Trivia Karamihan sa mga tao...

blame it on me

Forum Veteran
Elite
Joined
Jun 27, 2018
Posts
1,005
Reaction
2,880
Points
752
Age
27
Karamihan sa mga tao dinadakila pa nila ang relihiyon kaysa dakilaan nila ang Diyos

Marami ang pumupunta sa Simbahan pero ayaw naman nilang magsilapit sa DIYOS 😔

Sabi ng Makapangyarihang Diyos;

"Sa puso ng mga tao, wala Ako sa itaas, o sa ibaba. Para sa mga tao, hindi mahalaga kung totoo man Ako o hindi, na parang walang ikalulungkot ang buhay ng tao kung wala Ako, at kung totoo man Ako, wala silang matatamong kasiyahan. Dahil hindi Ako pinahahalagahan ng mga tao, iilan lamang ang mga kasiyahang naipagkakaloob Ko sa kanila. Nguni’t sa sandaling binibigyan Ako ng sangkatauhan ng kahit katiting na pagsamba, kung gayon babaguhin Ko rin ang Aking pakikitungo sa kanila. Sa kadahilanang ito, magiging ganap lamang na mapalad ang mga tao na ialay ang kanilang mga sarili sa Akin at hingin ang mga bagay na nasa Aking kamay kapag natatarok na nila ang batas na ito. Tiyak ba na hindi lamang ang sariling mga kapakanan ng tao ang layunin ng pag-ibig niya sa Akin? Tiyak ba na hindi lamang sa mga bagay na Aking ibinibigay nakabatay ang kanyang pananampalataya sa Akin? Maaari kayang, maliban kung makikita niya ang Aking liwanag, hindi Ako kayang mahalin ng tao nang taos sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya? Tiyak ba na ang kalakasan at sigla ng tao ay hindi tunay na para lamang sa mga kundisyon ng kasalukuyan? Maaari kayang kailangan ng tao ang tapang upang mahalin Ako?"
—mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang Makipot at ang Maluwang na Daan

(Mateo 7:13-14) Pumasok kayo sa makipot na tarangkahan sapagkat ang maluwang na tarangkahan at malapad na daan ay patungo sa kapahamakan. Marami ang patungo roon. Subalit ang makipot na tarangkahan at makitid na daan ay patungo sa buhay. Kakaunti ang mga nakakasumpong nito.

(Mateo 7:21-23) “Hindi lahat ng tumatawag sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang mga tao lamang na sumusunod sa kalooban ng aking Ama na nasa langit.
 

Similar threads

Back
Top