What's new

Closed kapa, regen using crypto or blockchain as excuse

Status
Not open for further replies.

Dakila ka

Honorary Poster
may makaka explain po ba about crypto and blockchain kung sustainable ba para sa payout na may 30% pataas na tubo dahil nasasali po kasi ito sa pag imbita ng mga scheme company sa mga investor.
 
kahit ano pang company yan ito nalang imagine mo TS kung ano ba nangyayari sa trading, self explanatory naman na siguro kung ano dapat expectation mo pag sasabak ka sa trading kahit pa gaano ka kagaling magtrade
629859



in short hindi araw araw ay pasko sa trading
 

Attachments

Ginagamit kasing front ang crypto at forex investment sa mga scammers para maka engganyo.. Tinatarget nila karamihan sa probinsya kasi walang financial literacy gaya ng nagyayari ngayon.. Ginamit ang Religion para maka pangloko ng tao.
Isipin mo yon, Deed of Donation ang Papermahan sayo if mag lagak ka ng pera.. Dyan pa lang magduda kana..

SEC also disclosed na naka pangalan sa Asawa ni Pastor ang mga properties na na aquire nya instead of Ministry..

Ngayon, Pakawaykaway na lang si Pastor sakay ng Helicopter nya na haha
 
Last edited:
dagdag ko nalang in just minutes or in a day pwede ka mawipe out lalo na sa forex at mabilis ang galawan dun

at ito sampol ko nalang actual trade ito sa btc sa isang araw lang
629869


imagine mo nalang kung ikaw yung trader na kumolekta ng pera ng iba para ipang trade malaking pressure yan lalo na kung pangangakuan mo sila ng 30-400% etc monthly

10% medyo mabigat na dahil sa sampol palang kita mo naman na may mahabang araw o buwan na wala masyado galawan para kumita ka

hindi porke bumili ka ngayon, araw araw tataas ang presyo ng nabili mo
 

Attachments

Last edited:
thanks sa info sir. sana mabasa ito ng mga members para aware sila sa kung ano talaga ang trading at crypto currency. marami pa din kasi illeterate sa bagay na ito lalo na yung nasa rural areas. kung may maidagdag ka pa sir salamat lalo.
 
nasabi ko ito since dumaan nadin ako sa mga ganyan napasali sa mga investments kuno na high returns at paniwalang paniwala kasi nagbabayad sila until nagsara tumakbo at iniwan hehe, easy money kasi nakakasilaw

both online sumali din ako sa mga HYIP na after a week or month wala na at yung mga may actual with physial office pa pero business structure pala nila is old members receive payouts from new members or yung mismong investment mo yun din pambayad sayo monthly.

kaya tinigilan ko na yan, lesson learned the hardway

mahirap kasi ipilit sa mga tao lalo na pag dyan umaasa madaliang kita pero madali ding mawala, kahit alam nilang may mali sa systema ng pinasukan pikit mata nalang basta kumita at "mahuli taya" sila yung kawawa

kaya magsusulputan mga ganyan at palit lang ng pangalan hanggat madami tatangkilik sa easy money

kaya nagshare nalang ako ng mga boring tutorials para sipagin mga members sana mag aral ng trading hindi man pabilisan pero pag natutunan muna at alam proseso biyaya naman ang kapalit at mas másáráp sa pakiramdam na pinaghirapan at pwede pa ipamana at turuan mga kapamilya.


boring tuts pero magkaka idea ka and by experience dun ka mahahasa
https://phcorner.net/threads/624649/
https://phcorner.net/threads/667217/
https://phcorner.net/threads/669218/
 
yung trading kasi sobrang risky talaga nyan dalawang patutungohan swerte o malas sabihan man natin na swerte ngayon pero bukas pwedeng malasin naman kaya hindi sya pwedeng excuse sa kapa , siguro kung may mga business ang kapa para mapalago yung investment pwede pa.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top