- Joined
- Oct 13, 2017
- Posts
- 25,946
- Solutions
- 6
- Reaction
- 66,381
- Points
- 16,628
Sa mundong ito walang bagay na perpekto,
at lahat maaaring magbago,
walang kasiguradahan at lahat ay may iba't ibang patutunguhan,
wala ni isa sa atin ang tanging
may alam kung saan at ano
ang kahihinatnan,
Ang pang ibig na bukog tanging dahilan kung saan tayo'y nagkaroon ng buhay sa mundong ginagalawan,
Ito ay nadarama ay nakikita kanino man,
wala sa edad, stado ng buhay at kasarian,
lingid sa iyong kaalaman,
kusa mo lang itong mararamdaman,
Sa kabila ng mapanghusgang lipunan,
mananaig pa din ang pagmamahalan,
di alintana ang mga namumutawing katanungan,
bagkus sa huli pag ibig ay sadyang makapangyarihan,
Kung minsan ito'y dala ng tadhana,
kung saan ang dalawang puso ay kusang pinagtagpo,
at sa dako pa roon,hinding hindi isusuko,
at di padadaig sa anumang mga tukso,
Ang pag ibig na hatid ay say ngunit
minsan may dalang kasawian,
para sa mga taong hindi kayang harapin
ang bawat nakaambang suliranin,
para sa taong mabilis sukan
ang pagkabigo at kalungkutan,
Kung minsan ito ay nagiging isang sugal,
yung tipong may talo at panalo sa pagmamahal,
kung saan kailangan may itaya
bumalik man siya o kusang mawala,
Tunay talagang ang pag ibig ay makapangyarihan,
at kakaiba ang dulot sa dalawang nagmamahalan,
sa una't huli ay di nawawala ang sumpaan,
hanggang sa dulo ng walang hanggan.
~Professora Akira~
Last edited: