What's new

Kumpisal sa kapatawaran ni God

Betterchange

Eternal Poster
Established
Joined
Aug 30, 2014
Posts
1,655
Reaction
724
Points
467
Age
34
Hello guys. For sure palagi nyo nababasa mga post ko sa ãdül† content.
Pero this month may biglang nangyari sa buhay ko na hindi ko inaasahan. Sobrang laki ng kasalanan ko na gusto ko sanang mangumpisal. Bininyagan naman ako sa catholic at born again christian. Ngayon palagi akong nagdadasal kay god na mapatawad ako. Pero may kirot pa din sa puso ko na parang kulang pa yung ginagawa ko. Parang gusto kong mangumpisal sa pari. Paano po ba mangumpisal lalo ngayon gcq na ulit? Thanks po sa makakatulong. Godbless po
 
Hindi mo kaylangan mangumpisal sa pari sa tunay na Dios ka mangumpisal kaibigan
Palagi po ako nag dadasal at humihingi ng kapatawaran kay god. Kahit anong oras ko po maisipan magdasal. Pero parang may kirot pa din sa ******. Dahil wala na nga po ang tatay ko. Hindi na ko nakahingi ng tawad. Palagi ko siya naiisip 😭😢
 
Kung nabubuhay pa ang tatay mo at nakikita niyang nagbabago ka for the better, siguro naman ay mapapatawad ka niya. Yun din naman ang best apology. Tsaka pandemic po kasi ngayon eh. Kung nabubuhay man ang tatay mo paniguradong mas mahalaga sa kan'ya ang safety mo, TS. Bawal pa po yatang lumabas. :(
 
TS katawan lang ng tatay mo ang nawala, kung bukal sa loob mo na humingi ng kapatawaran sa kanya mararamdaman at malalaman nya yun sa pamamagitan ng paghingi ng kapatawaran at tulong sa Diyos,. Yan ay kung malakas ang pananampalataya mo.. at dumedepende rin yan kung ano ang nagawa mong kasalanan sa tatay mo.. Ika nga nagpapatawad ang diyos pero sa Batas ng diyos ay hindi natin yan matatakasan.. in short may karampatang parusa ang nagawa mong kasalanan sa tatay mo..

Pero dahil sa pagsisisi mo at sana'y bukal talaga sa loob na humingi ng kapatawaran ay may karapatan tayong gawin yan.. 😊😉
 
TS katawan lang ng tatay mo ang nawala, kung bukal sa loob mo na humingi ng kapatawaran sa kanya mararamdaman at malalaman nya yun sa pamamagitan ng paghingi ng kapatawaran at tulong sa Diyos,. Yan ay kung malakas ang pananampalataya mo.. at dumedepende rin yan kung ano ang nagawa mong kasalanan sa tatay mo.. Ika nga nagpapatawad ang diyos pero sa Batas ng diyos ay hindi natin yan matatakasan.. in short may karampatang parusa ang nagawa mong kasalanan sa tatay mo..

Pero dahil sa pagsisisi mo at sana'y bukal talaga sa loob na humingi ng kapatawaran ay may karapatan tayong gawin yan.. 😊😉
Bukal po sa loob ko at lubos akong nagsisisi . Kaya nga po palagi ako nagdadasal. At hinihiling sa diyos na patawarin din ang aking tatay dahil mabuti nmn syang tao
 
Sarili mo patawarin mo. Hindi nang gagaling sa iba maliban sa Diyos.
Kung pinatawad mo na yung sarili mo, it's time para bumawi sa pagkakamali mo.
 
Pinipilit ko din po magbago at sundin ang mga payo ng tatay ko. May kirot pa din sa puso pag naaalala ko sya. Sana talaga nakabawi man lang ako sa mga kabutihan nya.
 
Sarili mo patawarin mo. Hindi nang gagaling sa iba maliban sa Diyos.
Kung pinatawad mo na yung sarili mo, it's time para bumawi sa pagkakamali mo.
Opo. Kaya po pinipilit ko baguhin sarili ko. Makinig ng worship songs. Naghahanap din po ako ng daily christian preach. Para naman tuloy tuloy pagbabago ko at hindi ako makalimot kay god.
 
kung feel mo talaga ang need na mangumpisal sa pari pwede naman bantayan mo sa simbahan kahit sinong unang makita mong pari para sabihin na gusto mo mangumpisal... hindi sila pwede tumanggi duon WALA sila karapatan tumanggi sa gusto mangumpisal, obligasyon nila yun
kailangan memorized mo yung "Pagsisisi". Ilang stanza lang yan at kung di mo alam yan punta ka dun sa opisina ng parokya at hingi ka dun, may kopya sila nun

humihingi ka kamo ng kapataran sa Diyos? that in itself ay enough na PERO dapat sana alam mo na pinatawad ka na nga at nararamdaman mo yun dapat sa sarili mo na ikaw ay pinatawad na nga...
ang tanong: Napatawad mo na ba ang sarili mo?
 
Ok na po. Hindi na po ako mangumpisal sa pari. Kay god po ako nagdadasal palagi at humihingi ng kapatawaran. Pinipilit ko po magbago. Tinigil na ang inom bisyo panunuod ng malalaswa.
Dinownload ko yung tanglaw app para sa daily devotion.
At nagpakita na sa akin sa panaginip ang tatay ko. Niyakap ko siya at humingi ako ng tawad. Mabuting tao ang tatay ko at mabilis sya magpatawad. Naunahan lang talaga ko ng pride kaya hindi ako nakahingi ng tawad sa kanya nung nabubuhay pa sya sa lupa.Hindi ako madalas managinip pag natutulog at madalas binabangungot pa. Pero ito nga napanaginipan ko tatay ko sa maaliwalas na lugar at may mga paru parung puti. Kahit saglit ay pinakit sya sa akin ni lord at nakahingi ako ng tawad nayakap ko siya. Madami pa sana ko sasabihin sa tatay ko pero nung hahalikan ko na sya sa pisngi bigla nalang lumiwanag at nagising na ako.
 
Salamat po sa lahat ng nagbigay advice. Isang malaking lesson po ito para sa akin. Magbalik loob sa panginoon, magdasal palagi, magbago, alisin ang pride, humingi agad ng tawad sa taong nagawan ng kasalanan.
 
slowieb
be offended then kasi pero kung gusto mo malaman katotohanan at kung ano gagawin mo para mapatawad ka ng Diyos mag basa ka ng opinion ko
walang kapangyarihang magpatawad ng kasalanan ang mga pastor o pari kung nag aattend ka ng simbahang born again dahil nabinyagan kana sabi mo alam ko na dapat alam mo yan mukhang hindi mo alam ibig sabihin hindi ka nag aattend ng simbahang born again wala kang matututuhan sa simbahang katoliko matagal na ako sa katoliko alam ko na pattern ng mga pari konteng salita ng Diyos more on traditional repetition wala nga bible study ang katoliko puro repetition prayer rosary mas may matututuhan kapa sa born again church

at ito na yung paraan para patawarin ka ng Diyos hindi muna kailangan mangumpisal o parusan sarili mo at magpapako sa krus dahil lahat ng yun ay wala kang makikita na sinabi ng Diyos

mateo 18
21 Nang magkagayo'y lumapit si Pedro at sinabi sa kaniya, Panginoon, makailang magkakasala ang aking kapatid laban sa akin na siya'y aking patatawarin? hanggang sa makapito?

22 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Hindi ko sinasabi sa iyo, Hanggang sa makapito; kundi, Hanggang sa makapitongpung pito.

23 Kaya't ang kaharian ng langit ay tulad sa isang hari, na nagibig na makipagusap sa kaniyang mga alipin.

24 At nang siya'y magpasimulang makipaghusay, ay iniharap sa kaniya ang isa sa kaniya'y may utang na sangpung libong talento.

25 Datapuwa't palibhasa'y wala siyang sukat ibayad, ipinagutos ng kaniyang panginoon na siya'y ipagbili, at ang kaniyang asawa't mga anak, at ang lahat niyang tinatangkilik, at nang makabayad.

26 Dahil dito ang alipin ay nagpatirapa at sumamba sa kaniya, na nagsasabi, Panginoon, pagtiisan mo ako, at pagbabayaran ko sa iyong lahat.

27 At sa habag ng panginoon sa aliping yaon, ay pinawalan siya, at ipinatawad sa kaniya ang utang.

28 Datapuwa't lumabas ang aliping yaon, at nasumpungan ang isa sa mga kapuwa niya alipin, na sa kaniya'y may utang na isang daang denario: at kaniyang hinawakan siya, at sinakal niya, na sinasabi, Bayaran mo ang utang mo.

29 Kaya't nagpatirapa ang kaniyang kapuwa alipin at namanhik sa kaniya, na nagsasabi, Pagtiisan mo ako, at ikaw ay pagbabayaran ko.

30 At siya'y ayaw: at yumaon at siya'y ipinabilanggo hanggang sa magbayad siya ng utang.

31 Nang makita nga ng kaniyang mga kapuwa alipin ang nangyari, ay nangamanglaw silang lubha, at nagsiparoon at isinaysay sa kanilang panginoon ang lahat ng nangyari.

32 Nang magkagayo'y pinalapit siya ng kaniyang panginoon, at sa kaniya'y sinabi, Ikaw na aliping masama, ipinatawad ko sa iyo ang lahat ng utang na yaon, sapagka't ipinamanhik mo sa akin:

33 Hindi baga dapat na ikaw naman ay mahabag sa iyong kapuwa alipin, na gaya ko namang nahabag sa iyo?

34 At nagalit ang kaniyang panginoon, at ibinigay siya sa mga tagapagpahirap, hanggang sa siya'y magbayad ng lahat ng utang.

35 Gayon din naman ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa kalangitan, kung hindi ninyo patatawarin sa inyong mga puso, ng bawa't isa ang kaniyang kapatid.
 
dapat mo rin malaman ito
mateo 6
7 At sa pananalangin ninyo ay huwag ninyong gamitin ang walang kabuluhang paulitulit, na gaya ng ginagawa ng mga Gentil: sapagka't iniisip nilang dahil sa kanilang maraming kasasalita ay didinggin sila.

8 Huwag nga kayong magsigaya sa kanila: sapagka't talastas ng inyong Ama ang mga bagay na inyong kinakailangan, bago ninyo hingin sa kaniya.
 
ang ibig sabihin alam na ng Diyos kung ano gusto mo sabihin sa kanya bago mo pa sabihin kaya kapag inulit ulit mo knowing na alam na ng Diyos bago mo pa sabihin ano pumapasok sa isip mo? ikaw na bahala we all have different opinion at least na bahagi ko na yung part ko

pero kailangan mo rin malaman kailangan mo sabihin yung gusto mo sabihin dahil kahit alam na niya yun pero hindi mo sinabi hindi niya ibibigay yun kailangan mo hingin para ibigay niya
 

Similar threads

Back
Top