What's new

IT ba or CS

Sonata

Forum Veteran
Joined
Apr 1, 2022
Posts
696
Solutions
18
Reaction
3,035
Points
676
thesis defense tapos work immersion nalang college student na ako, yay! kaso, anong course ba maganda kunin? IT or CS? pahingi naman ng input sa inyo mga college students/graduates. ano yung experience sa courses na yan? thank you!
 
i prefer Computer Science over IT since it's more focused as compared to IT which is so generic
 
hindi lods mas gusto ko sana yung personal anecdotes
Ang CS kasi lods naka focus sa mismong pag gawa o pag disenyo ng computer program while ung IT sya ung magmemaintain at mag ayos ng computer at IT din ang in charge sa pagpapatakbo at paggawa ng system at data base. Sila ung tumitingin kung nagpa function ng tama ang mga bagay bagay sa isang computer.

By the way, 2 years lng tinapos ko sa IT bago mag shift at nag graduate sa ibang kurso. Isa na akong government employee at nagagamit ko ang dalawang kurso sa aking trabaho. At iyun ang edge ko sa mga kasamahan ko.
 
anong course ka nag shift lods? tapos bakit ka nag shift?
 
BSHRM tinapos ko lods. During my IT days kasi kasagsagan ng Dota. Kaya ayun mejo nawala sa focus. Tinigil ko mag computer para di ako matukso mag dota. So ayun BSHRM tapos nag apply ako sa isang opisina ng government. Nakapasok ako at pinag exam civil service. Sa awan ng Diyos, pasado. Pa compu computer lang ng daily weather report, earthquake report sa office.
 
IT kunin mo branch nalang ng IT yang CS. Mas malawak na ang IT madami ka ma eexplore at mas mabibigyan ka ng knowledge sa mga sub branches ng IT na pde mahanapan ng opportunity kung ikaw ay mag tratrabaho na.
 
yun din iniisip ko eh. madaming branches it na pwede ma explore, pero may nagsabi saken na minsan ang hanap ng employers yung specialized talaga kaya cs daw maganda sa ganon
 
minsan lang naman pala, tsaka wala naman pakealam mga employers kung ano tinapos mo kung IT ba or CS kase skill based naman yan, pa uupuin ka at titignan kung ano yung output mo. Para lang yang Army at Marine, pareho lang marunong gumamit ng armas. Mas flexible parin sakin IT. POV ko lang naman ito bilang isang IT
 
ahh ganun pala. salamat lods super valuable ng insight mo
 
Similar threads

Back
Top