What's new

Isa. 43:10 Ang Dios na Inanyuan at mga Saksing Pinili

Status
Not open for further replies.

Vanch1018

Eternal Poster
Joined
Feb 12, 2019
Posts
673
Reaction
290
Points
395
Isaiah 43:10 (KJV) - Ye are my witnesses, saith the LORD, and my servant whom I have chosen: that ye may know and believe me, and understand that I am he: before me there was no God formed, neither shall there be after me.

Isa. 43:10
Kayo'y aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at aking lingkod na aking pinili: upang inyong maalaman at magsisampalataya kayo sa akin, at inyong matalastas na ako nga; walang Dios na inanyuan na una sa akin, o magkakaroon man pagkatapos ko.


Sa talata, nagsasalita ang Panginoon at yan ay ang Panginoong Diyos: ang Panginoong Diyos na ‘nabuo’.tama po "nabuo"sapagkat walang Dios na inanyuan na una sa kanya o magkakaroon man pagkatapos niya.

Ito ay isang pangunahing kaalaman na matututuhan mula sa mga pahina ng buong bibliya na ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat ay hindi ‘binuo’ ng sinuman.

Aw. 90:2
Bago nalabas ang mga bundok, O bago mo nilikha ang lupa at ang sanglibutan, mula nga ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan, ikaw ang Dios.


Sa talatang ito, siya ang bumubuo o nagiging sanhi ng pagkakaroon ng lahat. Ang salitang Hebreo na ginamit ay “yaw-tsar”, ibig sabihin ay “hulmahin ang anyo” (lalo na bilang isang magpapalayok). At ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat ay ang magpapalayok.

Rom. 9:20-21
Nguni't, Oh tao, sino kang tumututol sa Dios? Sasabihin baga ng bagay na ginawa doon sa gumawa sa kaniya, Bakit mo ako ginawang ganito?
O wala bagang kapangyarihan sa putik ang magpapalyok, upang gawin sa isa lamang limpak ang isang sisidlan sa ikapupuri, at ang isa'y sa ikahihiya.


Hindi siya nabuo.Siya ay umiral mula sa kawalang-hanggan.Walang kaisipang pang-tao ang makakaunawa sa kawalang-hanggan o may kinalamang eternidad!

Ang Panginoong Diyos, sa Isaiah 43:10 ay nabuo.Walang Diyos na inanyuan bago Siya; ni magkakaroon man pagkatapos Niya.Siya ang Isa na nakikipag-usap sa mga makahulang saksi na kanyang pinili.Muli nating sipiin ang Isaias 43:10:

Isa. 43:10
Kayo'y aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at aking lingkod na aking pinili: upang inyong maalaman at magsisampalataya kayo sa akin, at inyong matalastas na ako nga; walang Dios na inanyuan na una sa akin, o magkakaroon man pagkatapos ko.


Binabanggit ng propesiya ang dalawang magkaibang entidad: Ang tagapagsalita, na tinatawag na Panginoon o ang Diyos na nabuo at ang Kanyang mga saksi na Kanyang pinili.Ang talatang ito ay hindi maaaring mailapat kailanman sa sinuman maliban sa katauhan ng ating panginoong Jesucristo at sa Kanyang mga apostol.Ang ating panginoong Jesucristo ay isa ring Diyos.

Jn 1:1-3
1 Nang pasimula siya ang Verbo, at ang
Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.

2 Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios.

3 Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya.


Siya ay nabuo o ang Diyos ang may ibig na umiral siya sa Kanyang pinaka d!bdib o sinapupunan or "bosom"

Jn. 1:18
Walang taong nakakita kailan man sa Dios; ang bugtong na Anak, na nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kanya.


Ang Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat ang nagsilang sa kanya o nanganak mismo sa Kanya.

Heb. 5:5
Gayon din si Cristo man ay hindi nagmapuri sa kaniyang sarili upang maging dakilang saserdote, kundi yaong sa kaniya ay nagsabi, Ikaw ay aking Anak. Ikaw ay aking naging anak ngayon:


Si Jesucristo ang personipikasyon ng Karunungan ng Diyos.

1 cor. 1:24
Nguni't sa kanila na mga tinawag, maging mga Judio at mga Griego, si Cristo ang kapangyarihan ng Dios, at ang karunungan ng Dios.


Ito rin ang Karunungan na nagpadala ng mga propeta at mga apostol.

Luc. 11:49
Kaya nga, sinasabi naman ng karunungan ng Dios, Magsusugo ako sa kanila ng mga propeta at mga apostol; at ilan sa kanila ay kanilang papatayin at paguusigin;


Ito ang parehong karunungan na nagsasalita sa aklat ng Kawikaan 8:22-31 at nagsabi:

Kaw. 8:22-31
22 Inari ako ng Panginoon sa pasimula ng kaniyang lakad, bago pinasimulan ang kaniyang mga gawa ng una.

23 Ako'y nalagay mula noong araw mula ng walang pasimula, bago nalikha ang lupa.

24 Ako'y nailabas ng wala pang mga kalaliman; nang wala pang mga bukal na sagana ng tubig.

25 Bago ang mga bundok ay nalagay, bago ang mga burol ay ako'y nailabas:

26 Samantalang hindi pa niya nililikha ang lupa, ni ang mga parang man, ni ang pasimula man ng alabok ng sanglibutan.

27 Nang kaniyang itatag ang langit nandoon ako: nang siya'y maglagay ng balantok sa balat ng kalaliman:

28 Nang kaniyang pagtibayin ang langit sa itaas: nang maging matibay ang mga bukal ng kalaliman:

29 Nang bigyan niya ang dagat ng kaniyang hangganan, upang huwag salangsangin ng tubig ang kaniyang utos: nang kaniyang iayos ang mga patibayan ng lupa:

30 Nasa siping nga niya ako na gaya ng matalinong manggagawa: at ako ang kaniyang ligaya sa araw-araw, na nagagalak na lagi sa harap niya;

31 Na nagagalak sa kaniyang tinatahanang lupa; at ang aking kaaliwan ay sa mga anak ng mga tao.


Samakatuwid, ang mga saksing binanggit sa Isaias 43:10 ay walang iba kundi ang mga Apostol; at ang Diyos kung kanino sila saksi samakatuwid bagay ang Panginoong Jesucristo — ang Diyos na "nabuo."

Gw. 10:38-41
38 Sa makatuwid baga'y si Jesus na taga Nazaret, kung paanong siya'y pinahiran ng Dios ng Espiritu Santo at ng kapangyarihan: na naglilibot na gumagawa ng mabuti, at nagpapagaling sa lahat ng mga pinahihirapan ng diablo; sapagka't sumasa kaniya ang Dios.

39 At mga saksi kami sa lahat ng mga bagay na ginawa niya sa lupain ng mga Judio, at sa Jerusalem; na siya nama'y kanilang pinatay, na siya'y ibinitin sa isang punong kahoy.

40 Siya'y muling binuhay ng Dios nang ikatlong araw, at siya'y itinalagang mahayag.

41 Hindi sa buong bayan, kundi sa mga saksi na hinirang ng Dios nang una, sa makatuwid baga'y sa amin, na nagsikain at nagsiinom na kasalo niya, pagkatapos na siya'y muling mabuhay sa mga patay.


Napakalinaw sa mga naunang talata na ang mga saksi na pinili ng Diyos at ni Jesucristo ay ang mga Apostol, kung saan ipinahayag ng Diyos ang persona ng Kanyang Anak na kumain at uminom kasama nila pagkatapos na Siyang mabuhay na mag-uli mula sa mga patay; at ang pagpapatotoo ng mga Apostol ay umaabot hanggang sa dulong bahagi ng mundo.

Gw. 1:8
Datapuwa't tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.


Ang mga Apostol ay tunay nga at totoong mga Saksi...ang katuparan sa propesiya na nakasulat sa Isa.43:10.

Isa. 43:10
Kayo'y aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at aking lingkod na aking pinili: upang inyong maalaman at magsisampalataya kayo sa akin, at inyong matalastas na ako nga; walang Dios na inanyuan na una sa akin, o magkakaroon man pagkatapos ko.


God bless.
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top