What's new

KAKAPALAN KO NA MUKHA KO

Status
Not open for further replies.

Nubie

Addict
Joined
May 1, 2019
Posts
16
Reaction
9
Points
70
magandang araw poh sa inyong lahat aqo ay humihingi ng konting tulong pinansyal para poh sa aking mag ina .. ang aking asawa poh ay mayroong pre eclampsia hindi poh nababa ang kanyang BP at sobra na pong namamanas inadvice poh nang kanyang OB n i imergency Cs siya sa kadahilanang umaabot n dw poh ang tubig papunta sa knyang baga cia poh ay na operahan noong linggo ng hapon(october 24,2021) nailabas poh c baby ng 3:14pm kinailangan poh ilagy c baby sa incubator dhil cia poh ay 36weeks lamang(premature) masyado lamang poh malaki ang aming bayadin sa hospital dahil dalawa poh cla. lumabas na poh ang bill para sa misis qo kso d p poh nmin mabayadan lahat meron nman poh kami naipon kso ndi lng poh sapat.. wala pa pong ang bill ni baby pero sav poh sa hospital more or less 20k dw poh ang bill ni baby per day aabutin p dw poh ng weeks c baby sa incubator.. sana poh matulungan nio kami Hindi ko na po alam saan kami Lalapit kaya po Kakapalan ko na Mukha ko Sa inyo Kahit Mag Kano lang po #09061448397gcsh 😭😢 .. MARAMING SALAMAT POH.. GODBLESS🙏🙏
FB_IMG_1635516109413.jpg
FB_IMG_1635516112520.jpg
 

Attachments

bossing advice ko lang pwede niyo to idulog sa Phil heath paglabas ng bill, o sss po kung may sss or phil health po ang isa sa inyo. maari po nito icovee halos lahat ng expenses sa hospital kung di man po kayanin ng philhealt icover lahat, pwede pa po mabawasan yung bill nakalimutan ko yung tawag dun basta papababainl yung bill niyo, ganito kase ginawa namin dato although kaya naman magbayad ng bill sa hospital pero naging wise na lang kami para less gastusin noong nanganak ang misis ko, maari po kayo magpa-assist o magtanong sa doctor na nangangalaga po sa inyo tapos ikaw na po bahala maglakad ng mga yan, maari mo naman po siguro maiwan muna yung fam mo sa nanay mo o sa biyanan mo pansamantala habang naglalakad ka, ano pa man yun hangad ko po kaligtasan ng asawa't anak mo sana maging maayos po ang lahat sa inyo,
 
Panalangin ang tanging maibabahagi ko para sa inyo ng magina mo paumanhin ako ay wala ding hanapbuhay kaya Hindi ako makakatulong pinansyal. Malalagpasan niyo ang pagsubok na yan lalo na ang pag galing ni misis mo at paglakas ng inyong munting anghel in jesus name Amen. 🙏❤️
 
Lods nasubukan mo na bang lumapit sa munisipyo? I'm sure kahit papano o baka nga mafully ρáíd pa yang bill nyo kung lalapit ka sa kanila. Kasi mageeleksyon na rin. Try mo lods baka matulungan ka nila.
 
wala akong gcash. sa meron
siguro kahit pasahan niyo nalang ng piso piso pag naipon naman yan malaki laki na din.
kung kaya mas malaki mas okay.

pwede ka din humingi ng tulong sa mayor ng nasasakupan mo.
 
Lumapit na po kami sa Local Gov. Ang kaso po Pinabalik Balik Po kami at May mga Hinihinging Requarments.
 
Try mo bhie sa Malasakit Center, may aksyon naman agad dun. Or try to email presidential communications chenes, do sila pwedeng tumango sa email mo.
 
Sir advice lang, pakilagay ng Name ng GCASH account ng malaman ng mga magsesend kung tama yong number na nailagay nila.
 
di po ba kayang iprovide yung requirements na hinahanap?
Kaya naman po kumpleto na po kami ngayon kaso po ang sinabi samin nung nakausap namin sa Mayor's Office Lunes or Martes Maaapprobahan. Di ko na Po kasi Kaya Kung saan ako Mag Hahagilap ng Ipapang Bayad Sa Bills ng Hospital Tapos Nakikita ko pa ang Aking Anak na ganyan ang Kalagayan. Tapos yung sinabi pa ng Doctor na 20k per day ang aking anak at aabutin ng week sa Incubator ang Anak ko.
 
apply lang nga ng trabaho dami na requirements, paano pa kaya pag financial na tulong..
wala na nga pera ang tao sandamakmak pa na requirements..
Yun nga po ang Nasa Isip ko Imbis na Yung Pinang papamasahe ng kapatid ko papuntang Munisipyo pandagdag sa Bayarin . parang Tuwang Tuwa pa sila sa nangyayari saamin
 
Yun nga po ang Nasa Isip ko Imbis na Yung Pinang papamasahe ng kapatid ko papuntang Munisipyo pandagdag sa Bayarin . parang Tuwang Tuwa pa sila sa nangyayari saamin
nakapost ba yang problema mo sa fb? post mo na din dito ang link. for verification na din ng ibang gustong tumulong.
 
Kaya naman po kumpleto na po kami ngayon kaso po ang sinabi samin nung nakausap namin sa Mayor's Office Lunes or Martes Maaapprobahan. Di ko na Po kasi Kaya Kung saan ako Mag Hahagilap ng Ipapang Bayad Sa Bills ng Hospital Tapos Nakikita ko pa ang Aking Anak na ganyan ang Kalagayan. Tapos yung sinabi pa ng Doctor na 20k per day ang aking anak at aabutin ng week sa Incubator ang Anak ko.
seryoso po 20k per day? 😱 private po ba yan? ba't naman ganyan kalaki hindi kayat iniipit lang kayo ng hospital para maibigat agad yung outstanding balance niyo? baka naman pwede pa mapakiusapan yan hanggang martes, mahirap po talaga kung tutusin kung saan pupulitin yung pera na yan sa ganyan kadali, kahit abutin kpa ng martes mahirap ma reach yung almost 100k plus na bill tapos madagdagdagan pa ng 20k everyday, pero alam mo sa totoo lang kung wala talaga kayong pambayad hindi naman kayo pweding pilitin ng hospital na makabayad kung hindi talaga kaya ih, ang maipapangako niyo lang talaga is mababayaran yan soon, sa paraa nga ng paglapit mo sa ngo, or lgu
 
Yun nga po ang Nasa Isip ko Imbis na Yung Pinang papamasahe ng kapatid ko papuntang Munisipyo pandagdag sa Bayarin . parang Tuwang Tuwa pa sila sa nangyayari saamin

pwede kayo mag file muna ng "promissory note"
atska yung 20k per day... ano ba yang hospital? 5 star hospital parang rent ng room sa 5 star hotel?
 
seryoso po 20k per day? 😱 private po ba yan? ba't naman ganyan kalaki hindi kayat iniipit lang kayo ng hospital para maibigat agad yung outstanding balance niyo? baka naman pwede pa mapakiusapan yan hanggang martes, mahirap po talaga kung tutusin kung saan pupulitin yung pera na yan sa ganyan kadali, kahit abutin kpa ng martes mahirap ma reach yung almost 100k plus na bill tapos madagdagdagan pa ng 20k everyday, pero alam mo sa totoo lang kung wala talaga kayong pambayad hindi naman kayo pweding pilitin ng hospital na makabayad kung hindi talaga kaya ih, ang maipapangako niyo lang talaga is mababayaran yan soon, sa paraa nga ng paglapit mo sa ngo, or lgu
Mahal talaga pag naka incubator paps 😢😢😢😢

Yung kaibigan ko nga paps, umabot ng milyon babayarin, kaso, namatay yung baby nya. 😭
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top