piniling maging tamad at selfish.
Halimbawa sa School.. Yan yung mga estudyante na kapag may mga group activities eh palaging iniaasa na lang sa leader ang mga gawain. Kapag pinagsabihan ng mga kagrupo..sila pa yung galit. Sa huli yung leader ang kawawa at minsan siya pa ang napapasama kapag pumalpak yung project.
Isa pang halimbawa sa loob ng pamilya... Yan din yung mga miyembro ng pamilya na palaging umaasa na lang sa BREAD WINNER nila. Porke naibibigay naman yung mga pangangailangan nila mas pinipili nilang maging pabigat sa bahay kahit may kakayahan naman silang tumulong o magtrabaho..pag pinagsabihan galit pa. Parang kasalanan pa tuloy ni bread winner na siya ang masipag at nagpilit na makahanap ng trabaho.
Huwag mong piliing maging tamad kung may magagawa ka .. kung merong tao na nangangailangan ng tulong .. Just lend a hand naman.
Oh diba may sikat na kasabihan ngayon:
''Ang pinakamalaking kasalanan ay kapag may kakayahan kang tumulong..pero wala kang ginawa."
Yes kasalanan ang pagiging tamad.
Kaya tanungin sarili mo:
Tamad ba Ako?
Iniaasa ko na lang ba lahat sa group leader namin?
Iniaasa ko na lang ba ang mga pangangailangan ko sa iba kahit kaya ko namang gumawa ng paraan para paglaanan sarili ko?
Nagiging pabigat na ba Ako sa iba????

1f449.png
Kawikaan 3:27
"Huwag mong ipagkait ang mabuti sa mga nangangailangan ng tulong Kung kaya mo namang gawin ito."

1f449.png
Kawikaan 28:27
"Pero ang nagbubulag-bulagan sa pangangailangan ng iba ay tatanggap ng maraming sumpa."
Tumulong tumulong tumulong.. may magagawa ka. May kaya kang gawin at ibang iba ang magiging sitwasyon kapag nagmalasakit ka.

318580218_469847078611251_8819680241529267736_n.jpg
 

Attachments

Back
Top