What's new

Closed Karanasan sa Panliligaw

Status
Not open for further replies.

Quantum Supercomputer

Eternal Poster
Joined
Dec 23, 2017
Posts
740
Reaction
250
Points
339
Age
23
Umabot sa punto na wala na kong nararamdaman, pero totoo nga ba yun, kase tuwing nasusugatan ako, mahapdi naman? Ako si Marco, at naniniwala akong walang katuturan ang pag-iisip kung may nararamdaman nga ba kayo sa Isa't isa, pero wag mong kunin ang maling ideya, ang kwento na 'to, ay hindi para sa dalawang taong nagmamahalan, nasabi ko lang yun, pero hindi talaga interesado. Alam nyo kung merong winrate sa panliligaw, malamang 100% na ko, 1 matches nga palang par. Kung bakit may 's' kase kahit mag-isa, "Pwede mong mahalin ang sarili mo" mali, may s, kase nasulat ko na, ayoko nang magpabalik-balik.

Ikekwento ko sa inyo kung pano' ko nakilala si Joselifa, una kong niligaw, alam nyo yung tipong nasa klasroom lang kayo, tapos yung mga kaklase nyo bumubuo nang mga love team, luh pereng mge belew. Sa totoo lang, nakakabigla, kase yung alam mong naglalaro lang kayo nang paaway kanina, ngayon, gusto mo nang ihampas yung doralayt sa bunganga nila. Sya nga pala, sa panahon namen may mga selpon na kami, ung 3310. Grade 5 palang ako, may panload at pantext na, kaya naman, tinext ko na si Joselifa.

Ganitong ganito ung minessage ko.
"Di kita gusto, maliwanag?"
Reply nya.
"Assuming ka ****, panget mo kaya."


...
Ok next topic, "Huy ambilis naman?" wala eh, na-savage ako, dapat di kinekwento yung mga ganyan.

Una palang nakapagtataka na, pano' ko nalaman number nya?
Sya mismo nilapitan ko, tapos hiningi ko number nya, "Number mo nga", binigay nya naman.

Pano' kung ibang number binigay nya?
Bumungad ang mga pala-isipan at nagpaikot-ikot sa utak ko. Sya nga pala wala akong utak, ba't pa nasama yan.

Gwapo ako eh, alam ko yan, di ko tanggap yung reply nya saken, ba't ganun? Natural kaya yun na ireply matapos masabihan nang "Di kita gusto."
pwede nmang "ok lang." Ba't may kasama pang "panget." Habang di ko matanggap ang sinabi nya. Nakipagsuntukan muna ako sa kapitbahay namen.

"Hoy! JunJun!"
Tagal naman lumabas nito.
Tirik ang buwan, at madilim na rin ang kapaligiran, pero ayos lang un, sapat na ang isang ilaw na 'to, para magboxing kami.
Hoy Junjun.
"Wala na TULOG NA!"
nanay nya nagreply, malas naman.
"Agay-ayam kayu manen, adda pay sirrik yu tunu biggat! Agawid kan."

Di ko maintindihan yung last part na sinabi nang nanay nya. Pero alam kong sinabihan nya ko nang "masyado nang gabi, baka marape ka pa nang mga babae sa kanto." Ok salamat sa pag-aalala, pero kaya ko na sarili ko. Alam nang lahat na ako ang pinaka-pogi sa baranggay namen.




- To be continued -
|


Dumeretso ako sa Klasroom kina-umagahan, tinanong ko si Joselifa, kung sya nga ba yung katext ko kagabi.
"Hoy nakakadepressed ka magsalita!"

Di ako nagsabi nyan, s'ya, teka bakit?
Bumilis ang hangin, 349 km/h (217 mph) exactly, tapos bumangga sa pingping nang pogi kong mukha, pagsabay nang tunog na parang sinampal sa *****. Ngayon ko lang naranasan ang ganung uri nang opensa. Masakit pala. Pero pagbalik nang mukha ko sa dating posisyon, pumapatak ang mga luha, isang inosenteng babae ang nasa harapan ko.

Ilang segundo.
"Hoy Anong ginawa mo!?"
May mga kaklase na kong nagsiratingan. Wow, perfect timing. Parang eksena lang sa mga pelikula.

Umalis na ko, hindi ako nabigla o naawa. Basta Umalis ako, kase yun ang alam kong nararapat na gawin, tulad nung napanood ko nun, di ko na maalala ung title.

Anong nangyayari sa mundo? bakit ako pa ang may kasalanan? "Panget ka tanggapin mo na." hays, alam ko yun, pamamaraan ko lang 'to para sumaya sa lupa. Lalim masyado, ok ulit, style ko lang yun para di ako malugmok sa kapangitan, pangit na ko, ikakapangit ko pa. Pero sa kaloob-looban ko, hindi ito ang punto, sa tingin ko, nasaktan ko yung babae na yun. Oras na siguro para kumalma, at humingi nang... ano ulit yun?
nablanko bigla ang utak ko, na parang nakalimutan ko ang lahat, seryoso 'to. Ok na pala, naalala ko na. Pogi ako.

Nagpatuloy ang mga araw at nagpaiba-iba ang mga serye nang sitwasyon, pero ang kagwapuhan ko ganun paren. Itong araw na 'to ngayon napaka-espesyal, kase umuulan, at makulimlim, makikita mo mula rito, na para kaming pinapaliguang lahat, pero salamat sa payong, walang magawa kung sino mang naglagay nang panahon na 'to.

Habang naglalakad sa mabasang daan papunta sa science building, may narinig akong tawanan sa gilid nang mga babae, pero halos lahat nang naririnig ko, tawanan naman talaga, lahat nang estudyante dito may kanya knyang hawak na espada panlaban sa ulan, maiingay, pero mas maingay talaga ung patak ng tubig, akalain mong di mabilang bilang na sabay bumabagsak sa lupa. Pero balik tayo, ang kumuha nng atensyon ko, ay si Joselifa, isa sa mga babae na nakikipagkwentuhan sa gilid nang isang partikular na klasroom. Dun nga pala yung room namin ngayon. Ok rekta nako.


- To be Continued -
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top