What's new

Kim Chiu, pinasuri ang mga 'nilalang' na lumabas sa ilan niyang mga litrato

1603799369961.png


Pinasuri ni Kim Chiu sa isang faith healer ang mga litrato niya na nag viral kamakailan

- Sinasabing may ibang mga nilalang na nakita sa mga litrato na kuha sa shooting ng kanyang horror na pelikula


- Natukoy naman ng faith healer ang mga 'peke' o mga edited lamang na dinagdag sa litrato na ginamit sa pag promote ng pelikula

- Gayunpaman, may mga elemento siyang nakita sa ilan sa mga litratong pinasuri ng aktres


Talagang pinag-usapan ang ilang litrato ni Kim Chiu na kanyang ibinahagi kamakailan sa social media dahil sa mga 'nilalang' na nakita ng mga netizens dito.

Kuha ang mga litrato sa shooting ng horror film ni Kim na U-Turn.

Upang mapasuri ang mga nasabing litrato, inanyayahan ni Kim ang isang faith healer na kaibigan ng kanyang ate Kam.

Sa unang litrato na kuha sa stand by area ni Kim. Ayon sa aktres, naramdaman niya na parang may iba siyang kasama sa nasabing lugar ngunit hindi naman niya umano ito nakikita.

Natukoy din ng faith healer ang mga 'peke' o ang edited lamang na dinagdag sa litrato upang gamitin sa pag-promote ng kanilang bagong pelikula.

Nilinaw naman ng faith healer na hindi naman umano galit kay Kim ang elemento.

Sunod na pinakita ni Kim ang picture ng kanyang ate Heidie. Maging ang isang litrato niya sa isang location ng kanilang shoot ay may nakita umanong masamang espirito ang faith healer.

Watch the video below (Proceed to 11:50)

Kim Chiu (Photo from Flickr)
Source: UGC
Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother teen edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw.

Kamakailan, masayang ipinagdiwang ni Kim kasama ang kaibigang sina Angelica Panganiban at Bela Padilla ang kanilang ikatatlong taong anibersaryo. Kumasa din sila sa Jojowain o totropahin challenge.
 

Attachments

Similar threads

Back
Top