What's new

Help Jowa kong Cheater

pirates23

Honorary Poster
Mag 7 years na sana kame this April, pero nung January this year nanghingi sya ng space , gusto daw nya ayusin muna buhay nya kasi pabigat daw sya sakin (naintindihan ko kasi stress lagi sya sa work)

Nung 3 years palng kame nahuli ko na sya sa phone na may kachat at kameet na iba, I confronted him, sabi ko tatawagan ko ung kalaguyo nya at kakausapin ko, sabi nya wag na daw kasi wala lng namn daw un, wag ko nalng daw tawagan un nakakahiya daw,nkikipag hiwalay na ako nun, pero sabi nya magbabago na daw sya, hndi na daw nya uulitin, at dhil nga mas matanda ako ng 4 years naisip ko dapat mas maintindhin ako, kaya nagtuloy kame eventhough alam kong may lamat na

then cguro after a year nahuli ko ulit sila nagkakachat, nagkikita, pero ganun ulit naging maintindhin ako

then last year gumawa sya ng dummy account nya hndi ko alam kung bakit pero ramdam ko, dun sya gumagawa ng kalokohan nya, hndi ko na sya kinonfront dineadma ko nalng sabi ko bahala na

then netong january nga naging problematic na sya sa work, nababagot, nauurat sa bahay nila, ako may work din ako busy kame pareho minsan nahihila nya emtotions ko kaka sabi nya ng problems nya na nauurat sya sa d nya alam ang dhilan, hanggang humingi nga sya ng space, pumayag namn ako baka yun nga kailangan namin pareho, sabi nya pag nalampsan daw namin ito mas magiging strong daw relationship namin

update: (yun pla may kinahuhumalingan na sya, nagchecheckin sila, nagstart last year pa pala, nag a i love you-han pero hndi sila) habang binabasa ko ung messages nila, parang dinudurog ****** pala, ganun pala feeling as in tutulo nalng luha ko habang nagbabasa

cguro naboring sakin, bahay lng namn ako as im a software engineer, subsob sa computer lagi ding stress, tumaba na din dahil pandemic hahaha ,tas kalaguyo nya call center ata, lagi sila may time after ng work nila

sa 6+ years namin persistent sya, every weekend dito sa bahay natutulog lumalabas kame,mnsan nagpapadala ng mga foods via delivery, every night tumatawag, nag start last year pang gabi na ako at pang umaga, hndi ko na gaano nasasagot tawag nya kasi busy na ako sa work cguro un dn naging dahilan kaya sya nagkaganun

at ngaun dumalaw sya sakin, kumain kame sa labas, nung iconnect ko sya sa wifi ko, may nagmessage binuksan ko, nabasa ko nag aaya sya ng outdoor *** sa katext nya if di ako nagkamali ng alala sa number un din katext nya nung 3+ years plng kame

mahaba ung convo nila pero dko na binasa, may kirot sa una pero inisip ko wala namn na cguro akong pangahhawakan kasi nag cool off kame, at cguro yun din reason nya kaya gusto nya ng cool off, cguro libog lng yun at lilipas din

umaasa kasi ako na magkakabalikan pa kame, may mga pangarap pa ako para saming dalawa, mag iibang bansa put up a business gusto ko sabay kame aasenso kaya khit masakit para sakin na mag cool off kame , inintndi ko

pero ngaun naisip ko parang nawalan na ako ng pag asa - na magkabalikan kame dahil sa nabasa ko, hndi koalam kung iintndihin ko ba sya ulit, dahil alam ko may mga pagkukulang din namn ako

ano ma aadvice nyo po?
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top