What's new

IT (tambay sa mga gusto magshare at matuto)

s1lkyr0ad

Forum Veteran
Noob IT here.
Making this thread for OG who would like to share their expertise/experiences to noobs and aspiring IT
or career shifters who wants to enter the IT industry.

Strictly IT topics ONLY!!!

Let me start by sharing what we have in our company.
Considered as SME lng kami, call center.
And mostly sa SME, limited budget, kaya mapipilitan ka maghanap ng mga open source apps, etc...

In our case, importante ang email system. Before, ang gamit namin ay hosting lang sa godaddy (cpanel), kaso sa environment namin, need mag email blasting.
Ang nangyayari either lagi kami blacklisted dahil sa spamming, or madaling mapasukan ng virus.

Hindi rin option ang mag avail sa microsoft or gsuite, etc., kasi per user ang subscription, mahal, sa amin kasi IN and OUT ang employees meron 1 month lng, so di worthit mag avail per user. Plus hindi guaranteed at dndiscourage nila ang email blasting.
So gumawa kami ng on-prem mail server, ZIMBRA.

Ang advantage, unli create ng user, maraming customizations like lahat ng emails sent ng agents pwede mo ma view. kahit idelete nila sa kanilang end meron ka paring copies.
Isa sa nirequire to ng company kasi may ibang agents na nagnanakaw lng ng leads tapos exit sa company.

Eto yung GUI nya.
z.png


Server specs:
*i5
*16gb RAM
*2TB HDD
*centos 7
Need mo din mag implement ng mga DNS records (A, SPF, DKIM, DMARC) para maging solid ang server nyo.

Meron din kaming email gateway, pang filter ng mga viruses, bago papasok mga incoming emails sa server, daan muna sa email filter.
Meron kaming 2 ISP's and availed both /29 public IP. so if ever ma blacklist kami sa ISP1, change muna to ISP2 habang on the process ka mag liniis sa blacklisted IP.


---------------------

Eto lng muna sa ngayon. I hope may mga OG mag share dito ng mga implementations nila sa companies nila pra ma apply din natin sa atin. :)
 

Attachments

Baka po may makatulong or idea kung paano makapag set-up ng simple server.

Gusto ko sana implement sa office namin na may sariling kaming server kaso wala akong idea kung paano mag start.

sa company namin is may 20 employees


ang gusto ko sana mangyari is

1. may sariling kaming folder or file na pwede i access kung saan lahat ng transaction is doon naka save like word file,excel file.
2. may kanya kanyang email pero iisang domain.
3. may monitoring kung ano ang ginagawa sa mga pc.

sana may makatulong hehe.
 
Baka po may makatulong or idea kung paano makapag set-up ng simple server.

Gusto ko sana implement sa office namin na may sariling kaming server kaso wala akong idea kung paano mag start.

sa company namin is may 20 employees


ang gusto ko sana mangyari is

1. may sariling kaming folder or file na pwede i access kung saan lahat ng transaction is doon naka save like word file,excel file.
2. may kanya kanyang email pero iisang domain.
3. may monitoring kung ano ang ginagawa sa mga pc.

sana may makatulong hehe.
Eto lng alam ko kaya eto lng ma suggest ko,

1. Buy entry level NAS (Network Attached Storage) since maliit lng kayo. or kahit yung pang bahay lang na NAS like mga D-Link. Pero kung gusto mo talaga ng free, then may extra PC ka dyan, gawa ka ng TRUENAS. maraming tuts sa YøùTùbé madali lang. If may budget company dun ka sa mga Synology na NAS.

2. Maraming email hosting online. Pwede Google Workspace, meron din namecheap, etc... monthly subs. search nalang ano sa tingin mo mas bagay sa company nyo.
- Or pwede din same sa post ko dyan, ZIMBRA. open source, linux. subukan mo lng. totally free. pero need nyo bumili ng static ip sa ISP.

3. Gamit ko dati eto - Net Monitor for Employees Professional. parang cctv sa pc. lahat ng ginagawa live ng mga pc kitang kita mo. lol. may *****ed neto, pero syempre ingat2 lng sa mga *****.

 
Back
Top