What's new

Help Junior Software Engineer Question - Ano gagawin pag nasira ko ang production?!?!

Joined
Mar 22, 2022
Posts
5
Reaction
13
1st month ko ngayon sa kumpanya at tapos ng yung mga onboarding procedures at inassign na sakin yung first ticket ko.

Nung nagawa ko na locally yung naka assign sa akin nakipag collaborate ako sa Quality Team at binigyan na ako ng approval para gumawa ng Pull Request (PR) sa DevTest environment namin at inapprove agad ng Senior Engineer at Lead Developer yung pull request ko kaya nung na merge ko na, agad naman akong naki collaborate sa Quality Team ulit para i test sa DevTest environment.

Nung nag test kami sa DevTest environment, pasado siya sa lahat ng cases kaya binigyan na ako ng approval para gumawa ng Pull Request (PR) sa Production environment at nag pa code review at inapprove rin nung Senior Engineer at Lead Developer at dineploy na sa Production. Dun na nagsimula yung problema, lahat ng mga orders ng customers ay nag e-equal sa null sa database tas yung pera ay hindi dumaan sa payment gateway service na ginagamit ng kumpanya pero sa end ng customers lumalabas na "Payment Successful" kahit hindi naman talaga.

06:30 A.M - Deployment
~03:30 P.M - Dito pa lang nalaman na may problema sa Production
~03:45 P.M - Sabi ng IT Support na ako lang daw ang may dineploy na changes kaya nag collaborate ako sa kanila para makita yung rootcause.
~04:15 P.M - Naka open yung visual studio ko dinedebug yung bawat lines at mga functions na naapektuhan.
~04:20 P.M - May pumasok na dalawang security guard sa kumpanya yung isa dun pumunta sa workstation ko at biglang inoff yung computer, binunot at kinuha yung mouse at keyboard tas yung dalawa pinapasok ako sa office ng HR at area ng mga boss.
~04:30 P.M -
Pinagsisigawan ako ng briton na boss at sabi sakin ng HR ay kakasuhan daw nila ko dahil sa company loss at sabotage.
Yung isang boss naman na amerikano pinagbabatukan ako ng dalawang beses sinabihan pakong indio.
Pag labas ko nag meeting lahat ng mga team, sinabi ko tinest yan mula Local, DevTest, at Production ng Quality Team at approval ng code review mula sa mga senior at lead developers.

Habang nasa meeting pinagkaisahan nila ako, sabi nila, ibang feature daw yung pinresent ko sa kanila at pinareview pero isa lang naman talaga naka assign sakin at hindi directly related yung changes ko dun dahil yung naka assign lang naman sakin ay:

1. Remove the Marquee tags within the HTML of the Payment Page.
2. Centralize all the texts using the Design System of the company.

Nag git compare din ako, wala talaga akong nagalaw sa backend, puro HTML lang, wala rin akong ginalaw ng keys.

Walang kinalaman yung changes ko sa backend pero dahil ako lang ang huling nagupdate sa production, sakin lahat nasisi, habang nasa meeting nag offer ulit ako kung pwede bang i revert yung changes ko sa production, nung nirevert ng senior engineer, hindi pa rin gumagana yung production, galit na galit yung amerikanong boss nung pumasok sa meeting room tas nagdabog sinigaw pa sa muka ko na "Get the f**k out of here!" kaya umalis na lang ako. Is-suggest ko sana kung pwedeng i contact yung 3rd party baka dun yung problema pero d ko na alam anong nangyari.

D ko na alam gagawin ko, sabi pa sakin ng HR na at least 3 million daw yung nawala na most likely babayaran ko raw.

D ko rin alam kung papasok ako sa Wednesday dahil naka lock lahat ng account ko pati yung attendance app na ginagamit namin ay wala na akong access.

Ayaw ko po makulong :'(
 
the **** di biro yung 3M ah, dalawa lang pwede na mangyari sayo:
  • continuos ka pa rin papasok pero di ka na swelduhan hanggang mabayaran mo 3M baka dyan kana tumanda, limited na lang din galaw mo dyan.
  • ipapa blacklist ka, tapos pababayaran sayu ng cash yung 3M

payo ko sayo kuha ka na ng private atty kung wala budget sa PAO para mabigyan ka ng mas magandang advise
 
patay ka jan pero mukang dmo kasalanan kase simple lang naman task mo tas biglang nag ganyan...
malamang may ibang naka sira ng system nyo tas nag ka taon na ikaw yung huling gumalaw jan kaya ikaw talaga mapag bibintangan...
 
punta ka na sa public attorney's office or ipost mo sa reddit, mas knowledgable mga tao doon, punta ka sa #forbidden#, basta may tamang community, sila makakaadvice sa'yo.

don't admit to anything, maybe nagkamali ka and you're not aware to your mistakes.

or maybe hindi ka nagkamali and ikaw sumalo lahat ng sisi because ikaw ang huling gumawa ng changes. Tandaan, It's a TEAM PRODUCTION not an INDIVIDUAL PRODUCTION. Ikaw ang huling namonitor na gumawa ng changes, ikaw agad sinisi.

you're taking the blame samantalang marami kayo.

pero not sure, wala naman ako dyan eh.

Pumasok ka sa work kasi baka mas lalo ka pa kasuhan, Hintayin mo na sisantihin ka.

Wag ka pumirma basta basta basahin mo mabuti baka may ipapabayad ng 3M yan tapos napirmahan mo lagot ka.
 

1nn0c3ntv5

Enthusiast
The admins of this forum might ban me for profanity but I suggest that you leave ASAP.

TLDR: That workplace is toxic as ****. Resign IMMEDIATELY OR wait for them to remove you.

Here are the things that I want to point out:

1. Liability
You do not have a liability there. Your was code reviewed by your Senior Software Engineer and Lead Developer TWICE before deploying to production and it was also tested by your Quality Team TWICE before deploying it to production. If they truly plan to pursue legal actions against you, I suggest that you document everything starting from the branches that you created, git logs, and even the hashes.

You will only have a liability there if you directly inserted your changes into the client/production without informing the team, tech lead, and/or senior engineers.

2. Workplace Harassment
Binatukan ka? Sinigawan ka? **** ka ba? Dapat binugbog mo.
Whether you are right or wrong your employer doesn't have any right to do that to you and they have the guts to threaten you? Kung ako yung ginanyan binanatan ko yan tas pag untugin ko yung mga HR, Tech Support, Seniors, at Leads kasama yung boss mong *****.
IT Company man o hindi, you are still in a professional workplace, wag kang papayag na binabastos ka. Pumasok ka sa Wednesday at titigan mo sila ng mabangis habang binibigay mo resignation letter mo.

3. Assets
At least 3 million in a span of 9 hours? Hindi ako naniniwala sa kabullshitan ng HR. Maniniwala pa ako kung 1 week na sira ang system. Pero 9 ****ing hours? Almost Mid-Big Tech Companies lang kaya maka generate ng ganyan in that kind of timeframe. Considering na may pagkabobo yung Support Team at Quality Team ninyo I doubt na big tech company yan. Itanong mo rin sa kanila kung paano nila na compute ang "at least 3 million" kuno in 1 day.

4. Reverted Changes
Your changes were reverted but the reported problem still persists in production. Hindi ba nagtaka yung 'matalino' ninyong Tech Support at engineers?

Since yung HTML lang ginalaw mo at nag double check ka sa mga committed changes I doubt na yung problema ay nandun sa changes mo. Kung may binago ka sa backend o kaya sa mga scripts baka may factor pa yun. Isisisi pa sayo na nag down ang payment gateway dahil sa pag tanggal ng isang <marquee> tag na deprecated na medyo malayo ang relasyon. Punyemas, buti naisipan ng 'matalinong' senior engineer ninyo ang pag tanggal ng mga marquee tags, grade 6 pako nilalaro ko na yan may background color pa.

Suggestion ko sayo check mo yung mga commit history, baka may nag rekta commit-deploy na kupal tas hindi nagsalita para ikaw ang masisi.

5. Payment Successful
Double check mo bakit nag pop-up ang "Payment Successful" baka may basurang developer ang kumpanya ninyo na hindi marunong mag handle ng mga requests at hindi binasa ang documentation.

Also check your 3rd party providers, madalas mangyari na nag end na pala ang service or hindi nabayaran ng kumpanya yung subscription kaya hindi gumagana o kaya naman may major changes silang naimplement.

6. Contracts / Agreements
General rule kapag may bullshitf*ckery na nagaganap sa isang kumpanya: NEVER SIGN ANYTHING.
Kapag may binigay na papel sayo kunin mo lang, huwag na huwag mong pipirmahan. ASK FOR A PROFESSIONAL LEGAL ADVISE. Hanap ka ng abogado mo. Huwag dito, huwag samin, huwag sakin. Sa tunay na abogado dapat.

---

TIP
1. Pag may nasira sa production hindi mo kasalanan yan individually. Lahat kayo may kasalanan.
2. Breaking the production is normal nagtataka ako bakit big deal sa mga devs ito. Kahit senior engineers nasisira nila ang production, actually, bago ka maging senior engineer marami kang masisira. I would congratulate you if you truly broke the production, it just means that you're improving.

---

Sa Wednesday may tsansa na babawiin nila ang sinabi nila sayo. Huwag ka papayag, kasuhan mo. Siniraan ka, binatukan ka, at sinigawan ka tas quits na lang? Payag ka nun? Bawian mo ng malala hanggang magsisi sila sa kagaguhan nila.
 

dark_cloud

Enthusiast
Local-based ka ba?

Kung nangyari talaga yung mga events na: pulled out ka forcibly sa desk mo at binatukan ka. That is tantamount to harassment. I-revisit mo yung contract mo.

Did you make any further code changes AFTER your seniors already approved your code?
 

Impostor Syndrome

Honorary Poster
Juniors are prone to commit mistakes. kahit san industry ka pa. Dapat and napapagalitan jan ay yung mga Senior Devs at hindi ikaw. Kahit mag-file ng case yang company against sayo sila pa rin ang matatalo jan dahil JUNIOR ROLE ang position mo jan.

Foward mo nga tong concern mo sa r/pinoyprogrammer subreddit. Might be great if you could tell us the Company name para maging aware ibang Devs sas pangit na environment ng company na to.
 
Last edited:

dee-u

Elite
Its either hindi mo sinabi yung buong kwento dito o may sabotahe/negligence na nangyari. Right there and then I puwede naman i-code review sa harap ng mga boss ninyo yung nai-push mong code para malaman kung yun ba talaga ang dahilan kung bakit nagkaroon ng problema ang production.
 

dmartinez_01

Grasshopper
kahit senior devs nagkakamali din a Production, with thorough site/app observation after commit malilimit ang damage or losses, only code history of commits will say and prove who and where is the culprit. Been there, more than 10 times when I am still working in an ecommerce company.
 

2pepot

Addict
I assume na corporate naman sa inyo. You can coordinate with your Network Operations department to rollback on particular date of the image backup of your prod server. Do the same if may database yung app nyo, coordinate to DBA dept.

And to prevent these kind of mistakes and also to track your codes, your dev team should use version control. GIT, SVN, Mercurial etc. SOP po yan sa dev team. Sure ako jn makikita sa logs kung sino nag commit, walang sabotage na ganap lods.

A simple but proper separation of concerns in your company will make your life easier, ten folds.
 
Nag punta po ako dun sa company pero d po ako pinapapasok ng security guard, nag c-contact ako sa HR pero wala pong sumasagot kahit sa email. Naka hold pa rin po yung salary ko wala pa rin akong natatanggap. Kahit yung manager nag send po ako ng email hindi rin po ako nireplyan.
 

jstrlx

Forum Veteran
grabe. ganon kabigat ang naging outcome tapos ikaw lang sisihin. may senior ka. may mas mataas sa iyo na nag approve o alam yung work mo. dapat team kayo jan pag ganyan kalaking work. i mean lawak ng responsibilities.

cguro terminated ka na. kapag ganyan. palamig ka muna. ang bigat. ang init ng sitwasyon.

kaya ka di makatulog or stress. kasi iniisip mo noh? binabalikan mo yung time na andun ka. kung ano step o saan ka pwede magkamali at sinusundan mo sa isip yung flow ..

wag naman sana umabot sa ganun demanda at pagbayarin ka pa. grabe naman sila. wala nman yata sa contract nyu yan. pero mahirap kalaban ang company kapag ganyan. lagi papabor sa kanila.

hays. hirap pero kaya mo yan. takot din kasi yung mga superior at mga team mo. takot madamay. kaya hugas kamay na sila. ilalag lag ka ng mga yan. para iwas pusoy sila..

goodluck po. kaya mo yan.
 
Top