What's new

Isko Moreno Dumagoso admits defeat

As of May 10 2022
Isko Morene Dumagoso willingly admits Defeat and give thoughts about the election results, also congratulates the winners of Eleksyon 2022.


Maliwanag na ang pinili ng higit na nakararami sa ating mga kababayan ay si dating senador, at ngayon ay President-elect Ferdinand Marcos, Jr. at ganun din si Vice President-elect Sara Duterte. Malugod ko pong binabati ang mga bagong halal na pinuno ng ating bansa.

Sa aking mga tagasuporta, mga bumoto sa akin, at sa ating mga kababayan, ito ang panawagan ko: kailangan nating magkaisa at tulungan ang bagong pinili ng ating mga kababayan. Kailangan nating magtagumpay pare-pareho. Hindi po magtatagumpay ang mga bagong halal ng bayan kung tayong mga mamamayan ay hindi makikiisa.

Ako ay nananawagan, huwag tayong makikibahagi sa anumang gulo, anumang alingasngas, at dapat nating bigyan ng pagkakataon ang bagong administrasyon para pamunuan ang bansa.

Kailangan tayong magkaisa bilang mamamayan para magtagumpay ang ating bayan. Katulad nga po ng paulit-ulit kong sinasabi, walang magmamalasakit sa ating bansa at magtutulungan kundi tayo ring mga kapwa Pilipino.

Pagpalain nawa ng Diyos ang ating bansa.
-As Moreno said

 
To add to that:

“Tayo na mga mamamayan ay may responsibilidad na suportahan, tumulong, at makiisa sa mga gawain, layunin, ng susunod na administrasyon. ‘Wag tayo, ako ay nanawagan, ‘wag tayo makikibahagi sa ano mang gulo, ano mang alingasngas, o ano mang hindi pagkakasunduan,” Moreno said in Facebook live.

“We have to give chance to a new leadership. Opo. Kailangan tayo bilang mamayan para magtagumpay ang ating bansa, kailangan tayo ay nakikisa. Sapagkat, mga kababayan, uulitin ko, tayo ay iisang bangka lamang,”
-he added.

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 

Similar threads

Back
Top