What's new

Kit sinabihan daw si Ana: Magpapalamas ka naman ng s*so?'

Masked Rider Black

Forum Guru
Elite
Joined
Nov 8, 2016
Posts
4,079
Solutions
11
Reaction
2,923
Points
1,347

Kit sinabihan daw si Ana: ‘Magpapalamas ka naman ng s*so?’​

by Richard de Leon
March 30, 2022

ana-jalandoni.jpg

Ana Jalandoni, Kit Thompson, at Atty. Faye Singson (Larawan mula sa Manila Bulletin)


Ibinahagi ni Ana Jalandoni ang kaniyang side story ng insidente ng pambubugbog sa kaniya ng nobyong si Kit Thompson, sa pamamagitan ng isang media conference na naganap nitong Marso 28, 2022, Lunes ng hapon, sa isang lugar sa Sct. Borromeo St., Quezon City.

Sinamahan si Ana ng kaniyang tatlong abogado pati na ang kaniyang tatay, upang mailahad na ang dahilan ng pananakit sa kaniyang ng nobyong aktor, na nakalaya na kamakailan sa pamamagitan ng piyansa.

Batay sa pagsasalaysay ng aktres, pareho silang lasing ng nobyo habang naka-check in sila sa isang hotel sa Tagaytay kung saan na-rescue ito. Naganap umano ang insidente noong Marso 17, 2022. Selos umano ang naging puno’t dulo ng away. Pinagselosan umano ng nobyo ang kaniyang ex-husband. Hiwalay na umano sila noon pang 2018.

Napunta sila sa ganoong usapan dahil may plano raw sanang pakasalan ni Kit si Ana. Mahal na mahal daw siya ni Kit, at siya raw ang nais na iharap nito sa dambana. Mahal na mahal din naman daw ni Ana si Kit.

“Tapos po, sabi niya mahal na mahal niya ako, ganun din ako sa kanya. Tapos po, may pina-delete po ako sa kanya na mga pictures namin sa social media. Tapos, naging okay naman po yung usapan namin,” wika ni Ana.

Hanggang sa mabanggit ni Kit ang tungkol sa kaniyang dating mister. Dito na raw siya binantaan ni Kit na papatayin kapag hiniwalayan daw siya ng nobya.

“And then, ang next na po niya na tanong sa akin, ‘Iniwan mo yung ex mo, di ba? Di ba, hiniwalayan mo siya?’ ‘Ako, pag iniwan mo ako, patayin kita.’ Tapos, sabi niya, ‘Akin ka lang, hindi ka puwedeng mapunta sa iba'” emosyunal na pagkukuwento ni Ana.

“Kaya nang sinagot ko siya, sabi ko sa kanya, ‘Mahal kita, hindi kita iiwan, alam mo ‘yan.'”

Matapos nito ay lumabas siya ng kanilang unit para tawagan ang isang kaibigang babae na pinangalanan niyang ‘Vict0ria’. May kahinaan daw kasi ang signal sa loob ng kanilang hotel room kaya nagtungo siya sa pangatlong palapag ng hotel upang makausap ang kaibigan. Sa puntong ito, nagising daw si Kit, lumabas ng kuwarto, at hinanap ang nobya.

Sa pamamagitan daw ng isang babaeng sekyu ay natunton ni Kit si Ana. Binitbit daw siya ni Kit pabalik ng kanilang kuwarto. Inakala raw ni Kit na iiwanan siya ni Ana.

Paghiga raw nila sa kama, agad daw siyang sinampal ng nobyo. Dito na nagpaliwanag si Ana kung bakit kinailangan niyang magtungo sa pangatlong palapag ng hotel. Nagalit daw si Kit nang iwanan niya ito.

Lagpas alas-singko ng hapon ng Huwebes, Marso 17, nangyari na umano ang bugbugan. Lagpas 7:00 ng gabi naman nang dumating ang mga pulis sa hotel para iligtas si Ana. Nagising daw si Kit dahil sa pagdating ng mga pulis.

Samantala, ibinahagi naman ni Atty. Faye Singson na naisalaysay sa kanila ni Ana na habang papunta pala sila ni Kit sa Tagaytay, nabanggit daw ni Ana na may shooting siya sa susunod na movie project niya. Matatandaang naging bahagi ang aktres sa pelikulang ‘Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Poŕństar’ sa Vivamax.

Inuntag daw ni Kit si Ana kung may hubaran scene dito. Ayon naman kay Ana, imposibleng wala dahil sê×ÿ nga ang imahe niya.

“Magpapalamas ka na naman ng s*so?” tanong daw ng nobyo sa kaniya habang nilalamas nito ang b0obelya niya. Matagal na palang pinahihinto ni Kit si Ana sa paghuhubad sa pelikula.

Samantala, wala pang tugon o pahayag ang kampo ni Kit sa lahat ng mga expose ni Ana sa naganap na press conference.

Source:
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 

Attachments

i
Edi gawa ka ng thread, same lang yun magkaiba lng ng tawag
ito na nga yung thread bat pa ko gagawa hahah 🤣🤣🤣 at hindi sila magkatulad magkaiba ang Forum sa thread. "forum is equivalent to a folder which contains a collection of one or more discussion topics. You post to discussion topics and each post within the topic is called a thread "
be-careful-of-what-youre-saying-adam.gif
 
i

ito na nga yung thread bat pa ko gagawa hahah 🤣🤣🤣 at hindi sila magkatulad magkaiba ang Forum sa thread. "forum is equivalent to a folder which contains a collection of one or more discussion topics. You post to discussion topics and each post within the topic is called a thread "
be-careful-of-what-youre-saying-adam.gif
O edi ikaw na ang bright, bakot nagtanong ka pa kung pwedeng gumawa ng forum eh alam mo nmn pala ang sagot?
 
O edi ikaw na ang bright, bakot nagtanong ka pa kung pwedeng gumawa ng forum eh alam mo nmn pala ang sagot?
di naman yun tanong e sarcasm yun may nakita kabang punctuation mark? hahaha awit na yan iqquote mo yung reply ko dito ng pabalang tapos galit kapa gurrrl. usually hindi ako nambabara e pero pambihira minsan nalang may mag notif ganyan pa mababasa ko at ang malala di kapa nagreact sa thread na to rekta ka agad sakin hahaha
 
Last edited:
i

ito na nga yung thread bat pa ko gagawa hahah 🤣🤣🤣 at hindi sila magkatulad magkaiba ang Forum sa thread. "forum is equivalent to a folder which contains a collection of one or more discussion topics. You post to discussion topics and each post within the topic is called a thread "
be-careful-of-what-youre-saying-adam.gif

technically yung sinabi mo dapat "sub forum" hindi forum lang.
 

Similar threads

Back
Top