Nag Order po kasi ako sa Shopee 512gb na sd card. Kaso nakita ko ngayon lang specs ng cp ko nakalagay can support sd card up to 256gb lang. Di ko na macancel yung order. Di ba mababasa ng phone ko yung 512gb? Vivo v11i po cp ko. Thanks in advance.
i think hanggang 256 GB lang mababasa ng phone mo lods. At ingat din sa pagbili sa mga "high capacity" sd card sa shopee na mura baka pag aabot ng 32 GB yung files, may tendency na magcocorupt na
Mababasa yan TS. Since 256 Gb naman ang maximum capacity ng device which is SDXC type, mababasa pa rin dahil ang SDXC type is 64Gb-2Tb. Hindi lang madedetect ng device ang sd card kung yung device is 32Gb ang maximum capacity dahil SDHC type yan at hindi kayang madetect ng SDHC ang SDXC na type. Pero since SDXC naman yan both the maximum capacity at sd card mo gagana yan. Dipende kung pano tatanggapin ng device mo yung sd card kaya observe mo lang kasi pwedeng macorrupt yung sd or may minor issues (sana wala) Goodluck
kung gumana yan at ang storage nya ay lagpas sa 512 peke na yan, bumili ako nang 64 gb putik pagkalabas sa cp ko 67 gb, una natuwa ako hangang sa na search na basta ganun ehh fake agad syaka ung write speed nya ung kapag mag lalagay ka nang data sobrang bagal para kaby nag da download
Hanap kana lang ng legit sd card boss DAMI niyan sa online selling page ng fb. para di di kana sumugal sa maaring mangyari sa sd mo or files na PWEDENG ma corrupt.