What's new

Help IT graduate need tips

pokarisweat

Addict
Joined
Feb 15, 2018
Posts
8
Reaction
2
Points
64
Hi everyone.

I'm an IT graduate class of 2011. Nung grumaduate ako nagstart ako agad magwork sa call center dhil sa pangangailangan ng family ko hence di ko napursue pagiging IT/programmer. Nung panahon ko din kasi wala akong makitang company na naghihire ng freshgrad and again need ko agad magwork agad dhil sa financial status namin. Ngayon narealize ko na gusto ko na bumalik sa field ng IT though ang problema ko is wala na ako idea sa mga programming language na gngamit ngayon at kung saan magsisimula. Any tips kung saan ako magsisimula and paano ako mkakabalik? Salamat and respect po sana. :)
 
ayun same tayo nag-call center din ako tapos nakabalik naman sa programming, tho mas mababa sahod ko ngayon compared sa call center...
sa jobstreet lang ako naghanap yung malapit sa amin, medyo magsstart ka talaga ulit as entry level,
review review ka muna ngayon kung ano gusto mong applyan, tapos pag may nag interview na saka mo aralin kung ano ang kailangan nila, madami kasi masyado programming language kaya ikaw mag-aadjust kung ano need ng company na applyan mo
 
Thanks po. Okay nagsstart na ako magreview ng languages. Pero better nga siguro kung magstart ako aralin pag nakakita na ako company na maghire sakin. Baka masayang ung time ko pagaral sa isang language tpos di naman pala yun ung hanap nila. Or other way is maghanap ako ng company na gamit is same language na napagaralan mo though tingin ko masmahirap un. Hehe
ayun same tayo nag-call center din ako tapos nakabalik naman sa programming, tho mas mababa sahod ko ngayon compared sa call center...
sa jobstreet lang ako naghanap yung malapit sa amin, medyo magsstart ka talaga ulit as entry level,
review review ka muna ngayon kung ano gusto mong applyan, tapos pag may nag interview na saka mo aralin kung ano ang kailangan nila, madami kasi masyado programming language kaya ikaw mag-aadjust kung ano need ng company na applyan mo
 
Suggestion ko sayo TS is to review what you've learn during your college days, at syempre aralin mo din kung anong path ang tatahakin mo. Example you want to learn backend development. you should pick a tech stack that focus on that path. In todays age, all resources are available in the internet kaya lahat possible na :)
 
Vb 6 ang focus namin nung college days. Though not sure if maganda pa siya sa market now. Hehe. Salamat po sa tip
 
Vb 6 ang focus namin nung college days. Though not sure if maganda pa siya sa market now. Hehe. Salamat po sa tip
to give you one more tip, hindi importante ang programming language ang gamit mo ang pinakamahalaga sa programming is yung algorithm skills mo :) focus more on transferable skills rather than a specific language :) Happy Coding!
 
java, python, php + sql(for database) yan kasi mga in-demand ngayon. focus ka lang muna sa isang language lods, pare-parehas lang kasi sila ng structure halos lahat naman na kasi ng programming language ngayon object-oriented na. ang masa-suggest ko lang is Python, mas madali sya maintindihan
 
HTML + CSS then rekta na PHP idol 6 months mo may patutunguhan kana .. 3 to 6hrs coding . or check mo yung YøùTùbé channel ni MOSH .. may cheat sheet sya dun kung pano mo mapapadali at ano yung mabisang tech nganyun
 
Similar threads

Back
Top