What's new

Closed Isang Mensahe Para sa Buong Daigdig Malapit Na ang Wakas ng Huwad na Relihiyon!

Status
Not open for further replies.

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,537
Reaction
7,198
Points
2,914
▪ Ano ang huwad na relihiyon?


▪ Paano ito magwawakas?


▪ Ano ang magiging epekto nito sa iyo?


Ano ang Huwad na Relihiyon?


Nababahala ka ba sa mga krimeng ginagawa sa ngalan ng relihiyon? Nagagalit ka ba at nakadarama ng kawalang-katarungan dahil sa digmaan, terorismo, at katiwaliang ginagawa ng mga nag-aangking naglilingkod sa Diyos? Bakit kaya waring relihiyon ang ugat ng napakaraming problema?


Ang dapat sisihin ay, hindi ang lahat ng relihiyon, kundi ang huwad na relihiyon. Sinabi ni Jesu-Kristo, isa na pinagpipitaganan ng maraming relihiyon, na nagluluwal ng masasamang gawa ang huwad na relihiyon, kung paanong ang “bulok na punungkahoy ay nagluluwal ng walang-kabuluhang bunga.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Anong bunga ang iniluluwal ng huwad na relihiyon?


Ang Huwad na Relihiyon ay . . .


NAKIKIALAM SA DIGMAAN AT SA PULITIKA: “Sa Asia at sa ibang dako,” ang sabi ng babasahing Asiaweek, “walang-pakundangang minamanipula ng gutom-sa-kapangyarihang mga lider [ng relihiyon] ang pagiging relihiyoso ng mga tao para sa kanilang sariling interes.” Dahil dito, nagbabala ang babasahin: “Waring nanganganib nang mabaliw ang daigdig.” Ganito ang sinabi ng isang prominenteng lider ng relihiyon sa Estados Unidos: “Kailangan mong patayin ang mga terorista para matigil ang patayan.” Ang kaniyang solusyon? “Patayin silang lahat sa ngalan ng Panginoon.” Sa kabaligtaran, sinasabi ng Bibliya: “Kung sasabihin ng sinuman: ‘Iniibig ko ang Diyos,’ at gayunma’y napopoot sa kaniyang kapatid, siya ay sinungaling.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sinabi pa nga ni Jesus: “Patuloy na ibigin ang inyong mga kaaway.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Gaano karaming relihiyon ang alam mong sumasali sa digmaan?


NAGPAPALAGANAP NG HUWAD NA DOKTRINA: Itinuturo ng karamihan sa mga relihiyon na ang kaluluwa o espiritu ay isang di-nakikitang bahagi ng katawan ng tao na nananatiling buhay pagkamatay ng pisikal na katawan. Dahil sa turong ito, napagsasamantalahan ng marami sa mga relihiyong ito ang kanilang mga miyembro. Nagpapabayad sila para ipagdasal ang diumano’y mga kaluluwang lumisan. Subalit iba ang itinuturo ng Bibliya. “Ang kaluluwa na nagkakasala—iyon mismo ang mamamatay.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) “Batid ng mga buháy na sila ay mamamatay; ngunit kung tungkol sa mga patay, sila ay walang anumang kabatiran.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Itinuro ni Jesus na bubuhaying-muli ang mga patay—isang bagay na hindi na kailangang gawin kung may imortal na kaluluwa ang mga tao. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Itinuturo ba ng inyong relihiyon na ang kaluluwa ay hindi namamatay?


KUMUKUNSINTI SA IMORALIDAD: Sa mga lupain sa Kanluran, pinapayagan ng mga relihiyosong grupo na maging mga pari ang mga miyembro nilang bakla at tomboy at hinihikayat ang mga gobyerno na kilalanin ang pag-aasawa ng mga magkapareho ang kasarian. Maging ang mga relihiyon na tumutuligsa sa imoralidad ay kumukunsinti naman sa mga lider ng relihiyon na nangmomolestiya ng mga bata. Ngunit ano ba ang itinuturo ng Bibliya? Malinaw na sinasabi nito: “Huwag kayong palíligaw. Hindi ang mga mapakiapid, ni ang mga mananamba sa idolo, ni ang mga mangangalunya, ni ang mga lalaking iniingatan ukol sa di-likas na mga layunin, ni ang mga lalaking sumisiping sa mga lalaki . . . ang magmamana ng kaharian ng Diyos.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) May alam ka bang mga relihiyon na kumukunsinti sa imoralidad?


Anong kinabukasan ang naghihintay sa mga relihiyong nagluluwal ng bulok na bunga? Nagbabala si Jesus: “Bawat punungkahoy na hindi nagluluwal ng mainam na bunga ay pinuputol at inihahagis sa apoy.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Oo, puputulin ang huwad na relihiyon at pupuksain! Pero paano at kailan ito mangyayari? Ang sagot ay masusumpungan sa makahulang pangitain na nakaulat sa aklat ng Bibliya na You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..


Paano Magwawakas ang Huwad na Relihiyon?


Guni-gunihin ang eksena. Isang patutot ang nakaupo sa likod ng isang nakakatakot na hayop. Ang hayop ay may pitong ulo at sampung sungay. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sino ang inilalarawan ng patutot? May impluwensiya siya “sa mga hari sa lupa.” Ang suot niya ay kulay purpura, gumagamit siya ng insenso, at napakayaman niya. Bukod diyan, ‘inililigaw niya ang lahat ng mga bansa’ sa pamamagitan ng kaniyang mga espiritistikong gawain. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Tinutulungan tayo ng Bibliya na maunawaan na ang patutot na ito ay isang pandaigdig na relihiyosong organisasyon. Inilalarawan nito hindi lamang ang isang relihiyon, kundi ang lahat ng relihiyon na nagluluwal ng bulok na bunga.


Ang hayop na sinasakyan ng patutot ay lumalarawan sa pulitikal na mga kapangyarihan sa daigdig.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Nakasakay ang huwad na relihiyon sa makapulitikang hayop na ito, at sinisikap na impluwensiyahan ang mga desisyon nito at kontrolin ang pamamahala nito.


Gayunman, hindi na magtatagal at magaganap ang isang nakakagulat na pangyayari. “Ang sampung sungay na iyong nakita, at ang mabangis na hayop, ang mga ito ay mapopoot sa patutot at gagawin siyang wasak at hùbád, at uubusin ang kaniyang mga kalamnan at lubusan siyang susunugin sa apoy.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa isang biglaan at nakagigitlang pagkilos, babalingan ng pulitikal na mga kapangyarihan sa daigdig ang huwad na relihiyon at lubusan siyang pupuksain! Ano ang mag-uudyok sa kanila na gawin ito? Ganito ang sagot ng aklat ng Bibliya na Apocalipsis: “Inilagay iyon ng Diyos sa kanilang mga puso upang isakatuparan ang kaniyang kaisipan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Oo, pagbabayarin ng Diyos ang huwad na relihiyon sa lahat ng kasuklam-suklam na bagay na ginawa nito sa ngalan ng Diyos. Udyok ng kaniyang sakdal na katarungan, gagamitin ng Diyos ang pulitikal na mga kalaguyo ng huwad na relihiyon bilang kaniyang instrumento sa paglipol dito.


Ano ang dapat mong gawin kung ayaw mong madamay sa sasapitin ng huwad na relihiyon? “Lumabas kayo sa kaniya, bayan ko,” ang paghimok ng mensahero ng Diyos. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Oo, ngayon na ang panahon para tumakas mula sa huwad na relihiyon! Pero saan ka pupunta? Hindi sa ateismo, yamang wala rin itong kinabukasan. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang tanging mapagkakanlungan ay ang tunay na relihiyon. Paano mo makikilala ang tunay na relihiyon?


Kung Paano Makikilala ang Tunay na Relihiyon


Anong mabuting bunga ang dapat na iniluluwal ng tunay na relihiyon?—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..


Ang Tunay na Relihiyon ay . . .


NAGPAPAKITA NG PAG-IBIG: Ang tunay na mga mananamba ay “hindi bahagi ng sanlibutan,” hindi nababahagi dahil sa lahi o kultura, at sila ay nagpapakita ng “pag-ibig sa isa’t isa.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa halip na magpatayan, handa silang mamatay para sa isa’t isa.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..


NAGTITIWALA SA SALITA NG DIYOS: Sa halip na ituro ang “tradisyon” at “mga utos ng mga tao bilang mga doktrina,” ibinabatay ng tunay na relihiyon ang doktrina nito sa Salita ng Diyos, ang Bibliya. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Bakit? Sapagkat “ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos at kapaki-pakinabang sa pagtuturo, sa pagsaway, sa pagtutuwid ng mga bagay-bagay.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..


NAGPAPATIBAY SA PAMILYA AT NAGTATAGUYOD NG MATAAS NA MGA PAMANTAYANG MORAL: Sinasanay ng tunay na relihiyon ang mga asawang lalaki na ‘ibigin ang kani-kanilang asawang babae na gaya ng sa kanilang sariling mga katawan,’ tinutulungan ang mga asawang babae na magkaroon ng ‘matinding paggalang sa kani-kanilang asawang lalaki,’ at tinuturuan ang mga anak na ‘maging masunurin sa kanilang mga magulang.’ (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Bukod diyan, dapat maging huwaran sa moral ang mga binigyan ng katungkulan.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..


Mayroon bang relihiyong nakakaabot sa mga pamantayang ito? Ang aklat na Holocaust Politics, na inilathala noong 2001, ay nagsabi: “Kung mas maraming tao ang mamumuhay ayon sa ipinangangaral at isinasagawa ng mga Saksi ni Jehova, naiwasan sana ang Holocaust at hindi na sana mararanasan ng daigdig ang paglipol sa alinmang partikular na grupo ng mga tao.”


Sa katunayan, sa 235 lupain, hindi lamang ipinangangaral ng mga Saksi ni Jehova ang mga pamantayang moral ng Bibliya—namumuhay rin sila alinsunod dito. Hinihimok ka namin na hilingin sa mga Saksi ni Jehova na tulungan kang malaman kung ano ang hinihiling ng Diyos sa iyo upang masamba mo siya sa kaayaayang paraan. Ngayon na ang panahon para kumilos. Huwag mo itong ipagpaliban. Malapit na ang wakas ng huwad na relihiyon!—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top