What's new
Status
Not open for further replies.

madpro

Forum Guru
Joined
Apr 1, 2016
Posts
2,463
Reaction
1,834
Points
1,146
Screenshot_2018-01-19-15-16-38.png



"Kung akala mo, ay tama na"



Kung akala mo, ay tama na
Kaibigan, nagkakamali ka
Lahat tayo, ay di perpekto
Upang masabi natin, na tama tayo

Kaibigan, ang daming tama sa mali
Sa bawat, pagsubok nating magkubli
Mga bagay na, ating itinatago
Pagkat alam natin, na mas makakabuti ito

Kaibigan, walang sikretong di nabubunyag
Lahat ng tama, ay may kamalian
Hindi kailanman, hindi na maitatama ang lahat
Kailangan lamang natin, gawin ang dapat

Pagmasdan mo, ang buhay natin
Hindi naman, kailangang perpekto satin
Masayang pamilya, pamumuhay at iba pa
Hangad naman yan, ako, ikaw at sila

Kaibigan, narito ako para magbigay payo
Hindi ko batid, na ako'y pakinggan mo
At wala sa intensyon ko, na maging perpekto sayo
Upang sabihin ang lahat, ng nalalaman ko

Lahat ng bagay, ay may kanya-kanya
Magkahambing, magkasalungat, magkapareha
Magkahalintulad, magka-iba
Magkatugma, magkakasama

Lahat ng iyan, ay ating nakakamtan
Sa bawat araw, na ating nasisilayan
May mga tama at mali, sa ating nagagawi
Nakabuntot, nakasunod maging sa ating pagngiti

Kaibigan, mahirap mabuhay ng walang tama
Kung walang mali, mas mahirap magkaroon ng tama
Lahat ng bagay, na nasisilayan mo ngayon
Hindi lahat yan, ay perpekto sa panahon

Maaari, ang akala nating tama
Nakakasakit na pala tayo ng atensyon
Maaaring ang ginagawa natin na tama
Mali na pala sa ibang intensyon

Kaibigan, maski nga salita may tuldok
At bawat pagkakasunod, may buod
Tayo pa kaya? na tao lamang
At bawat pagkilos natin, lahat ay may hadlang

Susubukin tayo ng panahon
Sa bawat pagbugso, ng bawat atensyon
Na bumabalot, sa paligid natin
Na tila di na yata, maiiwasan gaya ng hangin

Maraming rason, upang ang iba'y magtaka
Mainggit, magduda o di kaya'y manira
Kaibigan, likas na sa tao yan
Mga katangiang, minsan aminin mong ika'y ganyan

Minsan tayo, lumalagpas sa batas ng pantao
Hindi natin naiisip kaagad, kung kailan nakakasakit na tayo
Hindi mo kailangan, ang maging perpekto
Upang ang ganitong konsepto, sa buhay ay maalis natin sa mundo

Kaibigan, ang daming bawal
Napakarami mang pwede, subalit di nagtatagal
Kahit pa sintibay ng nara, bumabagsak sa pagdating ng panahon
Kung saan unti-unti nitong, binubuwag ang tibay paglaon

Walang matibay sa mundo kaibigan, lahat tayo ay marupok
Titibay lamang ang rupok nito, kung sa pagtutulungan nakatoon
Ang daming pagsubok na nakaakbang
At mananatili pang mag-aabang..

Kung akala mo, na tama na
Hindi pa rito nagtatapos ang hadlang
Sa akala mo, na tama na
Nagkakamali kang, tapos na ang patlang

Iba't-iba man ang kahulugan
Ng salitang Tama sa iyong palagay
Hindi mo ito maiiwasan
Kung saan, maaari ito na maibagay

Wala tayong magagawa, sa pagdaloy ng bawat problema
Para itong isang ilog, unti-unting bumababa
Inaagos tayo pababa, hanggang sa mapang-abot na
Kailangan lamang na sumabay, ng sa pagbaba ay makasabay

Upang muling tayo'y makabangon
Makaahon sa lupang muling paglalakbay
At masimulan ang anumang hamon
Na sa atin na nag-aakbay

Kaibigan, kung akala mong tama na, nagkakamali ka sa pag-akala
Pagkat walang tama na tama na, dahil lahat pa lamang ay nag-uumpisa
Harapin mo ang bawat pag-alon, suungin mo ang bawat paghamon
Dahil walang tama at tama na, kung ang mga mali ay di pa naglalaon




mad | pro

 
napapaiyak ako grabe.. napapaiyak ako sa mangyayari pag naulit pa ito.. XD btw thanks ts keep sharing.. haha
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top