What's new

Closed Korina says bye to ABS-CBN

Status
Not open for further replies.
Isa nanamang Kapamilya newscaster ang umalis kasunod ni Ted Failon.

Pormal nang nagpaalam sa ABS-CBN si Korina Sanchez.

Sa kanyang Instagram post kagabi, September 16, inihayag ni Korina ang kanyang pangungulila sa nagsarang network.
Literal na sa ABS-CBN umikot ang malaking bahagi ng buhay at karera ni Korina sa loob ng 33 taon.

Pero natigil ito dahil sa pagpapasara ng National Telecommunications Commision (NTC) at sa hindi pagbibigay ng Kongreso ng panibagong prangkisa sa ABS-CBN.
Ang mga hakbang na ito ng NTC at Kongreso, na parehong naiimpluwensiyahan ng kasalukuyang pamahalaan, ay alinsunod sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Bunsod ng kawalan ng prangkisa ng ABS-CBN, libu-libong talents at empleyado ang kinailangang pakawalan. Isa si Korina sa mga na-retrench na talent ng network.
Panimula ni Korina sa kanyang mensahe, "Wherever I am now and wherever I'll be, I am and will always be, hugely, a product of ABSCBN."

Pagbabalik-tanaw pa ng 55-year-old broadcaster, "From 23 years old (practically just graduated from school) to just very recently, I was one of those very first on-air when the dictatorship toppled, democracy was restored and the network reopened in 1987.
"And till the day it shut down in 2020 I was still frontlining."

Naikot daw niya ang ilang bahagi ng mundo at nakakilala ng iba’t ibang tao dahil sa kanyang trabaho sa broadcast giant.
Saad niya, "So many parts of the world I traveled, so many people I met and learned from, so many stories I was entrusted to tell, so many battles and even more memorable victories, so many opportunities to be of service to others—because of ABSCBN.

"My experiences, my knowledge, my exposure, my life grew with the network through more than 30 years working with the men and women who are ABSCBN.
"The Lopez Family and all my superiors from then till now had given me all the space to grow, contribute, make mistakes and then grow more."
"HANGGANG SA MULING PAGKIKITA"

Inamin din ni Korina na sa loob ng mahigit tatlumpong taon ay hindi maiiwasang may mga away-bating eksena sa kanilang trabaho.

Lahad niya, "Napakaraming kwento, napakaraming eksena, away-bati, tampuhan, pagmamahalan, iyakan, sagarang trabahong walang tulugan, mga tawag sa principal’s office, mga medalyang sinabit sa leeg ko, mga litrato, mga video, mga programa...
"Napakaraming mga hindi na maikukuwentong censored na episode..."

Hindi raw niya inaasahang sa isang iglap ay nawala ang mga eksenang ito sa kanyang buhay.
Aniya, "Ito na ang naging buhay ko at ni sa hinagap di ko naisip na biglang mawawala. Sa ngayon."

Pero kahit ano man daw ang mangyayari, hindi niya makakalimutan ang ABS-CBN.
Hindi rin daw sapat ang salitang "salamat" upang ipakita kung gaano kalaki ang utang na loob niya sa kumpanya.

"Pero never mawawala sa puso at isip ko ang ABSCBN. Hindi na ako magpapasalamat kasi kulang na kulang ang salitang 'salamat' sa pagkakataong ito."
Sa huli, sinabi ni Korina na hindi naman daw ito tuwirang pamamaalam.

"Ganito nalang: hanggang sa muling pagkikita," sabi niya.

Ilan sa mga naging programa ni Korina sa ABS-CBN ay ang Hoy Gising! (1992-1997), Balitang K (1996-2001), Bandila (2006-2009), The World Tonight (1987-1995), TV Patrol (1995-1996, 2001-2004, 2010-2015), Morning Girls with Kris and Korina (2003-2004), at Rated K (2004-2020).

Sa kanyang pag-alis sa ABS-CBN ay nakahanap ng bagong tahanan si Korina sa TV5.
Malapit nang mapanood sa TV5 ang Rated Korina na ipoprodyus ng Brightlight Productions, isang entertainment company na pag-aari ni dating Congressman Albee Benitez.

Handa na ba kayo? Makita si Korina sa TV5!


From: PEP news
 
kalungkot naman :<
lumaki ako na nanunod nung shows ni Korina. Di ko na tanda masyado, pero may show pa sya nung 90s diba, Balitang K ba yun 🤔
 
Ako rin naabutan ko pa yang balitang k na iyan noong mga 3-5 years old ako. Then later naging Rated K yung Balitang K.
 
"Ang mga hakbang na ito ng NTC at Kongreso, na parehong naiimpluwensiyahan ng kasalukuyang pamahalaan, ay alinsunod sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte."

Kakarga pa ng editorialized line yung PEP sa dapat na news article. 2014 pa lang may franchise application na ABS-CBN at hindi nila sinagot mga tanong ng Congressmen nun kaya denied yung franchise nila noon pa.
 
malamang magsisi alisan na mga yan. umalis na si lopez eh si angel nalang panay kuda diyan kasi lugi stocks at share niya sa abs.
 
Rated k before once upon a time di lang ako sure. nawalan ako nang gana nung namulitika sya at si kabayan noli de castro.

alam nyu ba na banned sya pumunta nang Japan, nang Japanese government.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top