What's new

Kaugalian ng mga kababayan natin sa probinsya.

leifrancis

Eternal Poster
Established
Joined
Jul 1, 2017
Posts
1,215
Reaction
331
Points
299
Curious lang ako sa mga kababayan natin. May nag kwento sa akin halimbawa sa kasal daw sa batangas. Nakuha siyang ninong. Before ng wedding binigyan siya ng 1/4 na baboy as regalo. Then nakakatuwang part daw ay yung habang nasa handaan, sasabihin ng annoucer kung magkano binigay ng ninong A at hahamunin si ninong B na tapatan ng higit yung binigay. Kayo ba may mga ibang karanasan sa inyong lugar?
 
ibang klase yan ah, dito samin ordinaryong kasal lang.. yung didikitan langn nang pera ang ikakasal habang sumasayaw. baka member nang mga kakaibang sekta yan.

pero doon sa narra palawan dati, meron mga tiga mindanao na kina-in yung kamag-anak nang bride dahil naaksidenta na nahawakan yung bride.
 
Yung ibang paniniwala naman. Pag galing ka sa lamay. Wag kang deretso uwi sa bahay ninyo kasi baka daw bitbit mo ang kamalasan. Daan ka muna sa ibang lugar like tindahan. Pero hindi sa biglang liko hahahaha!
 
Yung ibang paniniwala naman. Pag galing ka sa lamay. Wag kang deretso uwi sa bahay ninyo kasi baka daw bitbit mo ang kamalasan. Daan ka muna sa ibang lugar like tindahan. Pero hindi sa biglang liko hahahaha!
Hindi kamalasan kundi un kaluluwa ng patay
 
Naka-attend na ako ng ganyang kasalan sa Batangas. Sabit o dulot yata ang tawag diyan sa pagkakatanda ko ang tawag sa regalo ng ikakasal sa ninong at ninang. Tapos dapat tumbasan o higitan ng mga ninong at ninang yung halaga ng sabit ng perang iaabot nila sa bagong kasal. Tapos oo may parang announcer tapos ipo-provoke pa talaga silang magbigay pa ng pera sa bagong kasal. Tulong yun sa mag-asawa para sa pagsisimula ng buhay mag-asawa nila.

Yun nga lang yung ibang medyo kulang sa budget at susunod sa tradisyon tapos medyo kahiyaan na rin, pinapangutang talaga yung panggastos sa sabit at yung ibibigay ng ninong at ninang. Biro nga dun eh magastos pala mag-asawa ng Batangueña.
 
Back
Top