What's new

Trivia Kung Bakit Hindi Natin Naiintindihan ang Diyos Kung Minsan

Cerebellum

Forum Veteran
Joined
Oct 31, 2021
Posts
1,183
Reaction
532
Points
893

Kung Bakit Hindi Natin Naiintindihan ang Diyos Kung Minsan

"Totoo ba ang Diyos? Kung totoo siya, bakit siya nag-utos noon na makipagdigma sa mga tao at patayin ang mga iyon? Bakit niya inutusang pumatay yung mga lingkod niya? Bakit niya pinatay ang milyun-milyong mga tao noong panahon ni Noe? Kung totoong mabuting ama siya, bakit niya hinayaang mapatay yung anak niya? At bakit may mga relihiyon na dahilan ng mga digmaan at patayan?"

Nasubukan mo na bang itanong ang mga iyan? Baka naisip mo na rin 'yan at naisip mo kung totoo nga kayang makatarungan at maibigin ang Diyos gaya ng itinuturo ng mga relihiyon sa ngayon. Gayunman, baka nagkakaroon ka ng pag-aalinlangan tungkol sa mga pagkilos na ginawa ng Diyos noon.

Kuning halimbawa ang ulat sa aklat ng Bilang. Mababasa natin doon na hinatulan ni Jehova ng kamatayan ang isang Israelita na nanguha ng kahoy sa araw ng Sabbath. Sa ikalawang aklat ng Samuel naman, nalaman natin na makalipas ang ilang siglo, pinatawad ni Jehova si Haring David na nagkasala ng pangangalunya at pagpatay. (Bil. 15:32, 35; 2 Sam. 12:9, 13) Baka maitanong natin, ‘Bakit pinatawad ni Jehova si David na ang kasalanan ay pagpatay at pangangalunya samantalang hinatulan ng kamatayan ang isang Israelita na mukhang hindi naman ganoon kalubha ang kasalanan?’

Magandang tanong nga iyan! Ang totoo nya'n, sinasagot din ng Bibliya ang mga tanong na iyan. Matutuwa kang malaman kung ano ang sagot ng salita ng Diyos pagdating sa mga tanong natin tungkol sa mga bagay na ginawa niya. Pero sagutin muna natin ang tanong na ito:

Bakit Hindi Natin Nauunawaan ang mga Pagkilos ng Diyos?

Totoo, nilalang tayo ng Diyos taglay ang kakayahang ipakita ang mga katangian niya, gaya ng katarungan, awa, at pag-ibig. (Gen. 1:26) Gayunman, mula nang magkasala sina Adan at Eva, ang ating pananaw pagdating sa katarungan, awa, at pag-ibig ay naapektuhan din. (Kaw. 12:10; Isaias 5:20; Mikas 3:2; 2 Tim. 3:2)

Kawikaan 12:10
Ang matuwid ay nagpapakundangan sa buhay ng kaniyang hayop: nguni't ang mga kaawaan ng masama ay mabagsik.

Isaias 5:20
Kaawa-awa ang mga nagsasabing ang mabuti ay masama at ang masama ay mabuti, Ang mga nagsasabing ang kadiliman ay liwanag at ang liwanag ay kadiliman, Ang mga nagsasabing ang mapait ay matamis at ang matamis ay mapait!

Mikas 3:2
Kayong napopoot sa mabuti at umiibig sa kasamaan; na siyang umaagaw sa mga dukha ng balat nila, at ng kanilang laman sa kanilang mga buto;

2 Timoteo 3:2
Sapagka't ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang turing, mga walang kabanalan,

Ano ang punto? Hindi kataka-kata kung ang pananaw natin pagdating sa mga pagkilos ng Diyos noon ay maapektuhan din dahil sa ating hindi perpektong kalagayan at kaisipan.

Pananaw - Apektado ng Hindi Kasakdalan.jpg

Pansinin ang halimbawang ito na binanggit sa isang magasin na You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.,

Dahil hindi tayo perpekto, baka minsan, mas maluwag o mas mahigpit pa tayo sa paghatol kaysa kay Jehova. (1 Sam. 16:7) Baka kuwestiyunin pa nga natin ang mga ginagawa ni Jehova. Gaya tayo ng isang tao na lumabo ang salamin. Kahit ano ang gawin niya para makakita nang malinaw, malabo pa rin ang nakikita niya. Ganiyan din kapag nahihirapan tayong intindihin ang ilang ginagawa ni Jehova. Baka dahil sa pagiging di-perpekto, naaapektuhan ang pananaw natin sa katarungan. Ang pananaw natin—hindi ang kay Jehova—ang may diperensiya.—Ezek. 18:29.​

1 Samuel 16:7
Pero sinabi ni Jehova kay Samuel: “Huwag kang tumingin sa hitsura niya at kung gaano siya katangkad; hindi ko siya pinili. Dahil ang pagtingin ng tao ay hindi gaya ng pagtingin ng Diyos. Ang tao ay tumitingin sa panlabas na anyo, pero si Jehova ay tumitingin sa puso.

Ezekiel 18:9
“‘Pero sasabihin ng sambahayan ng Israel: “Hindi makatarungan ang daan ni Jehova.” O sambahayan ng Israel, ang daan ko ba talaga ang hindi makatarungan? O ang daan ninyo ang hindi makatarungan?

Ano pa ang ibang mga dahilan kung bakit hindi natin naiintindihan ang mga ginawa o ginagawa ng Diyos?

1. Hindi laging sinasabi ng Bibliya ang lahat ng detalye ng isang ulat.

Halimbawa, alam natin na talagang pinagsisihan ni David ang mga nagawa niya. (Awit 51:2-4) Kumusta naman ang Israelita na lumabag sa kautusan ng Sabbath? Pinagsisihan ba niya ang ginawa niya? May nilabag na ba siyang kautusan ni Jehova noon? Binabalaan na ba siya dati pero binale-wala niya? Walang sinasabi ang Bibliya. Pero isang bagay ang tiyak: “Hindi kailanman magiging tiwali” si Jehova. (Deut. 32:4)

Deuteronomio 32:4
Ang Bato, walang maipipintas sa kaniyang mga gawa, Dahil lahat ng ginagawa niya ay makatarungan. Isang Diyos na tapat at hindi kailanman magiging tiwali; Matuwid at tapat siya.

Gumagawa siya ng mga desisyon batay sa kung ano ang totoo—nang walang pagtatangi at hindi batay sa sabi-sabi o sa anumang bagay na madalas na nagiging dahilan ng maling paghatol ng tao.

Genesis 18:20, 21
Pagkatapos, sinabi ni Jehova: “Napakalakas ng pagdaing laban sa Sodoma at Gomorra, at napakabigat ng kasalanan nila. Bababa ako para makita kung totoo ang pagdaing na nakaabot sa akin at kung talagang napakasama ng ginagawa nila. Gusto ko itong malaman.

Deuteronomio 10:17
Dahil ang Diyos ninyong si Jehova ang Diyos ng mga diyos at ang Panginoon ng mga panginoon, ang Diyos na dakila, makapangyarihan, at kahanga-hanga, na hindi nagtatangi o tumatanggap ng suhol.

Habang mas nakikilala ng isang tao si Jehova at nalalaman ang mga pamantayan niya, lalo siyang magtitiwala sa mga hatol niya. Kaya kahit may mga tanong tayo sa isang ulat ng Bibliya na hindi pa natin masasagot ngayon, alam natin na ang Diyos ay “matuwid sa lahat ng kaniyang daan.”—Awit 145:17.

Awit 145:17
Si Jehova ay matuwid sa lahat ng kaniyang daan, At tapat sa lahat ng ginagawa niya.

2. Hindi laging tama ang hatol natin dahil hindi tayo perpekto.

Ginawa tayo ayon sa larawan ng Diyos, kaya gusto nating maging patas. (Gen. 1:26) Pero dahil hindi tayo perpekto, puwede tayong magkamali sa paghatol kahit sa tingin natin, alam natin ang lahat ng impormasyon. Halimbawa, hindi nagustuhan ni Jonas ang desisyon ni Jehova na magpakita ng awa sa mga taga-Nineve. (Jon. 3:10–4:1) Pero ano ba ang resulta ng desisyong iyon? Nailigtas ang buhay ng mahigit 120,000 nagsising mga Ninevita! Nakita natin na si Jonas ang nagkamali, hindi si Jehova.

Gaya ng binanggit sa naunang subtitulo ng ating tinatalakay, ang pananaw natin pagdating sa mga pagkilos ng Diyos noon ay naaapektuhan din dahil sa ating hindi perpektong kalagayan at kaisipan. Kaya kanino ang may diperensiya pagdating sa pananaw sa katarungan? Sa ating mga tao, hindi sa Diyos.

3. Hindi kailangang ipaliwanag ni Jehova ang lahat ng desisyon niya.

Totoo, hinayaan ni Jehova na sabihin ng mga lingkod niya noon kung ano ang nadarama nila tungkol sa mga desisyong ginawa niya o gagawin pa lang. (Gen. 18:25; Jon. 4:2, 3) At kung minsan, ipinapaliwanag niya ang mga desisyon niya. (Jon. 4:10, 11) Pero hindi obligado si Jehova na ipaliwanag sa atin ang mga desisyong ginagawa niya. Bilang ating Maylalang, hindi niya kailangang makuha ang pagsang-ayon natin, bago o pagkatapos niyang gumawa ng desisyon.—Isa. 40:13, 14; 55:9.

Isaias 40:13, 14
Sino ang nakasukat sa espiritu ni Jehova, At sinong tagapayo ang makapagtuturo sa kaniya? Kanino siya nagtanong para makaunawa, O sino ang nagtuturo sa kaniya ng katarungan, O nagtuturo sa kaniya ng kaalaman, O nagpapaliwanag sa kaniya tungkol sa tunay na unawa?

Isaias 55:9
“Dahil kung paanong ang langit ay mas mataas kaysa sa lupa, Ang pamamaraan ko ay mas mataas kaysa sa pamamaraan ninyo At ang mga kaisipan ko kaysa sa mga kaisipan ninyo."

Kaya ano ang mga aral na natutunan mo?

Natutunan natin ang mga dahilan kung bakit hindi natin naiintindihan ang ginagawa, o ginawang mga pagkilos ng Diyos noon at ngayon. At ang pananaw natin pagdating sa katarungan ay naaapektuhan ng ating di-sakdal na kasipan kaya kung minsan ay naiisip natin na hindi makatarungan ang Diyos sa mga ginagawa at sinasabi niya.
 
Attachments

Simple answer: kung my tanung ka puntahan mu ang simbahan tanungin mu ang pari kung bakit sya ang makakasagot sa tanung mu... 🙊
 
Simple answer: kung my tanung ka puntahan mu ang simbahan tanungin mu ang pari kung bakit sya ang makakasagot sa tanung mu... 🙊
Hindi rin po eh .. Nung tinanong nga po ang Pope ng isang bata kung bakit pinapayagan ng Diyos na magdusa ang mga bata .. Wala naman siyang sagot na naibigay na nakatulong po sa mga tao .. Bagkus sinabi pa nga niya na ang ating mga pagdurusa ay hindi mailalarawan ng anumang mga pananalita, kaya ano ang sinagot niya sa tanong ng bata?

"There is none. Our response must either be silenced or a word that born of our tears."

Puwede niyo pong panoorin ang video na ito .. 'Yan po yung video ng sagot ng Pope nung tinanong siya ng bata sa taga-Tacloban .. Search niyo lang po ito sa YøùTùbé > Child Asks: Why Does God Allow Children To Suffer?

Eto naman po ang sagot ng Bibliya tungkol sa tanong ng bata ..
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Eto naman po yung isang video tungkol din sa paksang iyan
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Bakit natin iaasa sa mga pari ang sagot kung mismong ang Pope nga, hindi masagot ang simpleng tanong ng bata?
 
Last edited:
Yung pope ang di nakasagot, pero sinubukan na ba yung ibang mga pari o obispo ang tanung jan..di lng kc isa ang tanungin may mga opinyon din ang iba...

Ikaw ba tanungin ng di mu alam my isasagot kba? Marami ang gistong sumagot bakit di nyo tanungin ang gustong sumagot jan sa mga katanungan nyo...tanungin mu ang demonyo wag ang diyos...
 
Last edited:
I just find it ironic na may nagsasabi na “hindi natin lubos na naiitindihan ang diyos” and then go on explaining yung “interpretation” niya sa sabi o aksyon ni god…

Gets?
 
I just find it ironic na may nagsasabi na “hindi natin lubos na naiitindihan ang diyos” and then go on explaining yung “interpretation” niya sa sabi o aksyon ni god…

Gets?
Some would say 'hindi natin LUBOS na naiintindihan ang Diyos', alam mo po ba kung bkit nila sinasabing hindi natin LUBOS na maiintindihan ang Diyos, kasi nagkakaroon sila ng maling unawa sa mga teksto na gaya ng Isaias 55:9, kung saan sinasabi:

For as the heavens are higher than the earth, so are my ways higher than your ways, and my thoughts than your thoughts.

Ganiyan din ang sinabi sa Roma 11:33

Lubhang napakasagana ng kayamanan ng Diyos! Di matarok ang kanyang karunungan at kaalaman! Sino ang makakapagpaliwanag ng kanyang mga kapasyahan? Sino ang makakaunawa ng kanyang mga pamamaraan?

Ang konklusyon nila sa mga teksto pong iyan, hindi daw talaga natin LUBOS na maiintindihan ang mga kaisipan ng Diyos at wala daw sinumang makakaunawa nito. Kaya nagkakaroon sila ng maling kaisipan na hindi daw talaga natin mauunawaan ang mga daan ng Diyos, at na mahiwaga daw kasi ang kaniyang mga kaisipan.

Bagaman, sa kabilang banda, may kaunting katotohanan naman sa kanilang sinabi, ano iyon?

Na hindi talaga natin LUBOS na mauunawaan ang LAHAT ng mga bagay na ginawa at ginagawa ng Diyos para sa atin. Bakit? Ganito mismo ang sinasabi ng Bibliya:

Eclesiastes 3:11 Ginawa niyang maganda ang lahat ng bagay sa tamang panahon nito. Inilagay pa nga niya sa puso nila ang magpakailanman; pero hinding-hindi mauunawaan ng sangkatauhan ang LAHAT ng gawa ng tunay na Diyos mula pasimula hanggang wakas.

Ano ang punto po nito? Hindi po natin lubos na mauunawaan LAHAT ng mga gawa ng Diyos gaano man natin sikaping unawain ang mga iyon.

Pero, hindi naman ibig sabihin nito na hindi na natin mauunawaan ang kaniyang mga pagkilos. Bakit? Ganito ang isinulat ng apostol na si Pablo sa 1 Cor. 2:16

Dahil “sino ang nakaaalam ng pag-iisip ni Jehova, para maturuan niya siya?” Pero taglay natin ang pag-iisip ni Kristo.

Ano yung punto po ng tekstong iyan? Na sa tulong ng mga ginawa at mga sinabi ni Jesus, matutulungan tayong maunawaan at malaman ang pag-iisip ni Jehova, o ng Diyos.

Bagaman, hindi naman malalaman ang LAHAT ng kaisipan ng Diyos pero sa pamamagitan ng kaniyang Anak na si Jesus, posible nating malaman ang mga kaisipan ng Diyos. Kaya nga nasabi ni Jesus noong nandito siya sa lupa,

Juan 5:19 Kaya sinabi ni Jesus sa kanila: “Sinasabi ko sa inyo, walang anumang magagawa ang Anak sa sarili niyang pagkukusa, kundi kung ano lang ang nakikita niyang ginagawa ng Ama. Dahil anuman ang ginagawa ng Ama, gayon din ang ginagawa ng Anak.

Ang punto? Perpektong natutularan ni Jesus ang mga katangian, mga gawa, at pagkilos ng kaniyang Ama na nasa langit, kaya, sa tulong niya, mauunawaan din natin kung ano ang mga kaisipan ng Diyos.

Yung mga nagsasabi na 'hindi natin lubos na naiintindihan ang Diyos', sila yung hindi talaga nakakaalam sa mga kaisipan ni Jehova. Bakit? Hindi naman kasi nila alam ang katotohanan tungkol sa Diyos na ito ng Bibliya. Itinatanggi pa nga nila ang Diyos na ito na si Jehova kahit nababasa nila mismo ang pangalan niya sa Bibliya.

Yung simpleng turo nga lang na yung Diyos may personal na pangalan eh hindi nila matanggap. Paano pa isisiwalat ng Diyos ang iba pang mga katotohanan sa kanila kung yung simpleng katotohanan nga lang na iyan eh hindi nila matanggap?

Kaya hindi totoo yung sinasabi nilang 'hindi natin LUBOS na maiintindihan ang Diyos' bagkus, 'puwede nating maintindihan ang kaisipan ng Diyos bagaman hindi lahat.'

It all boils down dun sa nagbigay ng message right?? Kahit may middleman na thru jesus eh still may confusion at disagreement pa din among the believers…
 
I just find it ironic na may nagsasabi na “hindi natin lubos na naiitindihan ang diyos” and then go on explaining yung “interpretation” niya sa sabi o aksyon ni god…

Gets?
kognitib disonance yata yung bossing.

parakong ako minsan hindi ko maunawaan quantum pisiks, den few sekonds later, sasabihin ko sa sarili ko na "aktually ito lang yun". hindi naman siguro masama bosing na bolahin ang sarili paminsan-minsan.
 
Give some examples po ..
Examples…. Uhmmm…

Jesus is a god vs he isnt.
God’s name is yahweh vs jehovah..
Hell vs no hell

And many more na nagkakaiba depende sa “interpretation” ng verses…

Ung mere fact na may ibat ibat religion and may ibat ibang denomination pa within a religion is ung pinopoint out ko na pagkakaiba
 
ok
 
Similar threads

Back
Top