What's new

Its all about sleep paralysis

Status
Not open for further replies.
same tayo ah haha may takot din ako sa insecto lalo na sa gagambang malaki haha btw sa sleep paralysis isa din sa dahilan ay pagod at stress yan ang naging sanhi kaya na sleep paralysis ako
 
Gara eh no hahahaha. Isang beses nung baguhan pa ko sa sleep paralysis, nakatulog ako ng hapon sa sofa namin, nakikita ko yung ex ko nasa bandang uluhan ko nagfafacebook sa phone tas tinatawag ko siya pero hindi ako naririnig. Matagal ko rin siya tinatawag umabot siguro 4 to 6 mins bago ko nagising sarili ko. Nung tinanong ko siya kung narinig ba niya ko magsalita sabi niya hindi raw. Tinanong ko pa siya kung nakita ba niya ako dumilat kasi nakikita ko nga siya habang under ako ng sleep paralysis. Sabi niya hindi raw ako dumilat kahit saglit lang, hindi rin daw ako gumalaw hahahaha. Ang weird lang kasi nakikita natin mga bagay sa paligid natin habang nasa sleep paralysis tayo pero nakapikit pala tayo nun hahahaha
 
Never pa 'to nangyari sakin, pero dalawang beses nangyari sa dalawa kong ka dorm.

Yung una, katabi ko lang sya tapos gusto nya daw ako kalabitin para magising ako, di naman ako nagising.

Yung pangalawa nasa double deck kami, ako yung nasa taas sya yung nasa baba, hindi ulit ako nagising. Sorna guys. 😂
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top