What's new

Kung Bakit Hindi Iniulat ng Bibliya ang Tungkol sa Buhay ni Jesus Mula Edad 13 hanggang 29

Mind Palace

Eternal Poster
Joined
Sep 11, 2020
Posts
1,135
Reaction
327
Points
310
Bakit Hindi Iniuulat ng Bibliya ang Tungkol sa Buhay ni Jesus Mula Edad 13 hanggang 29?

pexels-lisa-2769188.jpg

Photo by Lisa from Pexels

Buweno, ang pangunahing pokus ng salita ng Diyos ay itampok ang mahahalagang mga pangyayari o ulat na makatutulong sa tapat-pusong mga mambababasa na maunawaan ang mensahe ng Bibliya sa kabuuan.

Para maunawaan ito, ipagpalagay nang gumagawa ka ng photo album ng inyong pamilya. Marami kayong litrato pero iilan lang ang kasya sa album. Ano ang gagawin mo? Pipiliin mo ang gusto mong isama. Sa diwa, ang mga aklat ng Ebanghelyo ay gaya ng photo album na nagbibigay sa atin ng malinaw na “larawan” ni Jesus. Hindi kinasihan ni Jehova, o ng Diyos, ang mga manunulat ng Ebanghelyo na isulat ang lahat ng sinabi at ginawa ni Jesus noong narito siya sa lupa. (Juan 20:30; 21:25) Sa halip, ginabayan sila ng espiritu ni Jehova na iulat ang mga sinabi at ginawa ni Jesus na tutulong sa atin na maintindihan kung ano ang layunin ng ministeryo ni Jesus at kung ano ang talagang mahalaga kay Jehova. (2 Tim. 3:16, 17; 2 Ped. 1:21)

Juan 21:25 (Magandang Balita Biblia)
At marami pang ginawa si Jesus na kung isusulat lahat, sa palagay ko'y hindi magkakasya kahit sa buong daigdig ang mga aklat na maisusulat.

Footnotes:
Gumamit si Juan ng eksaherasyon nang sabihin niyang hindi magkakasya sa mundo ang lahat ng balumbon (katumbas noon ng aklat) na kailangan para maisulat ang bawat detalye tungkol sa buhay at ministeryo ni Jesus.

Ang mahalaga ay na naisulat ang mga mahahalagang detalye tungkol kay Jesus na tutulong sa mga mambabasa ng Bibliya na makilala nang higit ang Diyos at maunawaan ang sinasabi ng buong Kasulatan, o ang mensahe nito para sa atin.
 
Attachments

Last edited:
hindi naman kasi lahat iulat pa.mga nakapahalagqng Mensahe lang need ilathala ,una ang batas .at kong Sino sya , ano ang kalagayan nya bilang tao at bilang dyos .at kong anong nagawa nya sa henerasyon nya na di naman nagawa ng iiLang propeta .

at ang way of Life , buhay na walang hanggan.walang makaruruon ng di dadaan or kikilalalanin syang DYOS
AT HARI NG MGA HARI ..
mula ng kanyang pag Labas .at kanyang
pag dating na walang nakakaalam kahit mga anghel or propeta bagkus dinaan lamang sa iLang mga pangyayari .

Na kong san .maalam na ang tao kong Saan dako uuLan at aaraw e maalam n ang tao.subalit ang tamang direktiyang Pagdating nya e di magagawang malamang ng Sino man.
.madaming Mag sasabing andun sya nandito syan naroon sya .subalit maaring di totoo yan ..
 
Last edited:
dalawang magkaibang midrash ang narinig ko tungkol dyan
1.) nag-travel "daw" sa india or somewhere east at nag-aral ng black magic na sya "daw" ginamit Nya to perform miracles
2.) sumama "raw" kay Joseph of Arimathea papunta naman somewhre sa uk during Joseph's metal/iron trade where He stayed and learned mystic arts from the druids
but of course, midrash lang yan with shady sources at hindi ko pinapaniwalaan
 
Last edited:
Salamat sa pagshare .. Ang nabasa ko pa lng na article is yung tungkol sa pagpunta ni Jesus sa India 😅

Pero yung tungkol sa pagsama kay Joseph of Arimathea .. Wala pa akong alam tungkol diya'n ..
 
[XX='Mind Palace, c: 1343273, m: 1764836'][/XX] nakita ko lang sa History channel... at sinasabi nila dun na simula't sapul "daw" ay malalim ang koneksyon nila Jesus & Joseph of Arimathea kaya "daw" nung mamatay si Jesus eh yung libingan ni Joseph of Aimathea ang ipinagamit nya
again... lahat yan ay "DAW"
 
[XX='Mind Palace, c: 1343279, m: 1764836'][/XX] yes... unconfirmed stories actually, maaring kwentong kutsero nga lang, ewan ko... just sharing lang ako
 
[XX='ravage, c: 1343280, m: 4'][/XX] Hahahaha Oks lng naman 😆 Ayos din yan ..

Ang masasabi ko lang naman ay ang tanging mapagkakatiwalaan natin na mapagkukunan ng ulat tungkol kay Jesus ay walang iba kundi ang Bibliya .. Kaya, kung lalampas pa doon, or yung source ay hindi na manggagaling pa do'n, hindi ko masasabing dapat y'on paniwalaan ..

[P.S., may mga apocryphal pa na tinatawag din kung sa'n may mga ulat din "daw" doon tungkol kay Jesus, pero yamang ang mga iyon ay hindi tumutugma mismo sa mga ulat ng itinuturing ngayon na canonical books ng Bible, hindi masasabing dapat na paniwalaan ang mga iyon]
 
Yon..nabanggit na pala ni ravage ung ibang info na nabasa ko din about this period ng buhay ni bible jesus...

Question lang TS... So u think ba na walang makabuluhang nagawa si jesus sa panahong yon kaya di na isinulat??

I mean db he was a big deal back then kasi he was the fulfillment of the prophecy eh...kaya ung conception nea up to birth and early childhood eh documented... Tapos wala na naisulat sa period kung san possibly nahubog ang pagkatao nea...

Anyway, dito sa sinabi mo eh i disagree:

"Ang masasabi ko lang naman ay ang tanging mapagkakatiwalaan natin na mapagkukunan ng ulat tungkol kay Jesus ay walang iba kundi ang Bibliya .. Kaya, kung lalampas pa doon, or yung source ay hindi na manggagaling pa do'n, hindi ko masasabing dapat y'on paniwalaan .."

What if may lumabas na documents outside of the bible na nagcoconfirm sa existence ni jesus?? Sasabihin mo ba ryt of the bat na di din dapat paniwalaan mga yun?? Or depende lang if those documents eh consistent sa narrative ng bible about kay jesus?
 
Pasensya na kung maiksi lang yung paliwanag .. Sinimplehan ko na lang para mas madaling makuha yung punto ..
 
Salamat sa tanong .. Actually, ikaw na din po yung sumagot .. Hehehe .. 😅

depende lang if those documents eh consistent sa narrative ng bible about kay jesus

Tama tong sinabi mo .. Depende 'yon .. Kung hindi sumasalungat sa kanonikal na mga aklat ng Bible yung mga matatagpuan na kasulatan may kinalaman kay Jesus, masasabing kapani-paniwala iyon, kasi sinusuportahan mismo ng Kasulatan/Bibliya ..
 
db he was a big deal back then kasi he was the fulfillment of the prophecy eh...kaya ung conception nea up to birth and early childhood eh documented... Tapos wala na naisulat sa period kung san possibly nahubog ang pagkatao nea...
Totoo naman 'tong sinabi mo .. Pero kahit na hindi iniulat ng Bibliya ang buhay ni Jesus sa pagitan ng 13 hanggang 29, hindi ibig sabihin no'n, na walang matututunan ang kaniyang mga alagad [bata man o adulto], sa buhay niya sa panahon na isinilang siya hanggang sa mag-edad siya ng 12 .

Sa totoo lang, yung buhay ni Jesus noong ilagay ng Diyos yung buhay niya sa sinapupunan ni Maria, hanggang sa siya ay naging isang sanggol, hanggang sa naging isang bata siya, ay ginagamit namin sa aming mga salig-Bibliyang publikasyon para magturo sa amin ng mga mahahalagang katotohanan tungkol sa Diyos at sa mga katangian Niya, sa kung paano Niya isinasakatuparan ang layunin niya, sa kung paano Niya pinrotektahan ang isa na magiging pantubos para sa marami, sa kung paano Niya ginabayan ang mga magulang ni Jesus, sa kung paano nagpakita ng halimbawa si Jehova na maging simple at spiritually minded ang pamilya gaya ng pamilya ni Jesus, sa pagpapasakop sa awtoridad ng magulang, sa pagsunod sa Diyos, sa kung paano ipinakita ni Jesus na bata pa lamang siya ay gustung-gusto na niyang pag-usapan ang espituwal na mga bagay, oo, sa lahat ng mga bagay na iyan, at lahat kaming mga Saksi ni Jehova, bata man o adulto ay napapatibay sa maikling ulat na iyon ng Bible tungkol sa buhay ni Jesus, at napapatibay nito yung kaugnayan namin sa Diyos.

Kaya, hindi man iniulat ng Bibliya yung particular period na yon ng buhay ni Jesus, still, nakapaglaan pa din si Jehovah ng napakaraming information para matuto kami tungkol sa kaniya sa maikling ulat na iyon sa buhay ni Jesus. Gayundin, ang maiksing ulat na iyon ay nakapagpakita sa amin ng mahusay na halimbawa ni Jesus, lalo na sa mga:

  • Bata
  • Teenager/Kabataan
  • Adulto
  • May-edad

At pinahahalagahan namin ng lubos ang maiksing ulat na iyon ng buhay ni Jesus noong bata pa siya.

Kung iisipin, si Jesus ang perpektong halimbawa pagdating sa pagsasaisip ng espirituwal na mga bagay. Noong malaki na siya, itinuring niyang parang pagkain ang paggawa ng kalooban ng Diyos, at maging ang salita ng Diyos ay itinuring niya din na parang pagkain—talagang napakahalaga!

Kaya, kami, bilang mga nagpapahalaga sa pangunahing spiritual food na ibinigay ni Jehovah, ito ay ang Bibliya, hindi na namin hinahanap pa kung ano yung wala kasi alam naming ibinigay na ni Jehovah yung best spiritual food para sa amin.

Parang sa case lang yan nila Adan at Eva, pero gawin nating in spiritual sense, I mean, gawin nating tulad ng salita ng Diyos.

Nung panahon nila Adan at Eva, bawat pagkain, puwede nila kainin, at alam nating hindi nagkulang si JEHOVAH sa paglalaan sa kanila ng makakain. Napakarami ng pagpipilian. Pero, mas pinili nila yung ipinagbawal ni Jehovah, samantalang sagana naman sila sa puwedeng kainin.

Sa katulad na paraan, nai-serve na ni Jehovah yung best spiritual food para sa mga lingkod niya—ito ay ang salita ng Diyos, kalakip ang maiksing ulat tungkol sa buhay ni Jesus noong bata pa siya.

Hindi na namin kailangan pang hanapin yung "wala", kasi alam na naming sapat na yung ibinigay Niya para sa amin. Ano na lang ang kailangan naming gawin? Pahalagahan iyon at spiritually, kainin, namnamin at i-absorb, para maisabuhay namin.

Kaya, hindi namin idinadahilan yung:

"wala namang ulat tungkol sa buhay ni Jesus noong 13 hanggang 29 years old siya, hindi ko kayang maglingkod sa Diyos dahil dito."

Hindi. Hindi namin ikinakatuwiran iyan, o na bibigyang-daan ang bagay na iyan para sabihing hindi namin kayang gawin ang kalooban ng Diyos.

Naibigay na ni Jehovah yung sapat na mga information para sa mga lingkod niya, para masangkapan kami sa paggawa ng kalooban niya, at maipangaral ito sa mga tao.

Kaya, wala man ang ulat ng buhay ni Jesus from that period of time, still, nasasangkapan pa din kami para maisagawa ang kalooban ni Jehovah para sa mga tao.

🙂
 
Salamat sa tanong .. Actually, ikaw na din po yung sumagot .. Hehehe .. 😅

depende lang if those documents eh consistent sa narrative ng bible about kay jesus

Tama tong sinabi mo .. Depende 'yon .. Kung hindi sumasalungat sa kanonikal na mga aklat ng Bible yung mga matatagpuan na kasulatan may kinalaman kay Jesus, masasabing kapani-paniwala iyon, kasi sinusuportahan mismo ng Kasulatan/Bibliya ..
Ahhh... So ignore everything else that does not with what u believe to be is true kasi nasa bible... Ikaw na din ang tumutuldok na sa paghahanap ng truth about kay jesus kasi ung gusto mo lang ang papaniwalaan mo... That kind of thinking makes me not believe in jesus even more...
 
Totoo naman 'tong sinabi mo .. Pero kahit na hindi iniulat ng Bibliya ang buhay ni Jesus sa pagitan ng 13 hanggang 29, hindi ibig sabihin no'n, na walang matututunan ang kaniyang mga alagad [bata man o adulto], sa buhay niya sa panahon na isinilang siya hanggang sa mag-edad siya ng 12 .

Sa totoo lang, yung buhay ni Jesus noong ilagay ng Diyos yung buhay niya sa sinapupunan ni Maria, hanggang sa siya ay naging isang sanggol, hanggang sa naging isang bata siya, ay ginagamit namin sa aming mga salig-Bibliyang publikasyon para magturo sa amin ng mga mahahalagang katotohanan tungkol sa Diyos at sa mga katangian Niya, sa kung paano Niya isinasakatuparan ang layunin niya, sa kung paano Niya pinrotektahan ang isa na magiging pantubos para sa marami, sa kung paano Niya ginabayan ang mga magulang ni Jesus, sa kung paano nagpakita ng halimbawa si Jehova na maging simple at spiritually minded ang pamilya gaya ng pamilya ni Jesus, sa pagpapasakop sa awtoridad ng magulang, sa pagsunod sa Diyos, sa kung paano ipinakita ni Jesus na bata pa lamang siya ay gustung-gusto na niyang pag-usapan ang espituwal na mga bagay, oo, sa lahat ng mga bagay na iyan, at lahat kaming mga Saksi ni Jehova, bata man o adulto ay napapatibay sa maikling ulat na iyon ng Bible tungkol sa buhay ni Jesus, at napapatibay nito yung kaugnayan namin sa Diyos.

Kaya, hindi man iniulat ng Bibliya yung particular period na yon ng buhay ni Jesus, still, nakapaglaan pa din si Jehovah ng napakaraming information para matuto kami tungkol sa kaniya sa maikling ulat na iyon sa buhay ni Jesus. Gayundin, ang maiksing ulat na iyon ay nakapagpakita sa amin ng mahusay na halimbawa ni Jesus, lalo na sa mga:

  • Bata
  • Teenager/Kabataan
  • Adulto
  • May-edad

At pinahahalagahan namin ng lubos ang maiksing ulat na iyon ng buhay ni Jesus noong bata pa siya.

Kung iisipin, si Jesus ang perpektong halimbawa pagdating sa pagsasaisip ng espirituwal na mga bagay. Noong malaki na siya, itinuring niyang parang pagkain ang paggawa ng kalooban ng Diyos, at maging ang salita ng Diyos ay itinuring niya din na parang pagkain—talagang napakahalaga!

Kaya, kami, bilang mga nagpapahalaga sa pangunahing spiritual food na ibinigay ni Jehovah, ito ay ang Bibliya, hindi na namin hinahanap pa kung ano yung wala kasi alam naming ibinigay na ni Jehovah yung best spiritual food para sa amin.

Parang sa case lang yan nila Adan at Eva, pero gawin nating in spiritual sense, I mean, gawin nating tulad ng salita ng Diyos.

Nung panahon nila Adan at Eva, bawat pagkain, puwede nila kainin, at alam nating hindi nagkulang si JEHOVAH sa paglalaan sa kanila ng makakain. Napakarami ng pagpipilian. Pero, mas pinili nila yung ipinagbawal ni Jehovah, samantalang sagana naman sila sa puwedeng kainin.

Sa katulad na paraan, nai-serve na ni Jehovah yung best spiritual food para sa mga lingkod niya—ito ay ang salita ng Diyos, kalakip ang maiksing ulat tungkol sa buhay ni Jesus noong bata pa siya.

Hindi na namin kailangan pang hanapin yung "wala", kasi alam na naming sapat na yung ibinigay Niya para sa amin. Ano na lang ang kailangan naming gawin? Pahalagahan iyon at spiritually, kainin, namnamin at i-absorb, para maisabuhay namin.

Kaya, hindi namin idinadahilan yung:

"wala namang ulat tungkol sa buhay ni Jesus noong 13 hanggang 29 years old siya, hindi ko kayang maglingkod sa Diyos dahil dito."

Hindi. Hindi namin ikinakatuwiran iyan, o na bibigyang-daan ang bagay na iyan para sabihing hindi namin kayang gawin ang kalooban ng Diyos.

Naibigay na ni Jehovah yung sapat na mga information para sa mga lingkod niya, para masangkapan kami sa paggawa ng kalooban niya, at maipangaral ito sa mga tao.

Kaya, wala man ang ulat ng buhay ni Jesus from that period of time, still, nasasangkapan pa din kami para maisagawa ang kalooban ni Jehovah para sa mga tao.

🙂
We both agree nA walang accounts ung period na un ng buhay ni jesus... Okay?? U said so urself na totoo...and ur point sa thread na toh is to give a reason why... And basically ang binigay mo lang eh madame nagawa si jesus at kukulangin ang mga libro kung isusulat lahat ito...

And if may offer na ibang accounts na kso outside sa bible is di mo iaaccept kasi it doesnt fit the narrative...

And then sasabihin mo na porket walang accounts for that.period eh di dapat tumigil sa pagsamba kay jesus... Im not saying na invalidated na ung paniniwala mo dahil sa missing years na un.. not at all... Ung ilang years nea na pagtuturo sa mga tao is well-documented at always quoted ng believers like u...pro never kayo nagwonder where was jesus nung mga panahong yun???

And based sa sinabi mo at logic m0 eh u tend to pick out the things na consistent lang sa pniniwala mo...

I was actually hoping for an intellectually honest answer to my question about his missing years.... And that is that "i dont know."....

You dont know.

I dont know.

We dont know.

Kasi if you look at it objectively... Maliit na part lang ng buhay ni jesus sya actually nagpreach.... One part of his life he was a kid...and a big part naman is unknown....

At the very least, thats kinda shady....
 
Para sa amin sapat na yung ulat ng bibliya para manampalataya kay Jesus at tularan yung kanyang iniwang halimbawa sa paggawa ng mabuti, sa pag-ibig sa Diyos at sa Kapuwa..

Ang bible ay nakapokus sa iisang tema tungkol sa “kaharian ng Diyos” kaya kung wala sa ulat ng bibliya yung naging buhay ng isang karakter nito hindi na namin yun pinag aaksayahan ng panahon para hanapin pa at kung meron man magsabi na ganito at ganun daw hindi namin pinaniniwalaan yun kung walang matibay na batayan at hindi sinusuportahan ng banal na kasulatan ang tanging aklat sa mundo na Salita ng Diyos...

sumasangayon kami sa sinabi ni Apostol Pablo na alituntuning ito.

Mga kapatid, ginamit ko ang sarili ko at si Apolos bilang halimbawa para sa inyong kapakinabangan, para matutuhan ninyo ang alituntuning ito: “Huwag higitan ang mga bagay na nasusulat,” para hindi kayo magmalaki at mas parangalan ang isang tao kaysa sa iba.
—1 Corinto 4:6
 
Last edited by a moderator:

Gets ko ung point nyo... For me lang eh that will not lead you to the truth kung ganon... Kasi simula pa lang accepted nyo na ang bible as true eh.... The bible and it alone...walang saysay na icompare nyo ang laman ng bible sa realidad na meron tayo kasi lagi nyo ibabalik ng totoo ang bible....

U cant prove the authenticity of the bible kung ganan ang reasoning nyo...
 
Puwede ko bang malaman kung ano yung reality na gusto mong ipunto dito? jayendecastro
Para malaman din namin kung ano yung 'walang saysay' na binanggit mo about sa pagkukumpara ng Bible ..

Ok lang ba? 😅 Salamats.
 
Kung miron, kahit yung ibang tao naka sulat sa bible mirong proof na nag exists sila base sa mga ancient item or reference na matatagpuan di lang sa bible
 
Kung miron, kahit yung ibang tao naka sulat sa bible mirong proof na nag exists sila base sa mga ancient item or reference na matatagpuan di lang sa bible
I know .. pero gaya nga ng sabi ni Mind Palace eh selective lang naman kayo on which texts ang icoconsider nyo... So kung may claim about jesus outside of the bible iaccept mo din ba?
 
Similar threads

Back
Top