What's new

Kelangan ba talaga gawing Content kapag tutulong ka sa Kapwa ?

dev-ace

Forum Expert
Elite
Joined
Dec 14, 2016
Posts
4,081
Solutions
4
Reaction
16,594
Points
3,222
Ano opinion nyo sa ganitong klaseng kaganapan ? Tumutulong nga ba o dahil may pera sa pag gawa ng Content ? Pansin ko kase pde naman tumulong ng hindi na kelangan mahagip ng lente ng camera.
 
Ganyan din naiisip ko sa tuwing nakakalita ng content creators na tumutulong sa harap ng camera for the sake of content,

Naiisip ko nalang investment na nila un kasi mas maraming views/subs mas madaming balik sakanila un.
 
Iniisip ko nlng nakatulong sila kesa wala, pera naman nila un at pinaghirapan.

Mrbeast talaga pinaka idol ko sa pagbibigay.

kahit si Congtv rin namigay ng motor sa foodpanda/grab rider.

Naka depende na lang siguro sa vloger. Kung awkward mag bigay at mag vlog. Hahaha
o hatalang plastic at for the views talaga.
 
para saakin..

ang totoong tulong ay walang hinihinging kapalit..
pero kung ivo-vlog pa nlia. tapos iuupload.. syempre may kapalit na agad yan "income".. para sa pagtulong ulit? no.. may hinahangad parin silang kapalit.

like congtv. sabi ng iba.. tumutulong talaga siya.. pero ang tanong may nakita ba tayong ni isang vlog niya na tumulong siya? wala diba?
tumutulong talaga siya na hindi na kailangan ivlog pa.
 
doesn't matter if good or bad ang intention sa pagtuLong,..
as Long na hindi niLa/siLa nakakapinsaLa sa buhay ng iba,..
just Look on the bright side mga idoL,..
dahiL sa ginawa niLang pag tuLong, may tao/pamiLya na namang naiahon ang isang araw
dahiL sa kakapusan or kahirapan,..
no to negative vibes po mga idoL,..!! ^__^v
 
Medyo masakit din sa mata minsan manuod ng ganyan, lalo na kung masyado mong inexploit ang kahirapan. Walang masamang tumulong pero, ayaw ko lang nung niromanticize pa yung poverty para sa content. Sana din takpan din nila yung mukha, meron pa nga mga bata. 😅
 
Medyo masakit din sa mata minsan manuod ng ganyan, lalo na kung masyado mong inexploit ang kahirapan. Walang masamang tumulong pero, ayaw ko lang nung niromanticize pa yung poverty para sa content. Sana din takpan din nila yung mukha, meron pa nga mga bata. 😅
OO nga eh . Nabuburautan ako sa ganyan na tao . haha ewan ko lg may kanya kanya naman tayong opinyon. Pede naman tumulong ng di kelangan i vlog. Aminin nlg nilang win win situation yung gsto nila . Wala eh malaki kitaan sa pag ggawa ng content eh kaya yung mga taga bundok ginagawa nlg ding content. Puro content . Tignan niyo yun si Makagago san na yung every month nyang pamimigay ng pampasaherong sasakyan eh na busy na kaka****** eh kaya ayun tigil na (May mas malaki na kaseng kita eh kaya ano pang inaantay dba) At yun din nilalahad talaga yyung mga mukha pinapamukha talaga kung gano nahihirapan yung tao dami pa tanong haha kung mamimigay nlg talaga ng tulong bigay nlg sana direcho wala ng dada at hayaan nlg yung mga nakakapansin / nakakakita yung maglahad non.
 
Capitalism, pinagkaiba lng ay hindi regulated at walang benefits, atleast kng binigyan ka ng janitorial job protected ka by local and national laws. kaso 1 time gig lng naman eh kaya wag na choosy, accept the goods do your thing and move on, alangan naman mag bargain ka pa ng 60-40 eh "charity" naman to hindi business 😆😆.

I'm not hating, pero hindi mo ma tatawag na charity kng may exchange of goods or service ang transaction. IMO its more about the creator wanting attention than the well-being ng makakatanggap, most likely nalimutan mo na ung pangalan ng tumanggap pero alam mo na may binigyan si creator.
 
Back
Top